XXVII. Aura-girl's Tactics

314 21 7
                                    

BLAISE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BLAISE

One week had passed since Lilith Ellington was suspended, sobrang dami nang nangyari sa amin. Pinagdududahan ni Delaney ang isa naming kaibigan na si Harith. Namatay 'yong childhood friend ko na siyang ikinalungkot ng karamihan dito sa Lewis High.

Isang kuwestiyon ang sumibol sa isip ko: Nasaan si Rufus? Simula no'ng tumalon si Kavin, hindi na namin siya mahagilap. We had no idea of his whereabouts as if he shrunk into nothingness.

"That's good to hear, Ms. Hakenson. Finally, naisipan mo na ring tanggapin ang magandang offer ko sa 'yo," wika ni Mrs. Shannon sabay ngiti sa akin.

The yellow light plastered on her face was enough for me to know that she was pleased with my decision.

Kasalukuyan akong nandito sa kaniyang opisina at nakaupo sa harapan niya. Yesterday, habang nasa bahay ako nila Kavin ay napagdesisyunan kong tanggapin ang offer ni Mrs. Shannon sapagkat gusto kong ipagpatuloy ang sinimulan ng matalik kong kaibigan—he may now rest in peace.

Ayaw kong mauwi sa wala ang kanyang mga pinaghirapan. I would change this school and would end this game—madness as what Delaney called it.

But first, I must have the power.

I smiled back.

She tilted her head and her eyebrows were knitting. "By the way, about the school play. Mukhang may naisip ako tungkol do'n. Gusto ko sanang—"

"I-cancel na lang po given what happened to Emery and Lilith?" I immediately cut her words short, still smiling. "It's okay po. It's a nice decision naman para wala nang gulo. I'll inform them po mamaya. Magmi-meeting naman kami later, eh."

Mrs. Shannon was smiling from ear to ear. So, tama nga ako. "Okay, that's good! Oh, wait, may isang bagay pa pala akong gustong ibigay sa 'yo. As the new president of the student government, you ought to wear it," wika niya. She then rummaged the drawer of her table for a minute or two. Soon as she got it, she looked at me with excitement on her eyes.

Tumayo siya sa kanyang kinauupuan saka lumapit sa akin. Bigla akong kinabahan dahil sa kinikilos niya. Baka kasi bigla niya akong saksakin ng gunting o 'di kaya'y barilin dito sa loob na walang ibang makaririnig. D'yos ko! Help!

Subalit nang tapunan ko ng tingin ang isang bagay na hawak-hawak niya ay nakahinga ako nang maluwag. Tela lang pala—red cloth to be exact. 'Yong ididikit sa uniform ng officers.

"This," aniya saka maingat na idinikit ang pulang tela sa aking uniporme. "Hayan, bagay na bagay talaga sa 'yo, Blaise!" She was smiling from ear to ear while looking at me. Halos mapunit na nga ang kaniyang mga labi. "I'm pretty certain that you will be a good leader like your late friend."

Nag-init bigla ang sulok ng mga mata ko.

"Don't worry, I'll inform everyone later para naman hindi sila mabigla na may nakadikit na red cloth sa 'yong uniform, okay?" pahabol pa niya sabay ngiti.

Synesthetes' Game (Published under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon