HARITH
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Unang bumungad sa 'kin ang nakasisilaw na liwanag. The surrounding was all white. Malamang ay nasa infirmary ako. I roamed my eyes around and saw my friends sitting on the floor. Natutulog sina Blaise at Rufus samantalang may binabasa naman si Lilith.
"Queen . . ." I spoke in a whisper.
She craned her neck then her eyes immediately went wide soon as she saw me. "Lie detector," gulat niyang sambit. Kaagad niyang inalog-alog ang mga balikat nina Blaise at Rufus. "Aura-girl! Sleuth! Gising na si Lie detector!"
Nang magising na ang dalawa ay dali-dali silang lumapit sa kinahihigaan ko.
With worried face, Blaise inquired, "Kumusta ka na, Harith? Okay na ba ang pakiramdam mo? Sumagot ka, now na!"
Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. Grabe naman maka-react ang isang 'to.
Binato siya ni Lilith ng masamang tingin. "Hey, Aura-girl, you're overreacting! 'Wag mo ngang biglain si Harith. Kagigising lang niya, right?" saway niya kay Blaise. The latter just forced a smile, displaying her white teeth.
"I'm okay now," I said. Nang tingnan ko ang mga braso ko ay puro galos ang tinamo nito dahil sa pagsabog doon sa abandoned building na 'yon. Mabuti na lang at hindi ako namatay. Kabado bente ako. "Wala namang masakit ngayon. Though ang sakit talaga ng katawan ko kanina nang mag-landing ako sa harapan ninyong lima."
"That's good to hear." Blaise beamed at me.
"Nasa'n nga pala sina Kavin at Delaney?" kunot-noong tanong ko. Napalingon-lingon ako sa paligid pero hindi ko sila mahagilap.
"Mr. President went to his acquaintance, Music Club president to be exact. While Feeler, I dunno where she is," Lilith replied, shrugging her shoulders.
"Nagpaalam si Delaney sa 'kin. Kakain na raw siya kasi kanina pa raw siya nagugutom," sabi ni Blaise.
Tumango naman ako bilang tugon.
"Hey, Lie detector, did you notice something suspicious before the explosion happened aside from this?" Rufus asked out of the blue in a low voice.
May inabot siya sa 'king papel, ang kaninang binabasa ni Lilith. Nang mabasa ko ito'y agad na namilog ang mga mata ko.
'I find something good in everything. What am I?'
Darn it. What's the meaning of this? "Ano 'to?" I asked, squinting my eyes.
"Riddle, I guess?" sarkastikong sabi ni Lilith.
Hindi ko na lang siya pinansin.
"May nag-iwan nito roon sa abandoned building. Again, did you find something dubious earlier?" Rufus asked again.
"Um . . ." I muttered, caressing my chin. Pinipilit kong inaalala ang mga nangyari kanina roon sa building na 'yon.
Una, nagpunta kami roon para kumustahin si Rufus kasi 'di siya pumasok sa kanilang klase buong araw. When we got there, I didn't notice anything unusual. To be honest, the atmosphere back there wasn't eerie because of Delaney's sense of whimsy.
BINABASA MO ANG
Synesthetes' Game (Published under Immac PPH)
Fantasy[FINISHED | PUBLISHED] Categories : Low Fantasy • Mystery • Suspense /ˈsi-nəs-thēts ɡām/ She can see people's auras . . . "The red light flashed on her face means affection." He can taste words . . . "He's lying!" And she can feel what others feel...