XXIV. Theory of Delaney

336 18 1
                                    

BLAISE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BLAISE

"What? Are you kidding us?" Lilith exclaimed and shook her head in disbelief. Nakapamaywang ito at bakas sa kaniyang pagmumukha na hindi ito naniniwala sa sinabi ni Helfrich Hemingway.

Ganiyan din ang reaksyon niya noong narinig niya mismo mula sa 'king bibig na nakikita ko ang emosyon ng bawat isa.

"You can taste . . . lies?" Emery smiled bitterly. "I don't buy it," she added then shook her head repeatedly.

"S-Seryoso ka ba, Helfrich?" nauutal kong sambit. Hinintay ko ang reaksyon niya. Baka kasi nagdyo-joke lang siya 'tapos bigla siyang tatawa.

But she nodded her head in affirmation. "Yup. I also have lexical-gustatory synesthesia. I can taste words but only if they were written or printed, unlike Harith's ability. 'Yan ang reason kung bakit ako sumali sa News Club. I could distinguish kung alin do'n ang totoo at fake news."

"Cut the nonsense!" Emery scoffed.

"Kung ayaw mong maniwala, eh 'di don't!" Helfrich rolled her eyes.

"What's happening here?"

Napapitlag kami at dali-daling napalingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Our eyes immediately went wide when we saw Ate Blair, the new Discipline Teacher, standing near the doorstep. Shoot! We're doomed!

For sure, may nagsumbong na estudyante sa ate ko kaya siya nandito.

"I said, what's going on here?" she reiterated nang walang sumagot ni isa sa amin. She then folded her arms across her chest.

Napalunok ako ng laway saka isa-isa kong tinapunan ng tingin ang mga kasama ko rito. Maang na nakatitig si Lani kay Ate Blair. Parehong bumagsak ang tingin nina Lilith at Emery sa sahig. Samantala, tumingala naman si Helfrich sa kisame na animo'y naroon ang angkop na sagot sa kuwestiyong isinaboy ni Ate Blair.

Lupa, buka! Lamunin mo 'ko! Ayaw kong mapagalitan ni ate. D'yos ko!

The next thing I knew, we were inside the Discipline Teacher's office. Kung ang aircon ba o ang pakikitungo sa 'kin ni ate ang mas malamig ay hindi ko na batid.

Hindi ko mawari kung bakit kailangan ko pang sumama rito gayong wala naman akong kinalaman sa away nina Lilith at Emery. Siguro, dahil president ako ng club namin?

Pero until this moment, hindi pa rin ako makapaniwala na may kakayahan din si Helfrich na malasahan ang mga salita gaya n'ong kay Harith. Though according to her, nalalasahan lang niya ang mga salitang nakasulat o nakalimbag sa papel, contrary to Harith's ability to taste words na sinasabi mismo ng mga tao.

Wow! Ang galing talaga ng kakayahang taglay nilang dalawa. Though may kaunting duda pa rin ako sa kaniya. I mean, baka nagpapanggap lang siya. Baka inaral lang niya nang mabuti ang abilidad ng kaibigan ko.

And there's only one person who can tell if she was telling the truth or otherwise—the living lie detector, Harith Bracken.

"So, ano nga ang nangyari kanina? Bakit ang gulo-gulo ng inyong mga buhok?" Ate Blair asked out of the blue.

Synesthetes' Game (Published under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon