I can't believe how fast time flew. It was like pages riffled through the next chapter. I fell unto my bed the moment I saw it. Galing akong office pero napadaan konti sa mall at nagshopping ng gagamitin ko dito sa condo. Kanina kasing umaga naubos ang humidifier ko kaya I had to buy some and also considered buying a beige curtain na rin dahil nadaanan ko ang mga curtains and fabrics. Napapadalas na kasi ang pag-uwi ko ng gabi these days at ayaw ko naman daan-daanan ang kusina. Wala. I just don't like catching a glimpse of how it looks.
Santana flooded my inbox.
Sinasabi na hinahanap daw ako ni Sir Vanrick. Ngayon nga pala ang party na yun.
Hindi ako nagreply sa kaniya, I'll be chilling here and baka may maisipan akong gawin to buy time. Pero may bumulabog na naman sa katahimikan ng telepono ko, magkasunod na text ni Sheen at Rum.
Nauna kong nabasa kay Sheen
-
From Sheen
7:56 PMNandito na ako, Madam Engineer ko, pasensiya muntik pa ko malate. Asan ka? Di kita mahanap sa dami ng tao.
-
From Rum
7:55 PMNandito na ako sa party. Ayaw mo ko ka-date?
-
Tangina niya parang nang-aasar pa ata eh. Walanghiya siya. Ayaw ko magreply sa mga tao, wala akong gana kumausap ng kahit sino as of the moment. Tinurn on ko ang TV at nagnetflix lang but there's nothing interesting that I can find, parang halos lahat napanood ko na.
-
From Rum
8:00 PMCeline's looking for you.
-
Hindi ako natuwa sa nabasa. Delikado na pag magkasama sila, hindi mapipirmi ang katawang lupa ko. My heart is flaming and I can feel it throughout my entire body, parang gusto ko na makiparty at makisocialize ah. Tumingin ako ng nakahandang dress sa cabinet ko na inayos ni Santana even before I was forced to live here sa condo, shocks, sana kasya pa. Nag-gym naman na ako noong nakaraan—ay tanga! Yun yung una kong punta at huli na kung saan ko pa nameet si Celine.
Anyway, it was surprising that it fitted me perfectly. Ang ganda ng bodice niya at ang color, pulang-pula kaya naman it was complimenting my skin tone. It has a plunging neckline but it doesn't appear that revealing because of the red vine-like structure na nakapalibot pati sa shoulders. I argued with myself about which peg I should go for pero dahil night naman, I went for nude using a soft brown tone for the crease and a little softer pa sa lids sabay red ang lipstick. Contouring wasn't a problem too dahil madali lang naman siyang gawin. 8:19 pa lang ay nasa parking lot na ako at nakitang nagsisimula na pala ang party.
Tributes and acknowledgments pa nang madatnan ko.
"Scammer." muntik na akong atakehin nang may humila sa kamay ko. Napangiti ako sa sinabi niya, he knew my scheme "How'd you know I wasn't around earlier?"
"Your location."
Of course! Pambihirang location yan talaga.
"Si Santana?"
"Busy maging call center. Upo na tayo, kanina ka pa hinahanap sa akin eh." Sheen took me to the table near the center at inalalayan ako. Hinahanap ko pa naman si Rumzuell pero di ko mahagilap ang pigura niya at ni Celine. I shouldn't care pero baka anong gawin nung babaeng yun at baka iintroduce niya na lang dito sa mismong party na sila na ng boss ko. Ew! I hate to think about it! Natawa si Sheen sa hitsura ko dahil kanina pa pala siya nagtatanong pero hindi ko nasagot. He drank wine, "Lutang."
YOU ARE READING
Greis and Rum (COMPLETED)
Fiksi PenggemarWhen the Grandeur met the Glory. |Regine Velasquez and Piolo Pascual Fiction|