MIGS' POV
Hindi nga alam ni Shantal kung saan ako nakatira ngayon, pero alam naman niya kung saan ako nagta-trabaho at alam niya kung saan ako pupuntahan.
Pagdating ko sa office ko, naabutan kong nakaupo sa harap ng desk ko si Shantal, and when she saw me, she immediately hugged me and kissed me on my cheeks, "For heaven's sake Miguel, I missed you so much. Umuwi ka na please." sabi niya agad.
Hinawakan ko siya sa dalawang braso niya at dinistansya ang sarili ko mula sa kanya, "Shantal, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"I came here to fix our marriage Migs." she said.
Gaano ba talaga kahirap para sa kanya na maintindihan na hindi na maayos pa ang relasyon naming dalawa? Alam naman namin pareho na hindi na healthy at maayos ang marriage namin, so bakit pa namin ipilit?
"Migs." tawag niya sa'kin at kinuha niya 'yung isa kong kamay, "Nag-aalala na ako sa'yo. Please, umuwi ka na sa'tin. Ni-hindi ko alam kung mahimbing ba lagi 'yung tulog mo, kung nakakakain ka ba three times a day. Please Migs, umuwi ka na."
Inalis ko ng dahan-dahan 'yung kamay niya sa kamay ko, "Shantal, diba sinabi ko naman sa'yo na tapos na tayo." I said calmly, "There's no way for us to fix our marriage. We tried everything, pero wala."
"That's not true Miguel. Kaya pa nating ayusin 'to, 'wag mo lang akong susukuan." pagmamakaawa niya sa'kin.
Kung sa usapang awa, naawa naman talaga ako kay Shantal. I know that she loves me, pero paano mo sasabihin sa kanya na hindi ko siya mahal sa ganong paraan?
Inupo ko siya dun sa upuan sa harap ng desk ko at naupo ako sa tapat 'nun, "Shantal." I took a deep breath, "I'm trying my best to say these things to you calmly and in the right way, you have to accept the fact that I'm not the guy for you. You deserve better, we both deserve something better than this."
"May babae ka ba?" nag-iba na ang tono ng pananalita niya. This time may halo 'nang galit at pagbibintang, "Answer me Miguel, do you have a mistress?"
Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa harapan niya at umiling, "Mahalaga pa ba 'yung sasabihin ko Shantal? Kahit naman sabihin ko na wala, ipagpipilitan mo pa rin na meron, sasabihin mo pa rin na may babae ako kahit wala naman." I shook my head in disbelief, "Hindi ko kayang manatili sa isang marriage na walang tiwala, walang pagmamahal."
She stood up and slapped me, "Inamin mo din 'yung totoong dahilan." sabi niya at tinulak niya ako, "Hindi mo ko mahal!" sigaw niya sa'kin.
"Kung usapang mahal lang Shantal, oo mahal kita pero bilang best friend ko. Kaya nga ako nakatagal ng limang taon sa marriage natin dahil ang lagi kong iniisip ay 'yung magandang pinagsamahan nating dalawa, and that's our friendship since we were kids." I shook my head and sighed, "Unfortunately Shantal, I realized that it's gonna be unfair to you if we stay in this marriage."
"Just so you know Migs, hindi ako papayag sa annulment na gusto mo." sabi niya at mas lumapit siya sa'kin, "Akin ka lang."
BINABASA MO ANG
The Greatest Love Affair
RandomCatherine (Ritz Azul) finds herself brokenhearted after she knew that her fiance, Jeff (Joseph Marco) was cheating on her with her best friend. She finally gave up and decided to move on with her life. Her college friends, Erin and Simon invited her...