XIV. The Game Changer

522 34 22
                                    

BLAISE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BLAISE

What she said left me dumbfounded. Napakurap-kurap na lang ako dahil sa sinabi niya. I shot a sideward glance at Delaney and Lilith. They were shocked, too. Nakabukas lang ang kanilang bibig subalit walang salitang lumabas mula roon. Ramdam ko rin ang panginginig ni Delaney because she was clutching my left arm.

Maybe hindi rin sila makapaniwala na ang Drama Club president na nakatayo sa harapan namin ay ang totoong Iron.

"I-Ikaw si I-Iron?" hindi makapaniwalang tanong ni Delaney habang nanginginig.

"Yup," sagot naman ni Koreen saka tumingin sa 'kin. She then smirked. "Bakit, Blaise, nagulat ka ba? If you're thinking that you're the queen of drama, then you must think again," she said while folding her arms.

Tama. Ang galing nga niyang umarte. Napaniwala niya kami na mabait siya. Eh 'di sa kaniya na ang titulong drama queen.

Napaatras kami dahil unti-unti siyang lumalapit sa amin. Tanging tunog lang ng kanyang heels ang maririnig dito sa auditorium. Geez, that sound was annoying. "Ang galing kong umarte, 'no? Who would have thought that the president of the drama club, the leader whom everyone praised, is capable of doing bad things? That's what you think, am I right?" she added then stopped.

Bumilis ang pagkabog ng aking puso at ano mang oras ay tila sasabog na ito habang tinititigan ko si Koreen na nakangisi.

Nabaling ang atensyon ko sa maliit na pintuan. Waring may lalabas mula roon at alam kong si Calcium iyon. What should we do now?

"Blaise, what should we do?" nag-aalalang saad ni Delaney.

"Hey, Blaise! Wala akong alam sa kung ano'ng problema n'yo. Babush!" Lilith spoke in a whisper then began to walk.

Ngunit kaagad din siyang tumigil nang makita ang isang lalaking naka-mask na lumabas galing sa pintuan. This is bad! We're doomed! Nasaan ba kasi si Harith at Rufus?

"Where do you think you're going, miss?" Calcium asked. His voice was irritating because of the voice changer device.

Umatras si Lilith dahil sa takot. Lumapit siya sa 'kin saka ipinulupot ang kaniyang mga kamay sa kanang braso ko. Nagmistula akong nanay na nilalapitan ng mga anak upang humingi ng tulong. But sad to say, takot din ako kay Calcium kaya nanginig din ang kalamnan ko. Ano'ng gagawin nila sa amin? Dapat ba sumama kami? Tama, sasama kami sa kanila sa underground upang masaksihan din nila Delaney at Lilith ang sikreto ng Sinister Guild.

"What did I told you, Blaise? Hinding-hindi ka makatatakas," wika ni Calcium saka humalakhak.

Umalingawngaw ang tawa niya sa loob ng auditorium. Tawa ng isang demonyo.

"Blaise! Lani! May kasamahan pa siya, oh! What should we do? Tumakbo na lang tayo," suhestiyon pa ni Lilith. Bakas sa boses niya ang takot.

Sa totoo lang, wala talaga siyang alam sa mga nangyayari. Malas niya kasi rito pa niya naisipang makipagkita sa amin. Nadamay tuloy.

Synesthetes' Game (Published under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon