Nakatingin ako Ngayon sa aking salamin at tinitingnan ang sarili.
Nakaputi ako ngayon habang two french braids ang buhok ko. as always
Ngayon ay February 1 at ngayon ang nakatakdang araw para ilibing ang mama ko.
Ang huling araw niya dito sa mundo, biglang tumulo ang luha sa galing sa aking mga mata nang maisip ko yun. Kahit ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na wala na siya ay di ko pa rin masink in sa aking isipan.
Na sanay kasi akong nandyan siya parati sa tabi ko, sa lungkot at masaya kong mga panahon. Siya ang gumabay sa bawat saglit na nanlulumo ako. Siya ang nandyan sa tabi ko upang magiging matagumpay ako.
Agad kong pinunasan ang mga luha na nanggaling sa mata ko.
Mamimiss ko siya talaga, biglang may kumatok sa pintuan ko kaya naman umayos na ako at tumayo.
"Pasok!" sambit ko sa kung sino man ang na sa labas ng kwarto ko.
Nang bumukas ang pinto ay inuluwal nun si Stephanie. Nakadamit rin ito nang puting blouse at nakafrench braid at naka pantalon.
Agad naman ito lumapit sa akin at yumakap.
"Condolence Sis" sambit niya, at hinaplos haplos ang likod ko.
Tumango lamang ako, at umiyak sa kanyang bisig. Niyakap ko rin siya pabalik.
"Nandito lang kami para sayo faith, di ka namin iiwan. As always" sambit niya habang patuloy akong hinahaplos.
Napatahimik kami ng saglit ng biglang naman siyang nagsalita.
"Halika na, hinihintay na nila tayo. Kanina ka pa nila hinahanap" sambit niya sa akin kaya naman napatango nalang ako at umayos ng tayo, Inayos ko na rin ang sarili ko.
Bumaba na ako sa hagdanan at nakita sila claire na naghihintay sa amin.
"Condolence Faith" sambit ni drew at agad akong niyakap.
"Condolence" sabi ni rin Ace at yumakap rin.
Nang makabitaw ako ay agad lumapit rin si Claire. Umiiyak siyang yumakap sa akin.
"C-condolence Faith" piyok niyang sabi. Agad siyang bumitaw at tumingin ako sa tabi nito na si Kurt.
Agad akong lumapit sa kanya, at niyakap ko. "K-kurt" bungad ko.
"Don't worry nandito ako, kami. Nandito kami para sayo, baby" sambit ni kurt sa akin. Nakatulong naman ito sa akin upang kumalma. Nauna na sila kuya Oliver duon sa sementeryo dahil sila ang nag-aasikaso nun.
"Halika ka, pupuntahan na natin si tita" sambit ni Kurt kaya naman lahat kami ay tinahak na ang daan papunta sa kanyang sasakyan.
Ako ang sumakay sa shot gun seat habang sila steph ang nasa likod. Nagsimula na si Kurt magmaneho, habang na sa byahe ay tahimik lang kaming lahat.
Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa sementeryo, bumaba na agad sila steph habang ako naman ay sinuot ko pa ang sunglasses ko upang hindi makita na namumugto ang mata ko.
Nang bumaba ako ay inalalayan ako ni kurt papunta sa pwesto ni mama kung saan siya ililibing.
Nang marating kami sa pwesto ay, ay agad ako pinaupo sa harapan, katabi ko naman sila kuya Oliver at nila papa, sa likod ko naman sila steph.
Ilang minuto lamang ay pumunta na si father sa harapan at nagsimula na ang misa.
~~~
Ilang oras ang lumipas at dumating na talaga ang oras para maghayag ng sarili sarili naming mensahe.
Nauna naman si papa, "Nagkakilala kami ni Cristina dahil sa aming magulang, pinagkasundo kami sa isa't isa. Naging mabuti naman ang aming pagsasama ngunit di ko kaya siyang mahalin" pagkwekwento ni papa. Huminto muna siya at huminga nang malalim. " Kaya nung malaman kong nabuntis ang karelasyon ko noon, ay sinabi ko ito sa kanya, at tinanggap niya iyon. Napaka-understading niya talaga. Napakaswerte ko talaga sa kanya. Sana ay nasa maayos na siyang lugar ngayon at di na nag-dudurusa" kwento niya at umupo na siya, at umiyak.
Ngayon naman ay si kuya oliver na ang magsasalita. "Nang makilala ko si tita ay mabuti na agad ang turing nito sa akin, kahit ay anak ako ni papa sa iba. Hindi ito galit nakipagtrato sa akin at tinuring akong parang tunay niyang anak" sabi ni Kuya at tumingin sa lugar kung saan nakalagay si mama. "Thank you tita, at ako ang bahala kay pug. Wag po kayong mag-alala" pagsasalamat niya.
Ngayong oras naman ay para sa akin na upang ibigay ko ang huling mensahe ko.
"Hi ma" unang bungad ko, kahit ito palang ang nasabi ko ay umiiyak na ako. "Napakaswerte ko sayo alam mo yun?" sambit ko habang may pait na ngiti sa aking mga labi. "Parati kang nandiyan sa akin, parati kang naka-alalay sa bawat hakbang ko, mula pa nung bata ko. Nalulungkot akong na-" sambit ko at pinunasan ang luha sa mukha ko. " Nawala ka na." tuloy ko at huminto upang huminga. "Pero wag ka mag-alala, parati kong alalahanin ang mga sinasabi mo sa akin. I love you ma" sambit ko at umalis na at umiyak ng umiyak sa upuan ko.
Hinahaplos naman ni steph ang likod habang si Kurt naman ay tumabi sa akin at bingyan ako ng tubig. Tinanggap ko naman iyon.
"Dumating na ang oras upang sa last viewing natin para kay Cristina Joyce Madrigal" Sambit ng host. Agad naman tumayo yung na sa likod, upang tingnan si mama sa huling beses. Dumayo rin ang kanyang mag kaklase mula highschool.
Habang sila ay abala sa pagtingin kay mama ay nakatunganga lang ako.
Nang dumating na ang oras para kami naman ang tumingin ay nagpahuli ako.
Nang makita ko si mama na nakahiga sa coffin ay di ko napiglang umiyak.
"Mama!" sigaw ko.
Umiyak ako ng umiyak, hanggang na paluhod ako.
Ilang oras ay bumalik na ako sa aking upuan at sinimula na nila ang paglibing kay mama.
Few minutes later
"Condolence talaga" sambit ng isang highschool classmate ni mama.
"Thank you po tita" sambit ko sa kanya.
Umalis na siya at ganun din ang ginawa ng ibang kaklase ni mama. Nagpaalam na rin si Tita at Papa dahil may asikasuhin sila.
Nakatunganga lamang ako ng biglang lumapit sa akin si Kuya.
"Faith, duon ka na raw sa amin maninirahan"
______________________________________
RavishingYou ®
BINABASA MO ANG
His Nerdy Girl (On-Going)
Teen FictionJosh Kurt Sanderford ay isa sa mga pinakamalakas at makapangyarihan sa paaralan nila. Walang nakakababag sa isipan nito kahit ano, kahit sa anong larangan. Ngunit dahil sa pagdating ni Alyssa Faith Madrigal na isang nerd ay nagbago ang lahat. Langua...