Chapter 2

106 3 1
                                    

Nauna pumasok si claire,sumunod naman si stephanie.

Nung ako na ang pumasok, para silang nakakita ng multo kung makatingin sakin.

Anyways, naglakad na ako papunta sa kung saan sila Steph nakaupo. Merong Limang row at dalawang column itong classroom namin at nandito kami sa third row in the right wing. Tatlo ang pwede umupo per table at dahil tatlo kami ay naoccupy na namin ang isang table.

"uy ang ganda ng classroom" galak na sabi ni Steph, "parang na sa ibang bansa tayo nag-aaral.."patuloy niya. Nagkwento silang dalawa ni Claire since sila naman ang katabi. Na sa side kasi ako na malapit sa walkway ng classroom.

Nakikinig lang ako sa mga kwento nila habang nagcecellphone ng biglang sumigaw si Stephanie..

"OH MY GOSH!!!! ANG GAGWAPO..."

"Ano ba yang sinisigaw mo stephanie?"tanong ni claire at dahang-dahan humarap kung saan nakatingin si steph. Tumili na rin si Claire at ang mga kaklase namin.

"Huy parang ano kayo? ano ba yang-" Hindi ko na natapos ang mga sasabihin ko nung nakita ko na sila.

Papasok sila dito sa silid namin. Akala mo naman kung sino ang tinitilian mga playboy lang naman. Unang pumasok ang isa na nakaleather jacket at nakaputing t-shirt sa loob at nakaripped jeans naman ang kanyang pangbaba. Sumunod naman ang isa na nakaloose shirt na black na may printed at nakawhite jeans at black rubber shoes. Ang huli naman ay nakashades at nakahoodie at naka black jeans.

So magiging mga kaklase ko to? Oh well akala mo naman kung sinong gwapo. Hindi naman

Tamang-tama pagkapasok nila ay tumunog na ang bell. Ughhhh

Dumating na ang aming Prof.

"Goodmorning everyone I am Miss Jane Oneza and I will be your Adviser for this year" papaliwanag ni Miss Jane.

Biglang tumaas ang ng kamay ang isa sa lalaki kong Classmate. " 'Miss'? so meaning wala ka pang asawa maam?"

Umiling si maam bilang sagot sa tanong ng kaklase ko.

"Ehh boyfriend?"

"Wala rin" Sagot ni maam na napagalak sa mga lalake.

"oh yun pala"

"Wala daw"

"Ligawan mo chuy"

"Hoy! Tama na yan hindi na marinig si maam dahil sa ingay niyo" Pagalet na sabi ng isang babae na nakaupo sa first row.

"Thank you sa pagpapatahimik ng mga kaklase mo" papasalamat ni maam.

"So everyone, since bago ako rito at hindi ko kayo kilala ay magkakaroon tayo ng getting to know each other"

Bigla namang kumanta ang mga kaklase namin.

~ getting to know each other~ Napatawa naman ako dun.

"Uhhmm miss, yung naka glasses pwedeng ikaw mauna?"

"Huy faith ikaw daw" sabi ni claire

"Goodluck sis" dagdag ni Steph

Pekeng ngumiti ako sa kanila at nagsimula ng tatayo at pumunta sa harapan.

Habang lumalakad ako ay sumusunod ang tingin nila sakin. HUHUHU

"Shems, bakit pa kasi ako ang na una." Bulong ko sa sarili.

______________________________________

Presenting you our.....

ALYSSA FAITH MADRIGAL~~~~~

______________________________________

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


______________________________________

RavishingYou®

His Nerdy Girl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon