'Shekinah..'
Hmm? May tumawag sa akin pero bakit ang layo ng boses? Pinagmasdan ko ang paligid hindi ko man lang alam kung bakit ako nandito at paano ako napunta dito? Ang ganda nang paligid Napalibutan ng sobrang linis na mga damo. Mula sa inaapakan ko hanggang sa kayang matanaw ng mga mata ko,may iba't ibang klaseng bulaklak pa sa gilid.Paradise. Para akong nasa isang painting!
'Shekinah..'
Tumingin ako sa paligid, sino ba yung tumawag sa akin?
'Shekinah!'
Napalingon ako sa likod ko at may nakita akong isang bata na nadapa pero imbes na umiyak tumawa lang ito, sa di kalayuan naman may isang lalaki na tumatakbo papunta sa bata. Hindi ko lang maaninag ang mga mukha nila.
'Likot mo talagang bata ka.Hahaha!'
Sabi nung lalaki sa bata nang makalapit na siya dito. Papa niya siguro yan, nakakatuwa kapangalan ko yung bata!
'Dada.'
Yan lang ang sabi nung bata, hindi pa ata marunong magsalita eh..
' Nakapagsalita kana! '
Tumingin sa banda ko ang lalaki,bakit hindi ko maninag ang mukha nila? Hindi naman sila gaano kalayo sa akin.
'Shekinah...'
Sabi niya na parang nakangiti sa akin..... napangiti nalang din ako..
"Papa."
Nabigkas ko bigla.
'Shekin-
"Shekinah!!!"
Ouch!! Nahulog ako sa kama o tamang sabihin na hinulog ako sa kama!
"Aray! Ma naman eh!"
Sabi ko na tumayo at hinagud ang likod ko... ansakit mababali ata spinal cord ko..nakita kung nakaupo siya sa dulo ng kama ko na nakangisi.
"Kanina pa kita ginigising eh...kaya tinulak nalang kita sa kama, ayan gising kana!"
Hyper niya ata?
"Bakit ba kasi? Wala naman akong pasok ngayon ah."
"May bisita ako mamaya."
"Manliligaw mo?"
Ngumiti siya sa akin.
"Papayag ka ba?"
"Okay lang,basta yung matino."
"Oh my gosh! Papayag ka talaga? Im soo touch!"
"Wag ka nang magdrama,hindi bagay sayo. So, manliligaw mo nga?"
"Nope! Kaibigan ko."
"Bakit parang dumami ata bigla ang mga kaibigan mo?"
Ngumisi lang siya. nagcross arms naman ako.
"Yup at dahil diyan magbihis ka na dahil with in five minutes nandito na sila!"
Sabi niya na tumayo at akmang lalabas ng kwarto ko.
"Ma sandali!"
"Yes dear?"
"Ahm...pwede ba nating dalawin si Papa?"
Sabi ko na nakayuko.
"S-sure!"
Napatingala ako sa kanya! Nakangiti siya sa akin na alam kong halatang pilit.