Faith's POV
It's been weeks na mawala si mama, at ngayon ay medyo na o-okay na ako.
Nandyan sila kuya oliver, tita olive at papa sa pagtulong sa akin.
Nandyan din sila Kurt sa pag tulong sa akin ng mag catch up.
Today's Monday and papunta kami ni Kuya oliver papunta sa school. Nakaupo ako ngayon sa shot gun ni kuya at nakatingin sa labas. Malapit na kami sa gate ng mapansin ko na kasama ni Kurt at Kim. Agad namang nangliit ang mata ko sa nakita, nagtatawa na silang dalawa. Agad tumaas ang kilay ko. Tsk masaya sila niyan?
Napairap naman ako, at napansin siguro ni kuya yun kaya napatawa siya.
"oh napairap ka?" Tanong niya habang tumatawa.
"Tsk" yun lang ang sinabi ko. Nakaka bad trip ng araw.
Nang makapark na si kuya, hindi ko na siya hinintay pa at agaran pumunta sa loob.
Ng makapasok ako sa inner gate ay nakita ko sila, agad ko silang pinuntahan.
Nang makita nila ako ay kumaway sila.
"woi yan na ang reyna" unang sambit ni steph.
Tinawanan ko ito
"gaga ka" balik ko sa kanya
"Wassup faith" sambit ni drew
"Uy" sabi ni Ace sa akin
I smiled at them as my reply
"Hi baby" sabi ni kurt.
Di ko siya pinansin, bahala siya dyan nagagalit ako.
"Guys hali na kayo, pasok na tayo baka malate na tayo" sambit ko sabay bira ng braso ni claire at steph.
Ng malayo na kami sa tatlo, kinuha ng dalawa ang atensyon ko.
"Woi babaeta" tawag ni steph sa akin.
Tingnan mo nga to, ket kailan talaga sarap sapakin.
"yes babaeta?" Balik ko kay Steph.
"Ano yun madrigal?" Tanong niya s akin.
Oh tingnan mo, kanina babaeta ngayon last name basis na ang pucha?
"anong ano yun?" Kunwaring tanong ko sa kanya.
Alam ko na ano ang ibig sabihin niya, ano ako bobo na di marunong kumuha ng signals?
"Diba di ka bobo?" Tanong ni claire na nasa left side ko.
"Oo, anong connect nun sa pinag-uusapan natin?" Taas kilay kung tanong sa kanya
"Sis, kung di ka bobo. Dapat alam mo ang ibig sabihin ko" sabat naman ni Steph sa kabilang side ko.
Inirapan ko sila, parang walang takas na ako sa kanilang dalawa.
Bumuntong hininga muna ako bago magsalita, "Oo na, I give up. Magkwekwento na ako" sambit ko sa kanila. Agad namang nag ingay ang dalawa.
"Sabi ko na nga sayo eh" sambat ni claire.
"Eh alam mo namang meron bat di mo kinulit ha?" Inis na tanong ni steph.
Di ko napigilang natawa sa kanilang dalawa.
"Woi tumigil na nga kayong dalawa" sita ko sa dalawa habang natatawa.
"Spill the tea na kasi te" kulit ni steph sa akin.
"Oo na, oo na" sabi ko sakanila. Agad namang nagsilapitan ang mga gaga at parang ginawa akong palaman sa gitna nilang dalawa.
"Woi, plano niyo ba akong flatin?" Tanong ko sa kanila.
"Hehehe, flat ka naman" sabi ni claire.
"Ay gago, batukan kita dyan eh" sabi ko at mabuti naman ay humiwalay sila sa akin ng kunti, hay makahinga na rin
"Kwento na dali, daming satsat" sabi ni steph.
"Ay sorry madam ha, ito na po" sabi ko.
"Kanina kasi, habang papasok ako dito sa university nakita ko yang etchosang kim na yan at si kurt na sabay papasok dito." Pagkwekwento ko sa kanila.
"Eh bat ka ganyan? Malay mo nagkasabay lang?" Suwestiyon ni steph.
"Sabay? Eh lumabas sa kotse nila kurt, edi ibig sabihin nun galing pa si kurt sa kanilang bahay at sabay ang babaita? Tas ang peste naman grabe makakapit gosh" sambit ko.
Makastress, ghad!
"Tingnan mo to, nagseselos pala. Yieeee" asar nila.
"Tumigil na nga kayo! Wag niyong palalain ang sitwasyon" sambit ko sa kanilang dalawa.
Nasa classroom na kami ngayon at umupo na sa sariling mga upuan.
Kakapasok lang nang tatlo nung nag bell.
Okay here we go again.
---
Lunch time na ngayon at nasa cafeteria kaming lima.
Oo tama kayong nabasa lima lang kami ngayon, eh paano ba naman yan kasama naman ni kurt si kim. Punyeta talaga oh.
"Faith to earth" sambit ng isa, ewan sino ba yun?
"Hoy" napabalik na ako sa realidad ng kalabutin ako ni steph na siyang katabi ko ngayon.
"Oh bakit?" Tanong ko dito.
"Anong bakit, ang lalim ng iniisip ah. Nagpaplano kami para sa birthday ni josh next week. Tas ikaw tahimik ka lang dyan?" Tanong ni steph sa akin.
"Eh ano ba kasi, kasama daw ni kurt si kim kaya ayan malalim ang iniisip." Laglag ni claire.
"Ahh laglagan na pala ngayon?" Sabi ko sa sakanya.
" eh halata naman nitong dalawa eh" sambit niya habang tinuturo sila ace at drew.
Agad namang tumango ang dalawa.
"Don't ya worry bb alyssa, ikaw lang naman mahal nun eh" malokong sabi ni drew.
Inirapan ko lamang siya, pero totoo yung sinabi ni claire. Bat ba dikit ng dikit si kim kay kurt. Tsk akala mo linta.
Pero ano nga ba ang ireregalo ko kay kurt? Malapit na daw birthday niya eh.
Ahh alam ko na.
_______________________
RavishingYou®
BINABASA MO ANG
His Nerdy Girl (On-Going)
Teen FictionJosh Kurt Sanderford ay isa sa mga pinakamalakas at makapangyarihan sa paaralan nila. Walang nakakababag sa isipan nito kahit ano, kahit sa anong larangan. Ngunit dahil sa pagdating ni Alyssa Faith Madrigal na isang nerd ay nagbago ang lahat. Langua...