Nagbell na at nagpaalam na si Maam Marquez,Teacher namin sa isang minor namin.
Lumabas na ang mga ibang kakalse namin. Lumapit naman sa amin ang bagong lipat, dalawa lang pala sila. Si Robert at si Calix.
"Hello everyone!" Galak na bati ni robert sa amin.
"Hello sis!" lumapit naman sa kanya si Claire. Ganito kasi ang kanyang mga gustong makasama eh.
Nagchika sila ng kung ano-ano. Nandito pa pala sila kumag, nagtitipon sa bandang likod namin pero di naman masyadong malayo at parang may usapan na seryoso.
"Hi alyssa" kaway ni calix sa akin.
"Uy calix! Bago ka pala dito?" tanong ko sa kanya. Nalito kasi ako sa sinabi niya kaninang umaga. Yung 'bago ka lang dito?'
"Ahh oo, magpapaliwanag ako sa sinabi ko kanina. Nagiikot kasi ako at hindi pa kita nakita akala ko kasi na transferee ka rin." Sabay ngiti na parang na-awkward.
"Ahh ang totoo niyan bago lang din ako lipat kaso nung first day pa"
pagpapaliwanag ko."Ahh ganun ba"
Nag-usap pa kami kung ano ano.
Nag-aya naman silang maglunch kaya sumabay na kami."Sabay kami!"Sambit ni drew. Huh?
Anong pumasok sa isip nito at naisipan sumabay kumain sa amin?
Aangal sana ako ng nagsalita si Kumag"Oo sabay kami, may angal ka 'Alyssa'?" Tanong nito sa akin.
Parang binabasa nito ang utak ko. Paanong nalaman niya na aangal ako at Alyssa?! Kailan niya pa ako tinawag sa pangalan at Alyssa pa talaga ha?"Anong alyssa ka dyan? Faith diba ang pagpapakilala ko sa inyo!?"
"Anong paki mo, alyssa ang tawag ko sayo eh. May angal?"
"Aba't--, Guys kumain na tayo" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sumingit si Claire.
Oh shit, nandito pala si Calix my loves. Nakita niya ba yun?
"Ahh sige, sorry calix ha" sabay talikod ko kay kumag.
Sasabay na sana ako kay calix maglakad ngunit hinagit ako ni steph.
"Ano yun ha? bakit kay calix nagsorry tapos sa amin hindi? At bakit alyssa ang tawag niya sayo, magkakilala na kayo" tanong ni steph.
"Wala yun no at about sa name ko ay nagkabanggaan kasi kami kanina at alyssa ang pagpapakilala ko."Nag peace sign ako sa kanya
"Siguraduhin mo lang ha"
"Pero alam mo crush ko siya ng slight" bulong ko kay steph.
"Sabi ko na nga ba eh"Tumawa naman ito.
"Huy anong tinatawa niyo dyan? Share naman oh" Bungad ni Claire sa amin. Umiling iling nalang ako.
Third person's POV
Naglalakad ng sabay ang tatlong magbabarkada sa likod nila stephanie at faith.
Ng marinig nila ang usapan nilang dalawa
"Bro, crush daw niya yung sanchez na yun bro!" At tumawa naman si Drew.
Nagtitimpi pa si Josh hindi niya nalang inisip ang sinabi ni Drew. Shete
"At ano namang pake ko?" tanong nito kay drew. Nanahimik nalang si Ace sa gilid at nakikinig sa usapan ng dalawa.
"Anong pake? May pake ka talaga bro. Nung marinig mo nga na kakain sila sinabihan mo ako na sabihan sila na sasama tayo. Puahahhaha, ang sabihin mo may tama ka na sa kanya bro"patuloy pa rin ito sa pagtawa
"Ano bang sinasabi mo dyan? Anong tama? Hindi ko ang type ang nerd noh. At ano namang masama dun kung sasama tayo sa kanila hindi ba?"
Bakat pa rin sa itsura nito ang pagkainis kay Calix.
May sasabihin pa sana si Drew ng tingnan ng masama ni Josh ito.
