XXIII. "I Can Taste Lies, Too."

406 21 1
                                    

BLAISE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BLAISE

After we interviewed those students, we got nothing but headaches. Sino ba naman ang hindi sasakit ang ulo sa kanila? Tinanong namin sila nang maayos 'tapos 'yong sagot nila, ang layo. Hanggang sa nauwi sa tuksuhan. Hayun, nakinig na lang kami sa kuwentuhan nila. Hays, kairita! We shouldn't have interrogated those bunch of mediocre oafs. Oops, sorry for the language!

Gaya ng aming napag-usapan, dumiretso na ang boys sa Music Club at kami namang girls ay nanatili sa auditorium. For me, our tactic was good. However, the mysterious sender might have found our move suspicious. That's why we needed to be extra careful against him or her.

"Alam mo, Blaise? Kahit alaskador ako kay Harith, nag-aalala pa rin ako sa kaniya," Delaney spoke out of the blue.

Nabaling ang atensyon ko sa kaniya dahil sa gulat. Kanina kasi ay nakatingin ako sa mga babae rito sa Drama Club, baka may mamataan akong kahina-hinala.

Naningkit ang mga mata ko habang nakatitig sa kaibigan ko. "Dahil ba 'to sa nangyari sa kaniya last night?"

Just then, pumaskil ang kalungkutan sa kaniyang mukha na nahaluan ng takot. Kaya, naghalo-halo na ang kulay asul at violet sa mukha niya.

"Oo," aniya saka bumuntonghininga. "Blaise, pa'no kung . . . pa'no kung magkakatotoo nga 'yong masamang panaginip mo? P-Paano kung may mamamatay nga sa 'tin? B-Blaise, hindi ko kakayanin 'yon," she added, stuttering.

"Are you that appalled? 'Di ba nga, kayo na rin ang nagsabi na panaginip lang 'yon? And we'll make sure that it won't happen, okay?" pampalubag-loob ko pa sa kaniya.

She gently nodded and a small smile etched on her face.

I guessed the tables had totally turned. Kung noon, ako 'yong sobrang worried dahil sa napanaginipan ko. Sa kasalukuyan, sina Harith at Delaney naman.

She then held my left hand. "Nakatatawa lang isipin, Blaise. Noon, emosyon lang ng mga tao ang nakikita mo. Ngayon, pati future na. Iba rin. Level up na si ate girl," biro pa niya.

I shook my head. "Panaginip nga lang 'yon, 'di ba? Hindi ko nakikita ang future. Buang!"

Pareho kaming natawa nang marahan.

Ngunit kaagad kaming huminto sa pagtawa nang dumating ang isa pa naming roommate, si Lilith. Judging from her look, wala siya sa mood. Nakasimangot lang ito habang naglalakad patungo sa kinauupuan namin.

Delaney and I exchanged curious looks.

"Ano'ng nangyari sa 'yo?" Si Lani na ang nag-initiate sa pagbato ng tanong nang makalapit si Lilith.

Synesthetes' Game (Published under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon