Dedicated to Miss Mariel Sagarino. Oh ha! This is for you ! Hope you'll like it ^___^ Advance Happy beerday!! Hihihi! Wooh! Enjoy reading!
**
Time chek : 3:50 PM.
Amboriiinng talaga magturo ni maam Binetes nakakaantok. =_=
Alam niyo kung anong mahirap? Yun yung nakikinig ka kunyari sa teacher mo as in yung nakafocus ka talaga sa kanya pero wala namang pumapasok sa utak mo dahil nagpipigil ka na wag humikab kahit antok na antok kana sa lecture niya! Pinipigilan ko talaga dahil baka kapag humikab ako mapapagalitan ako, hay, ang hirap ng buhay estudyante.>.*Kriiinng ~
Yes! Sa wakas nag ring narin! Uwian na!
"Haay Tenkyuu lord !!"
Sigaw ni Marvz nang umalis na yung teacher namin.
"Happy Marvz?"
Ngumiti siya sa akin.
"Eh kasi ateh! Amboring ni Maam magturo!! Nakaka stress ng beauty!"
"Hahaha! Akala ko ako lang naboboringan sa kanya! Alam mo bang kanina pa ako nagpipigil na wag humikab!"
"Haller! Tayong lahat kaya ditey!"
Kinuha ko na yung gamit ko at sabay na kaming naglakad palabas ni Marvz, sumabay na kami sa mga estudyante na naglalakad sa hallway nang may biglang umakbay sa akin este sa amin pala! Ambigat ni Jude! Nakaabay ang dalawang braso niya sa amin ni Marvz kumbaga nasa gitna siya kaya napahinto kami.
"Awwch! Fafa Jude ambigat mo ha."
Ngumisi lang ang gago kaya tinanggal ko yung isang braso niya na nakaakbay sa akin.
" KJ talaga tong si Sheki..." *Pout
"Ampangit mo Jude."
"Cute kaya ako. Diba Marvz?"
"No Fafa Jude. Hindi ka cute."
Tinggal ni Jude ang pagkakaabay niya kay Marvz at nag acting na nasasaktan.
"Ouch Marvz...you hurt my feelings."
"Awwss fafa Jude hindi ka cute. GWAPO ka GWAPO. Okay?"
Ngumiti si Jude at niyakap si Marvz.
"The best ka talaga Marvz."
"Yezz ofcourse!"
Nasusuka ako sa kanilang dalawa. Pishte! =_=
"Nakakasuka kayo."
Lumayo si Jude kay Marvz at sumimangot sa akin. Ngumisi naman si Jude.
"Jealous Sheki? Wag kang mag alala sayo lang ako." *Wink
"Playboy talaga. Pakamatay kana!"
"Hindi pwede maraming malulungkot at saka sayang ang kagwapohan ko kung magpapakamatay lang ako Sheki."
Nakangisi niyang sabi.
"Oo nga ateh!"
"Ewan ko sa inyo. Ang lalandi niyo!"
Sabi ko at nauna nang naglakad paalis sa kanilang dalawa hindi ko naramdaman na sumunod sila. Kaya ano pa nga bang gagawin ko eh di naglakad mag isa. Duh! At sa paglalakad ko nakaramdam ako ng jinglebells kaya imbes na dumeretso palabas sa gate nag left turn muna ako papuntang c.r medyo wala ng mga estudyante dito, syempre naglabasan na ang mga yun at wala na akong pakialam sa kanila noh! Pagkatapos kong mag jinglebells eh di lumabas ng c.r ano pa bang gagawin ko dun? Tsk!
"Shekinah Hernardez? Yung sa Class-D?"
Napahinto ako sa pag lalakad ng narinig ng precious ears ko ang precious name ko.