Napatawa nalang si Ace sa gilid.
***
Faith's POVNatapos ang araw ng hindi ako pinapansin ni Kumag sa minor at major namin. Nu nangyari dun?
Mabuti naman at hindi ako ginugulo.
Lumabas na ako ng pinto at naabutan kong si Calix na nakasandal sa corridor wall. Anong ginagawa niya dito?"Oh calix anong ginagawa mo dito? May hinihintay ka ba?" Tanong ko dito.
"Ahh oo eh" sagot naman ni calix sa akin.
"Ahh ganun ba sino?" Tanong ko dito. Umaasa naman akong ako ang sasabihin niya.
"Si--" Hindi niya na tapos ng lumabas si Kate sa pintuan.
"Aile, kanina ka pa ba naghihintay? Sorry now ko lang natapos ang pinapagawa ni maam eh" sambit ni kate. Siya pala ang hinihitay nito. Medyo pumait ang itsura ko at nakaramdam ng kirot sa damdamin ko. Ano ba yan?
"Ah sige alyssa una na kami" namaalam na si Calix.
"Ahh sige calix see you tomorrow"
"Bye bye faith!" pagpapaalam ni kate. Kumaway nalang ako dito.
At sumagi sa isip nito. Shit!
May detention pa pala ako. Huhuhu
"Oh halika na faith. Gala tayo oh, may narinig akong may bagong bukas daw na cafe diyan sa tabi" imbita ni Steph sa akin.
Gusto ko sana kaso--
"Sorry guys kaso may detention pa ako eh. Diba late ako kanina?"
pagpapaliwanag ko sa mga ito."WAHAHAHAH, yan kasi late pa more" tawang tawa na sabi ni Claire. Sinamaan ko ito ng tingin ngunit hindi ito tumalab. Pssh
"Maiwan ko na kayo" at umalis na sakanila.
***
Finally natapos na din ang detention. Makauwi na ako.
Lumabas na ako sa pintuan at nakitang wala na masyado tao. Creepy
Naglakad na ako palabas ng outer gate at naghintay ng masasakyan. Tiningnan ko ang mga ulap at parang bubuhos ang ulan. Wala pa naman akong dalang payong.HUHUHU mababasa talaga ako nito.
Josh's POV
Galing ako sa isang party at papauwi na ako ngayon. Dumaan ako sa university at natanaw ko ang pamilyar na imahe.
Nakita ko si Alyssa lalampasan ko na sana ako ng may na isip akong plano.
Pinarada ko ang sasakyan ko sa harapan niya. Nung binaba ko ang bintana ay bakas ang gulat sa mukha nito na parang hindi inaasahan na ako ang makita nito.
"Sakay" sambit ko dito. Sumakay naman ito dahil wala na siyang choice dahil papasok pa ang paaralan at wala ng dadaan na mga taxi dito o tricycle.
Nung sumakay na siya ay pinasuot ko siya ng seatbelt
"Put your seatbelt please" nung sinuot niya na ang seatbelt ay lumarga na ako.
Nilakasan ko ang patakbo ng sasakyan ko. Umabot na ito ng 100 kph, nung tiningnan ko ang itsura ni Alyssa ay wala pa rin ito bago. Ang kalma pa din nito. Pinapabilis ko pa ang takbo parang lilipad na nga ang sasakyan eh wala pa rin. Ano bang nangyayari?
Faith's POV
Bakat ang pagtataka sa itsura ni Kurt na tila hindi na iintindihan ang nangyayari. Napailing nalang ako.
Kung alam mo lang kurt, kung alam mo lang....
______________________________________
RavishingYou ®
BINABASA MO ANG
His Nerdy Girl (On-Going)
Teen FictionJosh Kurt Sanderford ay isa sa mga pinakamalakas at makapangyarihan sa paaralan nila. Walang nakakababag sa isipan nito kahit ano, kahit sa anong larangan. Ngunit dahil sa pagdating ni Alyssa Faith Madrigal na isang nerd ay nagbago ang lahat. Langua...