"Uy faith, nandiyan na si oliver sa baba!" sigaw ni mama. "Bilisan mo diyan" dagdag niya pa.
"Opo ma!" balik ko.
Second semester na namin ngayon at dahil dun sa amin na rin mag-aaral si kuya.
Bumaba na ako at nakitang nakaupo sa sofa si kuya.
"Oh pug, nandiyan ka na pala. Good morning!" Bati ni kuya Oliver sa akin.
"Kuya naman eh, di na ako bata. Bakit pug pa rin ang tawag sa akin?" pagmamaktol ko.
"Sa gusto ko, angal ka?" tanong ni kuya sa akin.
Aish wala na akong magawa.
"Hali ka na, malalate na Tayo" sambit niya sa akin.
"Luh Anong late dyan, Alas sais palang kuya alas otcho pa magstart ang klase. Wala pa nga ako nakakakain eh. Ang aga aga mo" pagmamaktol ko sa kanya.
"Ay sorry naman, egzoyted lang ako." sabi niya na nang nagbabakla baklaan.
"Yaks ka kuya, eww." sabi ko habang nagdradrama ng parang nasusuka."Di ka bagay" dugtong ko sa sinabi ko.
He just tsked at me. Napatawa lamang ako.
Nandito kami sa dining room at kakain na.
Kumuha ako nang pagkain ng kumuha rin si kuya.
Luh siya, akala ko kumain na to.
"Hoy, bawal yan" pagbabawal ko sa kanya sa pagkuha ng pagkain sa hapag.
"Anong bawal?" tanong niya sa akin.
"Kumain ka na diba?"
"Ay hehe, wala pa akong kain. Dumiretso na ako dito" sambit niya.
"Yan kasi excited masyado, Di pa pala kumakain" Sambit ko at inirapan siya.
"Lah makairap ha"
Binalewala ko nalang siya at kumain na. Mabuti rin at ganun na din siya.
"Finally, I can see that boy who made your brain or your life disturb" basag ni kuya sa katahimikan.
Kami nalang ditong dalawa since si mama ay umalis na, kaya naging tahimik kanina.
"Pwede mo naman sabihin sa tagalog, english english ka pa. Bhoi sa philippines tayo. And also, absent ang kumag Ngayon" pagpapaalam ko sa kanya.
"Wow ha alam na alam" sambit ni kuya. Pssh kulit.
Malamang manliligaw ko eh. Gusto ko sanang sabihin kaso baka magalit siya kapag nalaman niya. Mas strict pa naman to sa parents ko. Sasabihin nalang namin ni kurt ng sabay.
"Oh nakatunga nga ka dyan?" pag-agaw ni atensyon ni kuya sa akin. "Ano bang iniisip mo? Mukhang malalim ah" dagdag niya pa.
"Iniisip ko kung paano sabihin sayo na nangliligaw na si Kurt" I mumbled.
"Ha? May sinasabi ka?" tanong niya sa akin.
"Ang sabi ko, Wag kang masyadong magyabang mamaya. Baguhan ka pa naman. Maraming babae naman ang magkandarapa sayo" sabi ko sa isang malditang tuno.
"Yes po madam." sambit niya at tumayo at nagsalute na parang sundalo.
WAHAHA ang childish pero kapag may nanakit sa akin parang dragon.
"HAHAHA, tama na yan. Alis na tayo kuya anong oras na oh" sambit ko, kaya naman tumingin ito sa relo niya.
"7:30 na pug, alis na tayo" pagpapaalam niya.
"Kaya nga, tapos nagsusundalo ka pa dyan" sambit ko na natatawa pa rin.
"Edi wow pug" sambit niya.
"Halika na nga" sambit niya.
BINABASA MO ANG
His Nerdy Girl (On-Going)
Teen FictionJosh Kurt Sanderford ay isa sa mga pinakamalakas at makapangyarihan sa paaralan nila. Walang nakakababag sa isipan nito kahit ano, kahit sa anong larangan. Ngunit dahil sa pagdating ni Alyssa Faith Madrigal na isang nerd ay nagbago ang lahat. Langua...