III. The Living Lie Detector

1.8K 120 52
                                    

BLAISE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BLAISE

Pagkagising ko’y may tape na sa bibig ko. I quickly roamed my eyes around the dark room. I didn’t bother to scream or to ask for a help because it’s futile. Ano ako, boba? Masasayang lang ang laway ko, ’no!

Walang ano-ano’y bumukas ang pinto saka iniluwa niyon ang dalawang lalaki. Ang isa ay naka-mask at ang isa naman ay hindi. Ngunit dahil sa kadiliman, ’di ko ito mamukhaan.

“Potassium, siya ’yong sinasabi kong babaeng umaaligid sa building na ’to,” sabi ng lalaki sa naka-mask.

Potassium? Ano’ng pinagsasabi niya?

“Baka gustong sumali. Natanong mo na ba?”

“Hindi pa, eh.”

“Kilala mo ba?”

“Transferee yata ’yan, eh. Ngayon ko lang kasi nakita.”

“A-Ano?” gulat na sambit ng binatilyong may takip ang mukha.

Biglang itinutok ng lalaking naka-mask ang dala niyang flashlight sa akin dahilan upang maningkit ang aking mga mata sa liwanag. Napansin kong natigilan siya bago lumapit sa akin at dahan-dahang tinanggal ang tape sa bibig ko.

“Bakit ka nagpunta rito?” pag-usisa ng binatilyong naka-mask. May nahihimigan akong pag-aalala sa kaniyang tinig.

My heart kept beating erratically. I was trembling in absolute fear. Feeling ko, nasa isa akong paglilitis. Pero bakit parang kilala niya ako? Bakit parang concerned siya sa ’kin?

Slowly, I surveyed him and with my forehead creased, I asked, “Who are you?”

The masked lad quickly turned off the flashlight that he was clutching. I didn’t know what’s going on here. I didn’t know who’s the guy standing before me.

“Takpan mo siya sa mukha saka ilabas mo siya rito,” mariing utos ng binatilyong naka-mask doon sa kasama niyang nagdala sa ’kin dito sa silid na ’to.

“Pero . . .” Waring nag-aatubili itong tumalima sa atas niya.

“Dalian mo na!” he then exclaimed, the seriousness on his voice was evident.

Hindi ko ma-identify kung sino siya kasi may suot itong maskara saka parang robot ang boses niya. It’s kinda annoying.

“Transferee siya, Potassium, and I’m pretty certain na wala pa siyang club na kinabibilangan. Katulad niya ang hinahanap natin, ’di ba?”

“Shut the fuck up!” Pumailanlang sa buong paligid ang sigaw ng lalaking naka-mask.

Kumunot ang noo ko habang nakikinig sa kanilang usapan. Ano naman ngayon kung transferee ako? Ano naman kung wala pa ’kong sinalihang club? At isa pa, ba’t parang nag-aalala ’yong lalaking naka-mask sa ’kin? Don’t tell me kilala niya ako? Geez, mababaliw na yata ako rito. Ilabas n’yo na ako rito, please. Parang tatakasan na ako ng bait ano mang oras. D’yos ko!

Synesthetes' Game (Published under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon