Chapter 40

15 1 0
                                    

"Ha?" sambit ko kay kuya.

"Sabi ko sa bahay ka na namin maninirahan, pinangako ko kay tita na aalagaan kita nung umalis siya." sambit niya.

Napalunok naman ako.

"Pwede naman ako duon sa bahay manirahan kuya" sambit ko.

Agad naman ito umiling.

"Wag nang matigas ang ulo, alyssa faith madrigal" sambit ni kuya habang dinidiin ang buong pangalan ko.

Galit na to, wala akong choice kundi tumango. Nakakatakot pa naman kapag magalit to.

"mabuti naman, mamaya agad ay lilipat ka na sa amin."

Napatango tango nalang ako, agad akong tumingin sa kawalan. Di pa rin ako makapaniwala na wala pa rin si mama. Suddenly, someone caressed my back. Agad ko yun binalingan para malaman kung sino yun.

"oh, kurt" sambit ko.

"okay ka lang baby?" maalalang tanong nito sa akin.

"Oo naman" sabi ko habang tumango.

Napansin siguro nito ang hindi pag-aangal ko dahil nag-iba ang itsura nito.

"Di ka ok alyssa eh" he stating the obvious.

Napabuntong hininga lang ako, "Di ako sanay eh" sambit ko sa kanya.

Bigla niya akong niyakap at hinaplos haplos na para bang ako ang pinakafragile sa buong mundo.

Hinalikan rin nito ang aking buhok.

Nanatili kami sa ganong sitwasyon sa ilang oras, nang maghapon na ay napagdesisyon naming umuwi na muna.

Sumakay kami sa sasakyan ni Clairith papunta sa bahay namin.

Nang makarating kami ay agad akong bumaba at dumiretso sa aking kwarto upang magpahinga.

...

Stephanie's POV

Nakarating na kami sa bahay ni faith, ay agaran itong bumaba. Siguro magpapahinga.

Naawa ako kay faith, di niya inaakalang mangyari ito kay tita.

Sinundan ni Josh si Faith sa taas.

Kami namang apat ay agaran pumunta sa kusina upang maghanda ng hapunan. Plano kasi naming dito muna matulog upang masamahan namin si Faith, lalo na at kakamatay lang ni tita.

"Anong lulutuin natin?" tanong ni claire sa akin.

Agad naman akong napaisip, "Mag sinigang na hipon na lang siguro" sambit ko.

Agad namang tumango ang tatlo, plano ko kasing pasiyahin si Faith kahit na sa gantong sitwasyon.

"Oh sige, uhmm tawagin niyo lang kami kung may kaylangan kayo ha" Sambit ni drew.

"Asan naman kayo?" Tanong ni claire.

"ahhh dito lang, pasyal lang kami sa bahay ni faith" Sagot ni drew.

"Amp, di ito mall para pasyalan. Nahihibang na ba kayo?" Tanong ko.

"psh, hayaan niyo na kami" Sagot ni ace sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako, basta wag niyong buksan ang pinakaunang kwarto kasi dun ang kwarto ni Faith, wag niyo siyang gamabalain.

Agad namang napatango ang mga ulok.

Agad naman kaming nagluto ni Claire.

Lumipas ang ilang oras ay tapos na kami, kaya naman hinanap na namin ang dalawang lalake bago puntahan sina faith sa kwarto niya.

Sabay kami ni Claire umakyat sa taas upang hanapin sila.

Marami rami pa naman ang mga kwarto dito, agad naming iniisa isa ang mga kwarto ni Claire.

Mga ilang minuto ay di naman sila mahanap, owshi nakakapagod.

Nagpahinga muna kami ni Claire ng may narinig kaming tunog sa pinaka dulong kwarto, agad naman akong kinabahan. Tiningnan ko din si Claire at bakat sa mukha niya ang kaba.

Agad kaming tumakbo papunta duon, pero huli na ang lahat dahil na ka pasok na sila.

"Uy kayninong kwarto to?" Tanong ni drew.

"Ang laki oh" Dagdag niya. Agad nilang inilibot ang kanilang mga mata, kaya naman nahagip nila ng painting.

"Uy pre ang ganda niya oh" Sambit ni drew.

Tumango tango naman si Ace paraan ng pagpapakita niya ng pagsang ayon sa sinabi ni Drew.

Napansin siguro nila na nandito kami ay binalingan nila kami.

"Oh andito pala kayo, matanong ko nga. Kay nino ba tong kwarto? At yung sa picture, parehas sila nung sa sala. So ibig sabihin, dito nakatira ang babae, buhay pa ba ito?" Sunod sunod na tanong ni Drew.

"sino ba siya?" Tanong ni ace.

"Oo nga sino ba siya?" Pag uulit ni Drew.

Agad naman akong napalunok, wala nang taguan to.

"Siya si........" Nang sinabi ko kung sino at bakat sa mukha nila ang pagkagulat.

"Ano?!"

______________________________________
Owshi owshi, sino yun? My ghad.

RavishingYou®

Hi guysieee, sorna ngayun lang nakapag update. Kung san na malapit ang pasukan. Ehehe naaliw kasi ako this past two months eh. Pero don't worry babalik na ako sa pag uupdate. Lablotss

His Nerdy Girl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon