BLAISE
Kaagad akong tumakbo palabas ng office saka hinanap ng mga mata ko ang pigura ng school director. Medyo madilim na rito kaya nahirapan ako. Maitim din kasi ang suot niya.
I was thinking somewhere only we knew. Kapagkuwan ay nanlaki ang mga mata ko na parang may bumbilyang lumiwanag sa itaas ng aking ulo nang maalala ang lagusan sa likod ng SHS building papuntang auditorium. Tama! Doon siya dadaan at magtatago siya roon sa underground!
Sasabak na sana ulit ako sa takbuhan subalit natigil ako nang dumapo ang mga mata ko sa lalaking 'di ko inasahang makita sa mga oras na 'to. Walang iba kung 'di si Kavin Corbett.
"I'll help Harith and Lani. And you . . . puntahan mo ang school director sa abandoned building sa likod ng SHS building. 'Wag mo siyang kalabanin. Just talk to him para 'di siya tuluyang makatakas. Susunod agad kami, Blaise," panuto niya saka nilagpasan ako.
But before he could totally vanish from my sight, I asked, "Ano ka ba talaga, ha? An ally or an enemy?"
Without casting a glance at me, he replied, "Kung ano ang nasa isip mo, 'yon ako," said Kavin then went inside the office.
I just shook my head saka tumakbo patungo sa building na sinabi niya.
Sana, maabutan ko 'yong director. Sana, hindi pa siya pumasok do'n sa lagusan. Nakatatakot kaya ro'n. 'Tapos, may mga alipores pa siyang may hawak ng kutsilyo. While thinking sa mga kutsilyong dala-dala nila noon, naisip ko rin ang dugo ko. Kung maaari, 'wag na sana itong mabawasan. Paubos na 'to, eh, kapupuyat. Chariz!
Nang marating ng mga paa ko ang abandoned building, nakita ko si Mr. Mayer sa first floor. Papasok na siya sa lagusan. Hell no! Hindi siya puwedeng tumakas. Kailangan niyang managot sa lahat ng ginawa niya. Masama siyang tao at kailangan niyang makulong.
"Mr. Mayer, kung may hawak ka mang baril, ibaba mo na 'yan! Napapaligiran ka na namin!" I blurted out. "Game over, director . . ."
Charot! It's a praaank! Ako lang mag-isa rito, 'no, kaya kailangan kong gamitin ang mga katagang 'yon na kadalasang binabanggit ng mga pulis para lang huminto siya. Tumigil naman ito at itinaas ang kaniyang mga kamay. Uto to the second power! Uto-uto!
Naglakad ako papalapit sa kinatatayuan niya. Tanging mga yabag na nililikha ng sapatos ko ang maririnig dito sa building. Panay rin ang pagbuga ko ng malalim na hininga. I shivered as the wind flicked at my bare arms. Nakasando lang kasi ako ngayon.
Nang makalapit ako sa kanya ay agad siyang natawa.
"What a good scheme, Ms. Hakenson," aniya habang ibinababa ang kaniyang mga kamay nang mapagtantong ako lang mag-isa ang humabol sa kanya. "At bakit ka naman nandito? Mag-isa ka pa, huh? 'Di ka ba natatakot sa akin?" he said.
A smirk curved across his lips. Ibang-iba siya kanina. Kung kanina'y para itong baliw na sinabunutan ang sarili ngayon nama'y para siyang demonyo.
I gulped. "At bakit naman ako matatakot sa 'yo? Baka nga ikaw pa ang matatakot sa akin. Alam kong gasgas na itong sasabihin ko pero . . . tapusin na natin 'to, Mr. Mayer!" mariin kong sabi. Hindi ako magpapatinag sa kaniya. "Sumuko ka na."
BINABASA MO ANG
Synesthetes' Game (Published under Immac PPH)
Fantasi[FINISHED | PUBLISHED] Categories : Low Fantasy • Mystery • Suspense /ˈsi-nəs-thēts ɡām/ She can see people's auras . . . "The red light flashed on her face means affection." He can taste words . . . "He's lying!" And she can feel what others feel...