Chapter 1: FIRST DAY

69 4 0
                                    

"SHEKINAH! GUMISING KA NA DYAN!!"

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang magandang boses ni Mama.

"Ma naman eh,antok pa ako mamaya na."

Sabi ko sabay higa ulit sa kama, ang sarap pa kayang matulog.

Hayyyy.
Salamat hindi na siya sumisi—

"Ahh!! Ang lamig!"

Binuhusan niya ako ng malamig na tubig,akala ko wala na siya. T_T

"Ano,inaantok ka pa? Kapag hindi ka babangon dyan,mainit na tubig ang ibubuhos ko sayo!"

Galit na sya nyan! Umuusok na nga yung ilong niya eh,kaya bumangon nalang ako at tumakbo papuntang banyo,mahirap na baka maging barbeque pa ako!

Itong malupit,anong ginagawa ko sa banyo? syempre,naligo at nag ayos.Duh! Pag labas ko wala na si Mama,woooh!! Safe!

Ito pang malupit,saan ang mga Nanay tumatambay sa loob ng bahay lalo na pag umaga? Syempre sa kusina.Duh! Pasensya na ganito talaga ako pag hindi ko pa gustong gumising!Nonsense ang mga pinagsasabi at dahil dyan bumaba  na ako, nasa kusina nga sya.

"Oh nak,kain na baka malate ka sa First day of School mo."

Parang gusto kong kilbutan sa kanya,kanina galit tapos ngayon naman parang anghel yung boses.Oh well,umupo nalang ako at nagsimulang kumain.Nagluluto pa sya para sa ulam namin mamayang gabi,may work kasi sya at kaming dalawa lang dito sa bahay.

"Pwedhe numhan phong di munha akho papashok wala pha numang lesshons eh."

Puno pa bibig ko nyan,oo,wala akong manners.Duh!

"Anong sinabi mo!"

Biglang bumara sa lalaamunan ko yung kanin,kaya kinuha ko yung juice at ininom bottoms up pa! Magrereklamo na sana ako kay Mama kaya lang pagtingin ko,uh—oh! Patay! Kutsilyo pala yung hawak nya!

"Ano yung sinabi mo,shekinah?"

Humigpit yung hawak nya sa kutsilyo,napalunok ako ng wala!

"Ah eh i o u? hihihihi..S-sabi ko po excited na akong pumasok! Kaya aalis na ako.Geh, bye!"

Kumaripas na ako ng takbo palabas ng bahay namin,mahirap na baka patayan naman ang magaganap!

"Nak!Good luck! Kaya mo yan! Aja!"

Narinig ko pang sigaw nya.Ipagpapasalamat ko bang naging Nanay ko yun? Naglakad nalang ako palabas ng Subdivision namin.

Ako nga pala si Shekinah Hernandez,16.4thyear na ako sa araw na to.Matalino ako!Maniwala kayo! Di joke lang,only child lang ako maaga kasing na teke si Tatay kaya hindi na ako nasundan,wala din atang balak mag asawa ulit si Mama,Siguro? Mabait din naman ako,minsan.Sinasabi ko lang kasi kung anong gusto kong sabihin,unlike nung elementary years ko 

Loner ako dati,pero hindi na ngayon dami ko ngang friends eh.Hindi kasi ako plastic! Metal na ako! :D

CLUELESS HEART OF MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon