"Pumayag ka na sheki.Please? Please?"
"Ayoko."
Sabi ko habang tinitingnan kunyari yung kuko kong bagong manicure.Kahit wala naman. -.-
Paulit ulit lang kasi sya eh! Kanina pa yan.
"Gagawin ko lahat kahit anong gusto mo.Basta pumayag ka lang please."
Napatingin ako kay Jude,yung class president namin dati?
"Kahit ano?"
Parang alam na nya ang nasa isip ko.Nakangisi na nga ako eh.
"Pagkain?"
Sabi nya na natatawang umiling iling.
Lumapad lalo yung ngiti ko.
"Actually,dalawa yung gusto ko.Pero tama ka! Pagkain yung isa."
"Oo ba.Basta payag ka na?"
Tumingin ako sa kanya.Seryoso talaga sya!
Ganito kasi yun.Gusto nyang makipagbreak sa sandamakmak nyang girlfriends! Oo,GIRLFRIENDS! Babaero kasi masyado! Tsk!
Oh well,gwapo naman si Jude yun nga lang PLAYBOY! Matalino din sya,hindi ko nga alam kung bakit sa class D sya.
Okay. Back to situation na tayo,gusto daw nyang makipagbreak sa latest gf nya ngayon, kasi nasasakal na daw sya sa kaartehan nung girl,at ang favor lang naman na hinihingi nya sa akin ay magpanggap na fiance nya! Oo. FIANCE talaga!
Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa sitwasyon na to.Eh naghahanap lang naman ako ng pagkain kanina.Duh! Nakita ko lang syang nanghalumbaba dyan sa upuan nya at dahil sa may ginintoang puso ako, ayun lumapit ako sa kanya,kinwento nya yung tungkol sa gf nya.
Worst.Dahil ako pala ang nagbigay ng idea sa kanya tungkol sa Fiance thingy na yun.Pero sabi ko lang naman sa kanya sabihin nya sa girl na may gf na syang iba! Wala akong binanggit na fiance.=_=
"Basta sabi mo kahit anong gusto ko ibibigay mo diba?? So,deal.Pumapayag na ako."
Naalala ko kasi yung teddybear sa mall.
Para syang patay na biglang bumalik ang kaluluwa sa katawan nya.In short nabuhayan!
"Talaga?! Yes! Kahit ano gagawin ko.So,mamaya sabay tayong uuwi ha,Sheki?"
Ngumiti lang ako.
"Basta wag mong kalimutan,pumayag kana ha? Ha?Ha?Ha? Shekii."
Ang kulit lang?
"Oo nga."
Ngumiti sya ng sobrang lapad.
"Ok." ^__^
Saktong pagkatapos ng convo namin ni Jude saka namang pagpasok ng last subject namin sa umaga which is P.E,at ang gagawin namin ngayon ay maglaro ng Jack 'n Poy! 'di joke lang. Maglalaro kami ng Volleyball at basketball.
Sa girls yung basketball samantalang sa boys yung volleyball.Tsk! Sport ko kasi yung volleyball pero marunong din naman ako sa basketball dahil tinuruan ako ng pinsan ko.
And speaking of it namiss ko na yung pinsan kong yun! Nasa cebu na kasi sila nags-stay ngayon.
Reklamo here.Reklamo there.Reklamo everywhere! Ganyan mga classmates ko! Mga walang kwenta!
Pero kahit ganun masaya naman!^__^
Ang kukulit nga namin eh.Hihihihi
********KRIIIIING!!!!!!!