Pagkatapos kong ihiga si Terrence sa kama niya ay aalis na sana ako ng hawakan na naman niya ang kamay ko.
"Don't go."
Ang init ng kamay niya!
"Kukuha lang ako ng gamot mo para makainom ka na! Ang init mo na kaya!"
"No, I don't need it..just stay here please.."
"Anong hindi mo kailangan! Eh nakakapaso ka na nga oh! Ang init mo kaya! At saka pwede ba wag ka nga english ng english! Nakakadugo ka na ng utak huh!"
Ngumiti siya. Sheyt! Ang gwapo!
"Dito ka lang wag mo kong iwan."
"Marunong ka naman pala eh. Sige na kukuha muna ako ng gamot.."
"Hindi mo ba ako iiwan kapag iinom ako ng gamot?"
Napakunot ako sa noo ko.
"Bakit? Plano mo bang hindi uminom?" =.=
"Yeah."
"Gusto mo bang mamatay?"
"Kung hindi mo ako iiwan mag isa dito. Hindi ako mamatay."
"At iinom ka na ng gamot kapag mananatili ako dito?"
"Oo."
"Okay deal."
Ngumiti ulit siya.
" Ok. Kuha ka na ng gamot."
"Pero teka, kumain ka na ba?"
"Hindi pa."
"Hayyyst. Bakit ang tigas ng ulo mo?"
"Ewan."
Tengena! Ayos pala to pag may sakit sumasagot kapag tinatanong. Walang kwenta nga lang. =_=
Lumabas na ako ng kwarto niya at bumaba hinanap ko pa ang kusina nila para magluto ng lugaw at kumuha na rin ng Paracetamol. After ng mahabang session ko sa pagluluto kahit sa totoo five minutes lang yun.Bumalik na ako sa kwarto ni Terrence, nakatulog na ata siya. Nilagay ko muna sa bedside table niya ang tray na pinaglagyan ko ng pagkain. Gigisingin ko ba? Kailangan niyang uminom ng gamot. Nilagay ko sa noo niya ang kamay ko ang init talaga paano niya natitiis to? Gumalaw siya kaya agad kong nilayo ang kamay ko. Napatitig ako sa mukha niya napangiti ako.
"Stop staring at me."
Agad akong tumingin sa ibang direksyon. -___- phew!
"H-hindi k-kita tinititigan ah! kapal naman!"
Tangek shekinah! na-uutal ka pa!!
Dumilat siya and he smirk at me.
"Yeah right. Whatever"
Pinaikot ko lang ang mga mata ko. Nakakahiya nama kasi! nahuli pa niya akong tumititig sa kanya!
"Naku! nakalimutan ko palang kumuha ng tubig. Ikukuha nalang muna kita. bye!"
Hindi ko na siya pinasalita. Patakbo akong pumunta sa kusina nila. Sheyyyyyt naman! Bakit ang lakas ng kabog ng puso ko ha?!! bakit parang kinakabahan ako?!! hindi kaya? NO! hindi naman siguro? T*ngna! Kumuha ako ng bottled water sa ref nila at dere-deretso kong ininom ito. Kumuha pa ako ng isang boteng tubig para sa pasyente ko. -____- Kinalma ko muna ang sarili ko bago pumasok ulit sa kwarto niya. Nung feeling ko na kalma na ako umakyat na ako papunta sa kwarto niya. Pagpasok ko naabutan ko siyang hinihimas himas ang ulo niya.
Sabi kasing uminom ng gamot e! Ayan tuloy! Nung naramdaman niyang bumukas ang pinto tinanggal niya agad ang kamay sa ulo niya.Huli ka na Terrence.
"Oh? bakit hindi mo pa yan kinakain?"
Tinignan niya ako na para bang ako na ang pinakaweird sa balat at sa ilalaim ng lupa.