(42) - Shantal's Anger

183 4 0
                                    

AUTHOR's POV


Everyone found out about the suicide that Shantal's parents committed, and they are all shock and surprise of what happened.


Kumain sila ng breakfast na wala halos ang umimik o nagsalita man lang sa kanila. Hindi dahil may samaan sila ng loob o ano, pero dahil gulat sila na nagawa iyon ng magulang ni Shantal. Ang dalawa'ng rason na nakikita nila kung bakit nagawa iyon ni Reynaldo at Celina ay dahil sa labis na kahihiyan at dahil wala na sila'ng lusot pa sa kasalanang ginawa nila sa batas. Napansin ni Cathy na tahimik lang si Migs magmula 'nang malaman nito ang nangyari sa magulang ni Shantal. 


Gusto na nga sana'ng kausapin at kumustahin ni Cathy si Migs pero nagdesisyon siya'ng pabayaan muna ito'ng makapag-isip-isip dahil baka kailangan din nito ng oras para doon. Kaya naman habang hindi niya magawa'ng malapitan si Migs ay sumama muna siya'ng manuod ng movie kay Erin, Mildred at Amanda.


Samantala'ng sila Art at Simon naman ay pinuntahan si Migs na kasalukuyang nakatambay sa veranda at mukha'ng malalim ang iniisip.


"Migs." tawag ni Simon kay Migs at tinapik nito ang balikat nito bago maupo sa isa sa mga upuan sa veranda, "Mukha'ng malalim yata 'yang iniisip mo, ah."


Inakbayan naman ni Art si Migs na nakahawak sa railings ng veranda at nakatanaw lang sa malayo, "Siya nga naman, anak. Kanina ka pa tahimik, eh, nag-aalala na kami sa'yo."


Huminga ng malalim si Migs bago niya harapin ang kanya'ng ama at ang pinsan niya'ng si Simon.


"Alam ko marami kami'ng hindi pinagkasunduan ni Shantal, at marami rin ako'ng dahilan para magalit sa kanya, pero..." napayuko si Migs at napailing, "...hindi ko mapigilan na maawa sa kanya. Siguro nga marami siya'ng nagawa'ng mali, pero parang hindi naman niya deserve 'yung ganito'ng klase'ng buhay."


Bago pa man maging mag-asawa si Migs at Shantal, matalik sila'ng magkaibigan ni Shantal, kaya't masakit din para sa kanya ang pinagdadaanan ngayon ng dati'ng kaibigan. Migs feels sorry for all the unfortunate events that Shantal's experiencing right now, and if he only could do something to help her, he would help her, but he's also as helpless as she is. Wala rin siya'ng magagawa para ayusin pa ang mga nangyari na.


"I know I should be happy because I don't have to revoke the documents that they let me signed, but I can't help but feel sorry for Shantal and her family." Migs lamented.


Muli'ng inakbayan ni Art ang anak at pinayuhan, "Anak, naiintindihan namin 'yang nararamdaman mo, at kahit kami rin naman ay naawa at nakakaramdam din ng lungkot para kay Shantal. Hindi man namin siya pormal na nakilala ng Mommy mo, wala pa ring sinoman ang karapat-dapat makaranas ng gano'ng klase'ng pasakit." saad ni Art at huminga ito ng malalim, "Ang mamatayan ng magulang ay wala'ng kasi'ng sakit, anak. Natural lang na maramdaman mo 'yan."


Sumang-ayon naman si Simon sa sinabi ng Tito Art niya.


"Oo nga, Migs. Bago naman ang lahat ng gulo'ng 'to naging magkaibigan kayo." sambit ni Simon.


Muli'ng napaharap si Migs sa veranda at napatulala na naman sa kawalan.

The Greatest Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon