Chapter 34

23 0 0
                                    

Yieee naka ud ako ulit!! Isang congrats nga dyan, HAHAHA sige read na po kayo!
______________________________________

Nagkabati na kaming lahat nang matapos ang event na yun. Correction kami lang pala apat nila Ace, Steph at Kurt. Wala namang problema tung dalawa eh. Nandito kami sa canteen at pinag-uusapan yung nangyari.

"Oh tingnan niyo di na rin nakapigil si Alyssa sa akin" pagyayabang ni Kurt. Lah siya mahabangin, my ghad. Pero mahal ko naman Hihihi

"Oo pakipot lang siya josh" pagbubulgar sa akin ni Steph.

Di na ako nanatiling tahimik, sino ba ang tatahimik kung binulgar ka?

"Hoy bruha, makakipot ha. Hiya naman ako sayo, hinihintay mo lang naman na suyuin ka ni ace eh" yan bagay sayo. Napatawa naman si Claire sa aking sinabi.

"Tawa ka pala dyan ha?" pagpansin ni steph kay claire. "Eh kung sasabihin ko na may crush ka kay Drew? Opss sorry nasabi" paghihingi ng paumanhin  ni Steph. Agad naman ng iba ang itsura ni claire. pfft Laugh trip to mga tsong.. WAHAHA. Agad naman na patigil si Drew sa pagkakain dahil sa narinig.

"Lam mo ba drew, kahit slow yan si Claire. Kinikilig siya kanina sa performance mo. Di lang pinapakita." pagkwekwento ni Steph sa tropa or specifically kay Drew. Agad namang namula si Claire.

"H-hoy d-di yun t-totoo" nauutal na sabi ni Claire. Napatawa naman ako, ganun na rin si Steph at sina Kurt at Ace. Lah tumatawa si Ace? Akala ko di na eh. Pfft

"Eh? Deny pa nga. Kung di totoo, bakit ka nauutal dyan?" tuloy sa pang-aasar ni Steph.

"A-anong utal diyan? wala kaya no" pagmamayabang ni claire na wala.

"Wala nga" sabi ni steph na di kumbinsido at tumawa.

Nagpatuloy sa pagbabangayan ang dalawa, habang kami naman ay tumatawa na lang at nakikinig sa kanilang dalawa. Hayst.. ganyan talaga ang dalawa, parang mga baliw.

"Ang babaliw ng mga kaibigan mo?" bulong sa akin ni kurt.

"Oo nga eh, di ko nga alam kung bakit kinaibigan ko yan" sambit ko habang tiningnan ang dalawa. Napansin naman yata iyon ni Steph kaya naman tiningnan niya ako.

"Alam ko namang maganda ako, pwede mo namang sabihin gurl kung nahuhulog ka sa kagandahan ko. Di ko naman mamasamain, sanay na ako eh" pagmamayabang ni steph

"Yak mahabagin ka te ha, iniisip ko lang naman kung bakit ako nagkaroon ng kaibigan na gaga ng kagaya mo" malabiro kong sabi.

"Nahiya naman ako sa gaga, ikaw nga tong........Ah nevermind" pagsusumbat ni steph kaso pinutol niya iyon dahil pinandilatan ko siya ng mata. Baka masabi ang di dapat, yun pa naman ang ginagamit niya pag magbangayan kaming dalawa.

...

Lumipas ang ilang oras at andito pa rin kami at nag-uusap  ng kung ano-ano. Nang may naalala ako,

"Hoy tahimik!" sabi ko kaya naman na patahimik sila.

"Ano yun?" tanong ni Drew.

"Wala lang" sabi ko at tumawa ng nakakaloko. Agad naman umiba ang itsura nilang lahat. Sino naman hindi diba? Maganda na yung pinag-uusapan nila tapos pinahinto ko lang. WAHAHAHA

"Joke, meron talaga akong sasabihin." sabi ko. I cleared my throat before proceeding, "May sasabihin ako nasecret" sabi ko agad naman silang lumapit sa akin. Di pala lahat, yung tatlong lalaki lang, natigilan pala sina Claire at Steph. Anong problema nang mga ito? WAHAHA

"Alam niyo, atin atin lang to....Pero ako talaga si wonder woman" sambit ko at tumawa ng malakas, Nabad trip naman silang mga lalaki.

"Akala ko kung ano." pagrereklamo ni Drew

"Bad trip ka" pagmamaktol ni ace.

"Paasa ka baby ha" sabi ni kurt.  Yan na namang baby na yan

" Baby ka ng baby di naman ako bata" pagrereklamo ko sa pagtawag niya sa akin. Ngunit ngumiti lamang ang loko habang tumitili naman sila Steph at Claire.

"yieeee baby daw, sheneol. Litse naiingit ako" sabi ni steph kaya naman napatawa ako.

"Uy ace, lambingin mo daw" pag-uutos ko kay ace. Agad naman siyang sumunod at yumakap kay steph. Kaya naman nakilig ang bruha. WAHAHA

"Hoy hoy, tama na yan." pagtitigil ko. "May pakay talaga ako kanina kung bakit ko kayo pinahinto"

"Ano na yung project natin? end of the month pa naman yun" sambit ko sa kanila.

"Hala tama, naalala ko. Oh san natin gawin?" tanong ni drew

"Kanila claire nalang kaya?" pagsusuggest ni Drew.

Nakita ko naman agad namutla si Claire, ayaw niya kasi may pumupunta sa bahay nila kaya ganyan makareact. Napansin rin na agad ni steph kaya iniba ang topic.

"Kay Faith na lang, Di yan tatanggi." sambit niya

"Eh kung sayo nalang pala ulit Steph? Pinapasa mo pa eh" sambit ko.

"Iba naman, alangan si stephanie ko lang parati? Ikaw nalang faith" pagsusulpot at pagtatanggol ni drew sa kanyang 'stephanie'. Agad namang kinilig si steph.

"oo sa amin na" sambit ko pero naiirita.

"yiieee kanila na daw, tagal tagal ko naring di nakita si tita" sambit ni steph. oo nga no, yung first day pa yun eh.  Na busy kami eh, may sari sariling love life. Amp

"Oh final na, doon sa inyo na baby- este Alyssa?" sabi ni Kurt, mabuti naman at pinalitan niya ng alyssa kundi sasapakin ko to.

"Oo na nga" sambit ko kaya napangisi siya. Anong ningngisi nito? Nakakaloka

...

"Guys movie tayo, punta tayo sinehan" pag-aaya ni steph

"Great idea, triple date it is" pagdagdag niya. Agad namang umangal si Claire.

"Anong triple date? Wala akong jowa, malamang di si Drew yung ka date ko." sabi niya.

"Yun na nga" sabi ko agad naman siyang umepal naman. "Ha pano yun magiging date eh di naman kami?" tanong niya

"Edi friendly date" pagsasabi ni Steph. Kaya naman sumang-ayon na siya at nagkanya-kanyang sakay na para sa pagpunta sa sinehan.

______________________________________
RavishingYou ®




His Nerdy Girl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon