"Shekinah!"
Sikat ng pangalan ko noh? Nasa School na ako at si Karen yung tumatawag sa akin,close friend ko.
"Yo! Wazzup Kar."
Sabi ko pagkalapit nya,sinimangutan nya ako,ayaw nya kasing tinatawag na Kar,hindi daw sya Kotse.Duh!
"Class D ka na naman."
Natawa ako sa hitsura nya.
"Dapat ba magulat ako,duh! Buti sinabi mo hindi na ako mahihirapang hanapin ang room ko."
Naglakad ako at sumabay naman sya sa tabi ko.May nagkalat naring mga Estudyante.Malamang School to.Duh!
"Bakit ba kasi ang tamad mong mag aral?"
Ayan na naman sya. =_=
"SO,sinasabi mong Bobo ako,ganun?"
Nagsigh lang sya.
"Ayan na yung room mo,sa dulo yung sa akin.Kita nalang tayo mamaya."
Tiningnan ko sya habang naglakad papunta sa room nila,hindi ko alam kung panu kami naging magkaibigan nyan.Magkaklase kasi kami nung Elementary, pero hindi kami close.Nagkasama lang kami nyan dito,kaming dalawa lang kasi ang magkakilala na pumasok sa school na ito at isa pa hindi kasi kami dito nag-aral nung Elementary.
Class A siya,means Star Section ang tawag namin sa class nila,nandun lahat ng matatalino at yung mga medyo sikat sa campus. A to F ang Section namin,kung sa A lahat ng matatalino nandun asahan nyong sa F lahat ng pasaway na Estudyante naman ang nandun,samantalang sa Class D naman nandun lahat ng makukulit,syempre andun ako eh! Ewan ko lang sa ibang section.Duh!
Pumasok na ako sa room ko at sinalubong ng crumpled papers ang pagmumukha ko! Langya! Kahit kailan talaga walang pagbabago ang mga to!
"Langya! Kayo na naman! Nakakasawa na pagmumukha nyo ah!"
Sigaw ko sa mga gusgusin kong kaklase,simula ng tumuntong ako sa School na to sila parin ang mga Classmates ko!
Nagtawanan lang silang lahat sa sinabi ko.Normal na kasi sa amin ang magsigawan.
"Sheki upo kana,nandyan na ang next victim."
Sabi ni Jude,class president namin dati!
"Gago! Hindi ako restaurant!"
Yan kasi tawag nila sa akin.Umupo na ako sa bakanteng upuan.Duh!
Kumuha na rin ako ng papel,syempre ako na ang nangunguna sa pagbato ng kung sino mang kawawang nilalang na papasok dito.
Nakakatawa nga kasi pati yung Adviser ata namin nabato ko! Hahaha epik yung hitsura nya! At ang kalat pa ng room,kaya pinaglinis nya kami pagkatapos nya kaming sermonan.
Wala namang exciting na nangyari.Introduce yourself lang naman kapag First day of school diba? So,since karamihan talaga sa amin ay magkakilala na wala ng hiya hiyang nagaganap,mga walang hiya din naman kasi sila.Lol! XD
"Ay!! Nalaglag panty ko!"
Sigaw ni Marvin,oo,BAKLA sya!Duh!
Nagtawanan kaming lahat,umalis na din kasi yung Second subject na guro namin.
"Te papulot naman ng panty ko."
Bulong sa akin ni Marvin,seatmate kasi kami.Hinampas ko sa kanya ang notebook na kinopyahan ko ng requorements kanina!
"Kadiri kang bakla ka!!"
Hinampas ko talaga sa pagmumukha nya.Oo,ganyan kami ka brutal! Yung iba nagpapatayan na! Pero joke lang,ewan ko sa kanila.Duh!
"Ouch teh! Ang poise at beauty ko masisira,may mga hottie pa naman sa labas na nakatingin sa akin...ouch!stop na! aww!"
Maarteng sabi nya.
"Ang landi mong bakla ka!"
Hinampas ko pa ulit,nakakarami na nga ako eh! Hahahaha!
"Ouch naman teh,tingnan mo din kasi,ayun oh!"
Ngumuso sya sa labas ng bintana,since ako yung nasa may bintana at nakaharap ako sa baklang to,lumingon ako. OH FUDGE! WHAW! Ang gwapo nang nakatayo sa hallway, i mean ang MGA gwapo!
May dalawang naggwagwapuhang nilalang na model ang dating, nakatayo sila dun na parang may inaantay,nakaharap sila pero hindi nakatingin sa amin! Their facing left side.Kahit nakauniform ang astig nang dating!
Sheeeytt hang ganda ng view.!! Nakanganga na nga ata ako or let me say tulo na laway ko!
"Aww!!"
Langyang bakla! Ihampas ba daw sa ulo ko yung notebook na niroll pa nya!
Sakit pala talaga mahampas! Tiningnan ko sya ng nakakamatay na tingin,ngumisi lng.=_=
"Tulo na laway mo teh! Ewww! Sinong kadiri sa atin ngayon aber?"
Kunyari pinahiran ko yung tulo laway ko at inirapan ko sya tapos tingin ulit sa 'view'! Isa sa kanila tumingin sa gawi ko,then our eyes met.Kumunot ang noo nung guy,tapos biglang lumapit yung principal sa kanila kaya napatingin sya dun.Sayang! Lol! Kinausap sila nung principal tapos naunang naglakad ulit yung principal at sumunod naman sila,pero bago yun tumingin ulit sa akin yung guy then......
SMIRK??????!!!
Ano yun?! Gwapo nga,antipatiko naman!! Boooooo!!!!