Chapter 6

78 5 1
                                    


*ring* *ring*

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko.

"Arghh!" klase naman at makikita ko naman yung ugok na yun.

Buti nalang at major ang unang subject namin kaya hindi ko siya makikita sa unang subject. 

Mabuti naman. Naligo na ako at sinuot ang big t-shirt ko at loose bottom at bumaba na.

"Faith, anak halika at kumain na muna wala pa naman sila claire."

"Sige po ma."

Umupo na ako sa harapan ni mama at kumain na.

Naging tahimik ang aming pagkakain. Walang umik sa amin ni mama.

"May problema ka ba ma? Mukang ang tahimik mo ah. May sakit ka ba?"

"Ah wala anak. May iniisip lang."

"Ah ganun po bah" Nakakatense to si mama ha. Baka ma ano to mamaya.

"Sister!!"

Yan na si Clairita

"Oh bruhilya andyan ka na pala"

Umupo ito diretso sa tabi ko at kumuha na ng pagkain.

"Makikain muna ako dito ha. Hindi kasi ako kumain sa amin. Naiinis ako kay tanda eh" Papaliwanag ni Claire.
"Ok lang bah tita?" Pagpapaalam nito.

"Oo naman marami pang pagkain oh. At maaga panaman, oh siya mauna na ako may aasikasuhin pa ako sa opisina eh." Papaalam ni mama at humalik ito sa noo ko.

"Ah sige po mama. Ingat po"

"Bye po tita"

Lumabas na si mama at hinarap ko na si claire.

"Huy nag-away naman kayo ng papa mo?"

"Oo eh, napakabwesit kasi. Sumasakit ulo ko sa kanya."

"Ano naman ba ang pinag-awayan niyo."

"Secret, My day mo pa lang." sabi ni claire sabay tawa.

"edi wow" Sabay hampas kay clairita.

"Oh may balita ba ikaw kay steph claire? Tanong ko sa kanya sabay subo ng hotdog.

"Wala eh.. Ikaw bah?"

"Natural wala, kaya tinanong kita diba"

"Haluh, masungit si ateh. Meron ka ba ngayon kaya mainit ulo mo?" sabay agiik ni Claire.

"Boba, nag-iinit ulo ko dun sa josh na yun dahil makikita ko naman siya. Bwesit"

Tiningnan ako ng mapanuksong mata ni claire.

"Hoy anong tingin yan?" tinaasan ko siya ng kilay

"wala pa nga tayo sa school iniisip mo na siya" sabay ngisi na nakakaloko

"Ewan ko sayo" Tumayo na ako at pumunta na sa kotse ni claire.

Asan na ba yung bad ass girl na yun.

Dumating na kami sa university at nagkahiwalay na kami ni Claire. Iba kasi ang kinuha niyang kurso.

Business Management kasi ako at siya naman Education since gusto niya maging teacher.

Pumasok na ako sa classroom at uminit ang ulo ko.

Drente! andito si ugok?

Arghhhhh naiinis na ako.

Nakaupo siya sa likod as always.

Inirapan ko nalang ang nakita ko. Dumaan ako sa kanyang gilid at umupo sa kanyang harapan.

Josh's POV

His Nerdy Girl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon