THIRD PERSON
Malalim na ang gabi subalit napakaingay ng kanilang telebisyon. Pinapanood ng isang bata ang kinalulugdan niyang serye na pinamagatang "Detective Conan." Sa sobrang hanga niya sa bida ay naisipan niyang maging ganoon din sa kaniyang paglaki.
Ang maging isang detective.
"Rufus," tawag ng kaniyang ama. Galing ito sa isa sa pinakasikat na paaralan, ang Lewis High School. Ibinaba nito ang dalang bag, lumapit sa sofa, at saka dumekuwatro. Bakas sa hitsura nito ang pagod.
Kaagad na nagmano ang batang Rufus sa kaniyang ama na kararating lang.
"Where's your mom?" nakahalukipkip nitong tanong.
Marahan naman siyang umiling. "'Di ko po alam, Dad," tugon niya.
Ngumiti nang mapakla ang kaniyang ama. "Oh c'mon, Rufus. I know that you do know where your mother is. So tell me honestly, nasaan siya?"
Bumagsak ang tingin niya sa sahig. "Nasa pasugalan po," pag-amin niya.
"What?" kunot-noong sabi ng kaniyang ama.
Sa mga oras na iyon, batid na niya ang susunod na mangyayari at hindi iyon maganda. Tatayo na sana ang kaniyang ama nang biglang bumukas ang pinto saka iniluwa niyon ang kaniyang ina na galing sa pasugalan. Balisa ito at hindi alam kung ano ang ikikilos sa harapan ng kaniyang asawa. Bakas din sa hitsura nito na ito'y natalo sa sugal.
"Saan ka galing?" pag-usisa ng kaniyang ama.
"S-Sa kapit-bahay lang. Alam mo na, nagpakasal ka kasi sa isang tsismosa," tugon naman ng kaniyang ina. Bakas sa boses at inaakto nito na ito'y nagsisinungaling lamang.
"'Wag na tayong maglokohan. Ang sabihin mo, ginagasta mo na naman ang pera natin para sa lintik na pasugalan na 'yan!" Tumaas na ang boses ng kaniyang ama. Waring nag-uusok ang ilong at tainga nito sa galit.
At 'yon ang ayaw na ayaw niyang mangyari. Ang mag-away ang kaniyang mga magulang.
Tinakpan niya kaagad ang kaniyang tainga upang hindi marinig ang pagtatalo ng dalawa. Ibinaling na lang niya ang atensyon sa paborito niyang serye. Isang paraan niya ng pagtakas sa realidad ay ang panonood ng Detective Conan.
Sa mga sumunod na araw, halos ganoon lang din ang set-up. Nanonood siya ng paborito niyang serye sa sofa habang nag-aaway ang kaniyang mga magulang. Kung minsa'y may mga lumilipad na plato, plorera, o 'di kaya'y remote.
"Quit creating such a ruckus. I'm watching my favorite show," bulong niya.
Dali-daling pumanhik ang batang Rufus sa kaniyang kuwarto dahil hindi na niya kinaya ang mga nangyayari sa ibaba.
Sino naman ang may gustong parati na lang nag-aaway ang mga magulang nila? Wala, 'di ba? Ang tanging hangad lang naman ng batang Rufus ay magkaroon ng isang masayang pamilya. Pero bakit gano'n?
BINABASA MO ANG
Synesthetes' Game (Published under Immac PPH)
Fantasía[FINISHED | PUBLISHED] Categories : Low Fantasy • Mystery • Suspense /ˈsi-nəs-thēts ɡām/ She can see people's auras . . . "The red light flashed on her face means affection." He can taste words . . . "He's lying!" And she can feel what others feel...