Sorry at ganitong oras na ako nakapag-ud..wala kasi akong sa mood kanina..WAHAHAH
___________________________________________________________________________
Faith's POV
Since nandito na sila kurt sa grupo namin ay kumpleto na kami.
Ngayon nagdidiscuss na kami kung sino ang magrerepresenta ng grupo namin at kaming dalawa ang kandidato.
Nag-usap usap naman ang apat sa harapan namin. Ewan ko kung anong pinag-uusapan nila. Basta alam kong si Kurt ang iboboto kong maging leader namin.
Ewan ko nalang sa kanya, ang chill niya kasi dito sa tabi ko. Para bang walang project na gagawin.
Sanaol na lang!
Napagdesisyonan ko nalang na magpatugtog ng aking playlist
Now playing...
Mirrors by Justin Timberlake
Sinuksok ko na ang aking airpods at nakinig na lang.
After ng ilang segundo ay may kumuha ng isa sa mga airpods sa right ear ko.
Naiinis naman ako nun, hinarap ko kung sino ang kumuha
"Ano ba? Hindi ka naman inaano diyan ah!" Reklamo ko kay kurt
Nanatiling tahimik lamang ito.
"Akin na nga yan" sambit ko at nagtangkang agawin ang isang pares ng airpods ko.
Hindi niya naman ibinigay agad at inilayo pa ito.
"Huy ano ba" reklamo ko
Patuloy pa rin ako sa pag-aagaw ng gamit ko sa kanya.
Tumayo na ito para mas lalong hindi ko makuha.
Arghhh
Tumayo na rin ako, umikot ikot pa ito at itinaas ang kamay.
"Wala kang trip ano?" tanong ko dito. Hindi naman ito sumagot nakangisi lamang ito. Kung hindi ko lang ito kilala masasabi kong pipi to ehh.
Ganyan na talaga tong isa. Paminsan caring, pero madalas may katok. Para bang baliw. WAHAHAHAHA
Napatawa na lang ako sa iniisip ko.
"Ahem" sambit ni Steph.
Napatingin naman ako dun. Hala Covid?
De joke
"Hmm?" tanong ko kay steph.
Ngumuso naman si Claire ng dapuan ko ito ng tingin.
Binagyan ko ito ng what-do-you-mean look. Di ko kasi maintindihan ang nginunguso niya.
Tumuro naman si Steph sa iba naming kaklase.
Tumingin naman ako, at nakita kong nakatingin silang lahat sa amin ni Kurt. As In like lahat na talaga. Si sir Ramos na lang ang hindi dahil nakatulog pala ito. HEHEHE
Nakikita ko naman na kumukumulo na ang dugo ni Kim since namumula na ang mukha nito sa galit. any second bubuto na parang bulkan.
Napatawa naman ako, nakataas naman ng kilay ang mga alipores niya.
Mga malisyoso ang mga kaklase ko.
Tiningnan ko naman si Kurt at nakitang nakatanga ito.
This is my chance! Tumalon ako at nakuha na ang bagay na kailangan kong makuha.
Napansin naman niya iyon at binelatan ko lang siya.
"Bleehh" sabi ko nang humarap siya sa akin.
Napairap naman ito sa akin. Bumalik na kami sa aming upuan.
BINABASA MO ANG
His Nerdy Girl (On-Going)
Teen FictionJosh Kurt Sanderford ay isa sa mga pinakamalakas at makapangyarihan sa paaralan nila. Walang nakakababag sa isipan nito kahit ano, kahit sa anong larangan. Ngunit dahil sa pagdating ni Alyssa Faith Madrigal na isang nerd ay nagbago ang lahat. Langua...