Have a date with me
Have a date with me
Have a date with me
DATE WITH ME!!
Tama ba yung na rinig ko?!
Ilang minuto niya na yan sinabi ngunit---WAHHH di ko pa rin mapasok or masink in sa aking utak ang sinabi niya. Nahihibang na ba siya?
Seryoso siya niyan?
"So that's the end of or discussion today, so goodbye class." pagpapaalam ni sir
Natapos nalang ang discussion ni prof at lumipas na ang oras. Naganap na ang lahat wala pa rin ako sa sarili.
"Goodbye po" pagpamamaalam din ng mga kaklase ko at lumabas na. Habang ako ay nakatunga nga pa rin.
"Huy" kalabit ni Claire sa akin.
Nandito na pala siya?
"Earth to faith" sabi ni steph at nakabalik na talaga ako sa katinuan ko.
"Recess na girl" sabi ni claire
"H-ha?" tanong ko.
"sabi ni claire, recess na daw." pag-uulit ni steph
"Diba dalawang oras muna ang ating klase tapos recess?" tanong ko sa kanila.
Tumango tango lamang si claire.
"yeah you're right" Pagsang-ayon ni steph sa aking sinabi.
"So, meaning my second subject pa tayo diba? Alam mo claire wala ka sa isip mo eh, parating pagkain na sa isip mo. Tara na nga" sambit ko at inangkla na ang aking dalawang braso sa kanila at hilahin na sila papalabas ng classroom.
Ngunit hininto ako ni steph at hinarap niya ako.
"Girl hindi si claire ang wala sa isip, kundi ikaw." Sambit ni steph
What? Anong ibig sabihin ni steph? Nahihibang na rin ba siya? My ghad, what is happening to the world?
Tiningnan ko ito ng what-do-you-mean look. Napafacepalm lamang ito.
"Girl two hours ang ating unang subject ngayon. So it means recess na natin" pag-eexplain sa akin ni Steph.
Hala, tama. Arghhh!!! Wala na talaga ako sa sarili dahil sa sinabi ni Kurt!
Hinila na kami ni Claire paalis sa aming classroom.
"wait!" pag-aangal ko sa hakbang na gagawin ni Claire
"ano na naman?" tanong sa akin ni Steph
"ang bag at gamit natin? Hindi niyo kukunin?" tanong ko ulit.
Napafacepalm naman ULIT ang dalawa.
"alam mo faith, hindi ko alam kung nalipat yung pagiging shunga ni claire sayo eh" sambit ni Steph
"Hala, di kaya ako shunga" pag-aangal niya
Hindi naman ito pinansin ni steph at bumaling na sa akin. Hinawakan niya ang aking mga balikat at inalog alog ako.
"masamang espirito na na sa loob ni faith ay umalis ka at lumayo sa katawan niya!" sambit ni Steph.
Anong pinagsasabi nito?
"Hoy!" Pagkukuha ko ng atensyon sa kaniya, kaya naman napatigil naman ito sa ginagawa at Tumayo na ito ng maayos.
"Ano ba yang ginagawa mo? Nababaliw ka na ba steph? Wala akong kaibigan na baliw ha!" sambit ko at bumaling kay claire. "shunga lang nga meron" dagdag ko at tumawa. Sinabayan rin ako ni Stephanie sa aking pagtawa.
BINABASA MO ANG
His Nerdy Girl (On-Going)
Teen FictionJosh Kurt Sanderford ay isa sa mga pinakamalakas at makapangyarihan sa paaralan nila. Walang nakakababag sa isipan nito kahit ano, kahit sa anong larangan. Ngunit dahil sa pagdating ni Alyssa Faith Madrigal na isang nerd ay nagbago ang lahat. Langua...