One week na ang nakalipas since first day,buti nalang hindi ko na nakita ang antipatikong lalaki na yun! Crush ko na sana eh,kaso,boooo! Turn off.Yung kasama nalang nya baka mabait yun at saka cute din.hahahaha! Landey ko! Pesti! =__=
"Ano sa tingin mo?"
Napatingin ako kay karen na nagtataka.
"Ha?
Nawala ako sa pinag uusapan namin eh.
"Nakikinig kaba,ha? Sabi ko anong masarap strawberry o chocolate flavor?"
Nandito kasi kami sa Canteen at namimili ata sya ng cake.
"Choco."
Sabi ko sabay kuha ng cake.
Kinuha naman nya yung strawberry,pssh! Nagtanong pa!
Pagkatapos magbayad pumunta na kami sa paborito naming mesa,yung pinakasulok.
"Kar,nakabili ka na ba lahat ng requirements mo?"
Tanong ko sabay upo,tapos kain agad!Ako pa!
"Tapos na ako lahat.Bakit?"
Tinitigan ko sya,as in yung titig na titig.
"Ano bang kailangan mo?"
Napangiti ako.Sucess!
"Kulang pa yung sa akin eh,samahan mo akong bumili.Pleasshhh?"
Grabeng pacute talaga ang ginawa ko nyan.
"Sorry,may pupuntahan kasi ako ngayon pagkatapos ng klase,next time nalang."
Waaaahh!!!! Failed!!! Booo!
"Okay lang naiintindihan ko naman na may importante ka nang gagaawin ngayon at masyado ng busy ang schedule mo,alam ko naman na wala ka nan—aww!"
Pinitik nya ang noo ko.Sakit ah!
"Minsan talaga masyado ka nang O.A,sasamahan naman talaga kita kung wala akong pupuntahan ngayon.Bukas nalang saturday naman eh,pwede kitang samahan."
Sabi nya sabay subo nung cake nya,with poise pa!
"Wag nalang,pero teka han ka bah pupunstha?"
Remember walang manners sa pagkain? Ako yun.Duh!
"Don't talk while your mouth is full,Shekenah!"
Nilunok ko muna yung pagkain ko....Okaaayy?… Anong nangyari dito?
"Para namang hindi ka sanay sa akin.Bakit ba?
"Could you act like a lady now?"
"Oo na ikaw na magaling mag english.Ito naman,may sakit ka ba or something? Coz acting wierd ya noh,oh english yun ha!."
"Hay,puro ka talaga kalokohan,Gusto ko lan—"
Naputol ang sasabihin nya dahil ng mag bell,tapos na ang break since hindi nya naubos ang cake nya,ako ang kumain.Hahaha!
Sinimangutan lang nya ako,tapos sabay na kaming naglakad papuntang room.
"Saan ka nga pala pupunta ngayon?"
Tanong ko ng maalala ko ulit.
"Sa ano..sa..basta! Sasabihin ko nalang sayo kapag confirm na..Oh ayan na room nyo,Geh!"
Tumakbo na agad sya.Ano daw? Confirm? Hmmm....I smell something isda!!
Since one week na ang klase,may konting lessons na kaya kailangan ko na talagang bumili ng mga gamit para malipat yung ibang notes ko.