Nakarating kami sa isang carnival kung saan ngayon, sobrang dami ng tao. Ang dami talaga! pumupunta kaya ako sa carnival pag may time pero hindi naman ganito karami ang tao.Duh!
"Feeling ko. May something ngayon! Tignan niyo oh! may stage sa bandang kaliwa."
Sabi ni joshua. Sinundan namin ang tinuro niya at oo nga may malaking stage at may mga babae na nakaupo sa mga upuan malamang! doon. May mga banner sila na nakasulat 'WE LOVE GHOST!" -,- mahal nila ang multo? yun ba yun? duh! Yung iba nga naka upo lang sa semento.Kawawa naman sila pero ok lang, wala akong pake sa kanila.
Bongga ng carnival ngayon kasi ang daming linya ng rides nila pero di ko yun nagustuhan."Sakay tayo sa rides guys!"
Excited na sabi ni Jude sa'min. Ngayon lang siya ulit nagsalita matapos yung kanina. pfttt--. Lol!
"Sige ba!"
Sabi ko naman. Nahawa tuloy ako sa energy ni Jude.
"Ok then, girls! Just wait here at kami na ang bibili ng tickets!"
Sabi ni Joshua.
"But---"
Rereklamo sana si Terrence at Jude pero inakbayan sila ni Joshua o kung sabihin ko nalang na inipit ni joshua yung mga batok nila sa braso nito paalis sa'min.
"Sheki, Yung nagngangalang terrence may gusto ba yun sa'yo?"
Patay malisya na tanong ni JC sa'kin. Napaubo naman ako ng wala sa oras. Ano ba naman 'to si JC! Kakagulat ang tanong.
" Hindi noh! Wala yung gusto sa'kin! Kaw naman JC kakagulat ka naman! Wala talaga! Maghunus dili ka nga!"
Ayan ang lalim tuloy ng tagalog ko.
-,- E sa nagulat talaga ako sa tanong niya. Bakit ka naman nagulat shekinah? Bakit? umaasa ka bang magugustuhan niya ang isang katulad mo? Tinatawag ka nga niyang stupid at ugly di ba? Wag kang umasa!
Sabi ng isip ko. Bakit parang bumigat ata ang loob ko? Tsss."Ang dami mo namang sagot. Ikaw ha. Parang ikaw yung may gusto oh! Hehehehe."
Sabi niJC tapos bumungisngis. At alam niyo ano ang masaklap? Nakisali rin si Crystel sa paqbunqisnqis. Y.Y kala ko ba pinsan ko sila! Naq apir pa talaqa ang dalawa! Kayo na ang nakakaintindihan! kayo na!
"Wala akong gusto sa kanya."
Pagsalungat ko sa iniisip nila. Wala lang sila, ganun parin ang reaksyon. Seriously? Duh! Ngumuso nalang ako.
"At pano mo nalaman aber?"
Tanong ko kay JC, tapos nag shrug lang siya. Curiousity kills the cat talaga kaya hindi ako titigil kung hindi niya sasabihin sa'kin.
"Hoi bakit nga? Pano mo nga nalaman?"
Wag kayo! Curious lang ako! Yun lang! Wala ng iba. Tuldok!
"Bakit gusto mong malaman shekinah? Hindi ako naniniwalang wala kang gusto sa kanya kasi nga kung wala, wala ka dapat pakialam di ba?"
Nagsalita si Crystel at doon ako natigilan. Hindi dahil sa nagsalita siya kundi dahil sa sinabi niya. Oh me qosh! O.O Ang lakas ng tibok ng puso ko. Curious lang ako. Yun lang.
'Yun nga lang ba shekinah?' Sabi pa ng isip ko. Hindi ko na alam talaga.Nababaliw na ata ako. Pag-uwi ko ng bahay i-uuntog ko talaga 'tong ulo ko.Promise!"Hello ladies! Nakabili na kami ng tickets! Tara na?"
Buti nalang nagsalita si joshua dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Crystel. -,- Mas mabuti nalang kung hindi siya magsalita. Nakakatakot siyang magsalita e. Kita niyo naman. Baka ano pa ang sabihin ni Crystel.