CHAPTER 17

8 2 0
                                    


"France pahiram pera. "

Sabay sabi ko at inilahad ang kamay ko
sa pagmumukha niya na para bang naglilimos ako. Ako na makapal mukha. Ngumiti si francis sa'kin. Actually close ko siya noon. Mga nerds kami e pero noon yun.

Inakbayan niya ako.

"Shekinah, libre nalang kita kasi nga matagal din tayong di nagkita. Food trip tayo! naalala kong ang lakas lakas mong kumain. Haha! "

Lumundag ang aking puso sa narinig. Hahaha! kung alam ko lang dati na nanlilibre si francis! sana kinaibigan ko pa ng todo! pero joke lang yun! di naman ako ganun kasama.

"Sure kang e lilibre mo ako francis? "O.o

Tanong ko ulit sa kanya kasi nga baka pagsisihan niya lang ang gagawin niya. At least binigyan ko pa siya ng chance magbago ng isip di ba?

"Oo naman! You've been ny friend shekinah." ^____^

Awwwe. na touch naman ako sa sinabi ni francis! oo! magkaibigan kami pero hindi talaga yung sobra.

"Sabi mo e. Ayun! French fries gusto ko francis. Yung large.Hihihi."

Turo ko sa stand na nagbibinta ng french fries. Mas gusto ko yung large kasi nga para hindi ako mabitin.Haha! libre to! lubos-lubosin ko na!

*Cough*cough*cough*

Napalingon kaming dalawa sa likod ng may umubo. Oo nga pala! -,- may kasama nga pala ako! tssss.Duh!
tinanggal ni francis ang pagkaka-akbay sa'kin.

"Sige sheki. Bili muna ako. Hintayin mo lang ako dito."

Sabi ni francis at nagsimula ng maglakad papunta sa stand para bumili ng french fries.

Lumapit si terrence sa'kin.

"Sino yun?"

Tanong niya sa'kin. As usual, blank expression ulit siya ngayon.Duh!

"Kaibigan ko."

Tipid kong sagot sa kanya. Ewan ko! parang bumalik siya sa dati. Parang nakakakaba naman.

Tinaasan ba naman ako ng kilay!

"Wala.akong.sinabing.di.kita.pahihiramin.ng.pera.Im just teasing you."

Napangiwi ako sa paraan ng kanyang pagsasalita. Word fo word talaga. Ano ba yan! -,- bakit ako kinakabahan? wala naman akong ginawang masama ah. Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko. Napalunok ako. Duh! Naghintay siya kung may sasabihin ako pero wala talaga akong masabi kaya pinaikutan niya ako ng mata at tumalikod sa akin. Haaayyyys! siya kaya yung may kasalanan kanina! ako naman yung lumalabas na masama dito. Y.Y Langya!

Naglakad siya palayo sa'kin at sinundan ko siya habang naglalakad.Buti nalang di siya malakas lumakad.

"Pssst! Terrence!"

Tawag ko sa kanya pero di siya lumingon sa'kin. Nagpatuloy siya sa paglalakad at di talaga ako pinapansin. Lumingon ako sa kinaroroonan ni francis, hindi pa naman kami malayo talaga.Buti nalang at medyo mahaba ang pila ng pagkain dahil nakakahiya naman kay francis kung pagbalik niya ay wala ako dun! ako pa nga yung nilibre! Ibinalik ko ang paningin ko kay Terrence pero natigilan ako nung wala siya. Hola! O.O asan na ang isang yun? Luminga linga ako sa paligid pero di ko parin makita siya! Ano ba naman yan! Duh!

"Terrence!"

Tawag ko sa kanya at nagbabakasakaling mag respond pero wala e. Ang tanga ko rin e.-,- ang dami nga palang tao dito at ang ingay ingay pa. Aasa ba naman akong maririnig ako ng taong yun. Tsss. Naglakad ako ng naglakad at inoobserbahan ang bawat nadadaanan ko. Baka makita ko yung taong yun!

CLUELESS HEART OF MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon