(14) - Aloof

232 2 0
                                    

CATHERINE's POV


Hindi natuloy ang cliff jumping namin. Bigla raw sumakit ang ulo ni Migs kaya dumeretso muna siya sa kwarto niya at nagpahinga.


Erin, Simon, and I decided to go sailing, kasama din namin sila Tito Victor.


Sayang hindi sumama si Migs, siya lang ang kulang e. Kung kailan naman kami nasa ibang lugar tsaka siya sinumpong ng sakit ng ulo.


"Beshie, 'wag ka na magworry kay Migs." napatingin ako kay Erin habang nakaupo kami sa may net at nakaharap sa dagat, "He'll be fine."


I frowned and chuckled.


"O bakit ka natatawa?" tanong sa'kin ni Erin.


"E kasi pa'no mo naman nasabi na nagwo-worry ako kay Migs? Ano ka? Manghuhula?" natatawang tanong ko sa kanya, "Ang galing mo naman." dagdag ko pa.


Nasa kabilang bahagi ng sailing boat sila Simon, Tito Victor, Tita Sandy, Lolo Carding at Lola Lily, may pinag-uusapan kasi sila tungkol sa negosyong balak naming buksan nila Erin at Simon. Kumu-konsulta si Simon sa kanila.


"Beshie, wala namang masama kung aaminin mo." sagot sa'kin ni Erin at inakbayan ako, "Halata naman na iniisip mo siya e. Kanina ka pa tulala, kanina ka pa walang kibo kahit da-dalawa na lang tayong magkasama. Sigurado naman akong hindi si Tita Amanda 'yang iniisip mo o di kaya 'yung negosyo mo, at sigurado rin ako na hindi ex mo 'yang iniisip mo."


Honestly, Erin's right.


Nag-aalala ako kasi parang bigla-biglang sumakit 'yung ulo ni Migs at bigla siyang naging matamlay. Samantalang 'nung naglalakad kaming dalawa kanina sa may dagat, okay naman siya at ang sigla-sigla niya. Bigla na lang sumakit 'nung naiwan silang dalawa ni Simon habang nagbibihis kami ni Erin sa cottage namin. Nakakapagtaka lang na ang bilis naman niyang sinamaan ng katawan.


May batayan din naman ang pagdududa at pagtataka ko dahil 70% ng duda't kutob ko nagkakatotooo. Alam ni Erin 'yun.


"Nagtataka lang ako."


Erin frowned in confusion, "Bakit naman?" she asked.


I sighed, "E kasi 'nung kaming dalawa palang 'yung naglalakad sa may tabing dagat, okay pa naman siya. Sobrang sigla pa nga niya, pagkatapos 'nung silang dalawa na ni Simon ang naiwang magkasama, biglang sumakit 'yung ulo niya." tumingin ako kay Erin, "'Di ka ba nagtataka?"


Mukhang napaisip na rin si Erin sa sinabi ko. Alam niya kasi kung gaano ka-effective ang mga duda't kutob ko.


Habang nakatingin ako kay Erin ay nakita ko sa peripheral vision ko na parang nakatingin sa amin si Simon kahit na magkakaharap sila nila Tito Victor sa kabilang bahagi ng boat kaya napatingin na rin ako sa kanila.


I am right. Nakatingin nga sa'min si Simon pero hindi sa asawa niya kung hindi sa'kin.


The Greatest Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon