(9) - Up Above

318 4 0
                                    

CATHY's POV


"Hindi nga ako kumakanta."


"Isa lang."


"Ayoko nga."


"Isa lang naman. Try mo lang!"


"Ayoko!"


Kung nagtataka kayo kung sino ang nagsasagutan na 'yun, wala'ng iba kung hindi ang magpinsan na si Simon at Migs.


Kanina pa kami tapos magdinner at bigla'ng nagyaya sila Tito Victor at Lolo Carding na magkantahan habang kumakain ng coffee cake na si Tita Sandy at Lola Lily mismo ang nagbake.


"Sige na, Migs! Pagbigyan mo na kami." pakiusap ni Tita Sandy.


Nanlaki naman ang mga mata ni Migs kay Tita Sandy.


"Tita hindi ako kumakanta. Okay? Ayoko. Kayo na lang." pagtanggi ni Migs.


Ang buo'ng akala ni Simon mauuto niya ang pinsan niya na kumanta dahil nakakailang bote na sila ng beer pero nagkamali siya. Sila'ng tatlo lang nila Tito Victor at Migs ang umiinom ng beer habang kami ay umiinom lang ng juice at kumakain ng cake.


"Ano ba'ng hindi kumakanta?!" tanong ni Simon kay Migs, "E samantala'ng dati kapag may videoke sa bahay lagi ka'ng humihirit ng mga Michael Bolton at Alamid. Minsan nga suma-Side A ka pa e."


"Tumigil ka nga." sabi ni Migs sa pinsan niya.


"Hay nako Migs! Para matapos na pagbigyan mo na kami ng isa'ng kanta. Hindi ka rin naman titigilan niyang si Simon." sabi ni Tito Victor kay Migs, "Tsaka para marinig namin ulit 'yang boses mo. Ang tagal na naming 'di naririnig 'yang boses mo e."


"Siya nga naman iho." sambit ni Lola Lily.


So kumakanta pala talaga siya. In fairness, wala sa itsura niya ha.


Actually medyo awkward kaming dalawa ni Migs ngayon dahil nakita niya akong umiiyak kanina. Malay ko ba naman kasing may taong makakakita sakin na nag-eemote sa veranda matapos kong makausap 'yung ex ko. He asked me kung gusto ko'ng pag-usapan 'yung problema ko pero tinanggihan ko kasi ayokong isipin niya na lagi ko na lang siyang hinihingan ng tuong. After all, may problema din siya na kailangan lutasin at ayusin.


"Ano ba naman 'yung kumanta ka kahit isa lang?" pamimilit ni Simon sa kanya.


Migs shook his head, "Ba't ba ako? Ang dami-dami natin dito tapos ako lang pinag-iinitan mo." reklamo niya.


"O sige! Kakanta rin si Cathy."


At talagang dinamay pa ako ng magaling kong kaibigan.


"O! Nadamay naman ako?" singhal ko kay Erin.


The Greatest Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon