CHAPTER 11:

49 2 0
                                    

3 days....since that day at nag iisip ka pa rin hanggang ngayon? Oh come on inlove kana!

Napasimagot ako. Ano ba talaga ang problema nang utak ko, nakakainis na! Eh ano naman kung tatlong araw ko na siyang hindi nakikita? You miss him. At bakit ko naman siya mamimiss? Kami ba ha? Kami ba?

I like you.Stupid...

Tengena! Boses na ni Terrence ang naririnig ko. Kabushet lang talaga, bakit ba kasi niya sinabi yun! Ayan ayaw na tuloy tumigil ng utak ko. -_-

"Sekinah Hernandez!"

"Ay kabayo!"

Nagtawanan lahat ng sumigaw ako. Napatingin naman ako kay Maam sa harap na parang natatawa lang sa akin...lahat pala sila nakatingin sa akin. Shucks!

"Nakikinig ka ba sa akin Shekinah?"

Ngumiti ako kay Maam o tamang sabihin ngumisi ako. Umiling iling lang siya.

"Okay class get one whole sheet of paper and answer the questions on the board. Babalik ako after five minutes."

Umungol kaming lahat ng lumabas na siya ng room.

"Classmates pengeng one whole!"

Sigaw ko pero walang pumapansin sa akin kasi busy din sila sa buhay nila kakahanap ng papel.

"Classmates si Sheila daming one whole!"

"Pesti ka jude! Dapat hindi na kita binigyan eh!"

Sigaw ni Sheila kay Jude at ano pa nga bang gagawin eh di nagsimula na kaming dumugin si Sheila and in the end ubos ang one whole niya! Hahahaha!

"Tengena! Classmates anong sagot sa number five?!"

Wag na kayong magtaka dahil ganito kami kaabnormal dito!

Pagkatapos ng last period sa umaga hinila na ako ni Marvz palabas ng room at nakita ko si Joshua na naghihintay sa amin. Asan si Terrence? Hinahanap? Aminin na kasi!

"Hi Sheki and beautiful Marvz!"

"Hello Hottie Joshy!!"

I rolled my eyes...bakit ba ang hilig nilang maglandian. -_- Tumakbo siya kay Joshua at pinulupot agad ang braso. Tsk!

"Fafa Jude ! Lezzgo nah! Nandito na si Fafa Joshua!"

" Coming!"

Tumakbo si Jude sa amin pagkatapos niyang makipaglandian din kay Sheila pero sa totoo lang hindi effective kasi walang pakialam si Sheila sa kanya! Hahahaha! Wala epek charm niya.

"Wala talagang kilig bones ang babaeng yun."

Reklamo niya pagkalapit niya sa amin at nagsimula na kaming maglakad papuntang canteen.

"Hindi kikiligin yun sa playboy."

"Mapagmahal Sheki...mapagmahal."

Sabay na sabi nilang tatlo.

"Abnormal kayo."

Tumawa lang sila. Bakit kapag naglalakad kami ang daming tumitingin sa amin? Of course dahil maganda ako. Duh! Napangiti ako for the first time! Sumang ayon kang utak ka! Bwahahaha!

"Sheki, bakit three days nang hindi pumapasok si Terrence?"

Napatingin ako kay Joshua, nandito na kami sa canteen at syempre kumakain. Duh.

CLUELESS HEART OF MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon