(49) - The Truth Has Been Told

285 2 0
                                    

AUTHOR's POV


"Migs, pa'no kung set-up 'to?" tanong kaagad ni Catherine kay Migs 'nang matapos ang usapan nila Migs at Atty. Lorna sa telepono.


Kanina lamang ay pursigido si Catherine na makipagkita sila kay Atty. Yulo sa kadahilanang gusto na niya'ng malaman ang totoo at dahil baka ito na rin ang simula 'nang pagresolba sa mga problema'ng kinakaharap nila, pero 'nang pumayag kaagad si Atty. Lorna ay nakaramdam ng kaba at pangamba si Catherine. Hiniling niya na magtiwala sa kanila si Atty. Yulo, pero parang siya naman ang natakot bigla'ng magtiwala kay Atty. Yulo.


"Catherine, wala tayo'ng magagawa kung hindi sumugal. Kung talaga'ng gusto natin'g malaman ang totoo, kailangan nating sumugal sa hindi sigurado." depensa ni Migs at 'nang makita niya'ng may pag-aalala sa mga mata ni Catherine ay lumapit siya rito at hinawakan ang dalawa'ng kamay nito, "Hindi ko alam kung bakit, pero nararamdaman ko na nagsasabi ng totoo si Atty. Yulo."


Napakunot naman ng noo si Catherine, "Pero bakit ayaw niya'ng ipaalam sa mga pulis ang tungkol sa pakikipagkita natin sa kanya bukas? Bakit kailangan tayo'ng tatlo lang nila Simon?" nagtataka niya'ng tanong kay Migs.


"Bakit pati 'yung mga bodyguard natin hindi rin pwede'ng isama?" dagdag pa na tanong ni Catherine kay Migs 'nang hindi siya sagutin nito kaagad-agad, "Hindi ka man lang ba nagtataka?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




"Bakit pati 'yung mga bodyguard natin hindi rin pwede'ng isama?" dagdag pa na tanong ni Catherine kay Migs 'nang hindi siya sagutin nito kaagad-agad, "Hindi ka man lang ba nagtataka?"


"Para sa seguridad niya 'yun, Catherine." sagot ni Migs.


Naiintindihan ni Migs ang pag-aalala at pag-aalinlangan na nararamdaman ni Catherine, maski siya ay nakakaramdam na rin ng gano'ng pakiramdam, hindi na lang niya ipinapahalata sa kasintahan dahil ayaw niya'ng mas mag-alala pa ito. Gaya nga ng sabi niya, kailangan nila'ng sumugal para sa ikakatahimik nila'ng lahat at para masagot na ang mga katanungan sa isipan nila.


"Sa panahon ngayon, hindi natin alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan sa hindi. Kahit 'yang mga pulis na 'yan, hindi natin alam kung may inside job na nangyayari. Kung sakali'ng totoo ang sinasabi ni Atty. Yulo na wala nga siya'ng kinalaman sa nangyari kay Carissa at sinabi natin sa mga pulis ang pakikipagkita natin kay Atty. Yulo, baka hindi natin magustuhan ang susunod na mangyari." paliwanag ni Migs kay Catherine at hinigpitan niya ang hawak niya sa dalawa'ng kamay ni Catherine, "Para makasigurado tayo, 'wag na kayo'ng sumama ni Simon bukas. Ako na lang ang makikipagkita kay Atty. Yulo."


Hindi na pinatapos ni Catherine sa pagpapaliwanag si Migs at kaagad niya 'nang tinanggihan ang proposisyon nito.


"At sa tingin mo talaga papayag ako d'yan sa gusto mo'ng mangyari?" sarkastiko'ng tanong ni Catherine kay Migs.


Migs clicked his tongue, "Catherine, ikaw na rin mismo ang nagsabi na hindi tayo nakakasigurado, eh, pa'no kung tama ang mga kaba'ng nararamdaman mo? Eh, 'di nilagay ko lang 'yung buhay niyo'ng dalawa ni Simon sa kapahamakan? I'm not gonna let that happen." he said in full conviction.


The Greatest Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon