Chapter 35

29 0 0
                                    

*ring* *ring*

Arghhh! agang aga, nangbwebwesit! Sino ba to?!

Inis kung kinuha ang cellphone ko, At sinagot.

"Sino to?! Agang aga eh, tumatawag. Dapat Importante to, kung hindi, Argh ewan ko na lang."  sabadong sabado, nanawag?! Matagal pa naman ako nakatulog kagabi!

Arghh! Tagal kami nakauwi nila Steph eh, akalain mo ba naman, nagmovie kami hanggang 11?!

Baka matanong niyo kung bakit hanggang eleven kung maaga pa naman kami dun?

Sisihin niyo si Steph, nagyaya sa World of Fun. Pssh parang bata, amputa. Nakakainis, Arghh

"Hoy chill lang baby, Si Kurt to" Sambit ng tumawag.

"Kurt?! Lam mo ba kung anong oras pa lang at nanggugulo ka?! Bwesit! Ano bang kailangan mo? Agang aga" galit na sabi ko.

"Chill nga diba, mag judge ka nga." Joke niya at tumawa sa kabilang linya.

May gana pang magjoke ang gago, edi wow.

"Tawang tawa ka niyan?" naiiritang tanong ko.

"Pssh maldita mo, Inaano ka ba? Para kang may dalaw" pagmamaktol ng gago.

"Lam mo, kung wala kang matinong sabihin dyan, ibaba mo to. Kung hindi Pepektusan kita!" galit na sabi ko.

"Sige nga paanong pektus? Try mo daw, Para malaman kong paano mangmektus sa tawag. Sige nga aber" paghahamon ng loko-loko.

"Bwesit! Nang-iistorbo ng tulog" pinatay ko na ang tawag, kasi naiinis na talaga ako. Bumalik na ako sa aking pagtutulog. Nabitin ako dun ha, argh.

***

"Hoy pug, gising na. Tanghali na oh" paggigising sa akin ni kuya oliver.

"Arghh kuya naman eh, natutulog pa ang tao" pagrereklamo ko, agad ko namang tinakpan ang aking beautiful face ng unan dahil binuksan na ni kuyang paepal ang curtains, na kung saan nagtatakim ng sinag ng araw.

"Lam mo kuya, gwapo ka sana. Kaso paepal ka, natutulog pa ang dyosa eh" pag-iinis ko sa kuya ko, at bumangon na. " Sige ka hihiwalayan ka niyan ni ate kyline" pagsasambit ko.

"Psshh lam mo ang pangit mo, at mabuti na yun kung maghiwalay kami. Ang arte ng isa eh" pagsasalita niya. "Akala mo kung sino, Model lang naman. psssh" dagdag niya pa.

Si ate Kyline Calista Vanderberg ang papakasalan ni kuya. Para siyang greek goddess, ang ganda niya talaga. Bagay nga sa kanya ang name niya, Calista- a greek word meaning beautiful. Oh sinearch ko pa talaga yan sa google ha. WAHAHAHA

"Makapanglait sa trabaho ni Ate Kyli ha, maganda kaya ang model." pagtatanggol ko kay ate. Nakita ko naman talaga si ate kyli nung isang pageant sa school, ang ganda niya half spanish daw siya eh, pero ang pangalan greek? amp

"Maka kyli ha, close kayo close?" tanong ni kuya.

"Oo close kami paki mo ba?" pagmamaldita ko rin, wahahaha. Bitter lang talaga si kuya, and daming kinain na ampalaya eh.

"Edi waw" sambit niya at nagwalk out na. wahahah. Pikon kuya ko, pfft

Ngunit pumasok ulit siya, "Nakalimutan ko nga pala pug, nandyan sila stephanie sa baba. May gagawin daw kayo na Project?" tanong niya sa akin.

Oh ehm G! Nakalimutan ko! Sabado pala ngayon at pupunta sila dito.

"Ahh nandyan na ba silang lahat?" tanong ko.

"Ahh wala pa si Steph at Claire palang" sambit niya kaya tumango tango ako.

"Pakisabi sa kanila na liligo lang ako at aayos" pagbibigaay ko ng information kay kuya.

His Nerdy Girl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon