Ailyn's
"Coffee for Arianne!" nagmulat ako ng mata ng marinig ko ang pangalang iyon at napangiti. Tumayo ako sa upuan ko at lumapit sa counter para kunin ang order ko.
"Thank you" sabi ko sa lalaki at ngumiti. Akmang iinom ako ng kape ay may biglang nagsalita sa likuran ko.
"Kailan ka pa naging si "Arianne", Aira Angilyn?" Gumawa pa sya ng parang quotation marks sa hangin. Umirap lang ako sa kanya at bumalik sa upuan ko.
Maya-maya pa'y naramdaman ko syang umupo sa bakanteng upuan kaharap ko.
"Anong kailangan mo sakin, Del Castillo?" Nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.
"Kailan ka pa nga naging si Arianne?" Napakakulit talaga nito. Hindi naman to ganito dati.
"Bat ba nangingialam ka? Jusko, Joseph! Sabado ngayon. Wala tayong pasok kaya hayaan mo akong magkaroon ng kapayapaan pag weekends. Lagi na tayong magkababag sa school". Pinanlakihan ko sya ng mata pero hindi sya natinag.
"Ikaw lang naman ang laging nang-aaway ah. Lagi ka na laang pasigaw di ka naman inaano. Paano ka magturo sa mga nursery? Buti nalang di natatakot ang mga yun sayo". Inirapan ko sya. Tumayo ako para kunin ang gamit ko dahil tinatamad talaga akong makipag-away sa kanya ngayon.
"Aira Angilyn!" Sigaw nya kaya nagtinginan ang mga tao sa coffee shop. Binatukan ko naman sya.
"Wag mo nga akong tawaging ganyan. Sasaksakin talaga kita ng tinidor!" Angil ko sa kanya at muling umupo.
"Dito ka muna. Wala akong kasama e".
"Broken ka pa din kay Myka?" Nginisihan ko sya kaya sinamaan nya ako ng tingin.
"E ikaw may anak ka bang tinatago samin? Sinong Arianne yun?" Balik na tanong nya kaya napipilan ako. Kinagat ko ang dila ko at kinundisyon ang sarili.
"Ang cliche ha. Anak agad? Di ba pwedeng nagandahan lang ako sa pangalang yun?" Sagot ko noong nakabawi ako.
Tinawag na sya kaya tumayo sya para kunin ang order nya. Naghintay lang ako doon at tumingin sa kawalan.
Ayokong umuwi dahil hindi naman ako ang kailangan nila doon. Ayokong makita si Nanay, ayokong makita ang tatay ko. Ayoko ring makita ang mga kapatid ko dahil yung perang maiaabot ko lang naman ang kailangan nila.
Bumalik si Joseph pero hindi ko sya pinansin. Nandun lang sya sa tapat ko at nagpipipindot sa cellphone nya. Nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan sya. Gwapo ang taong ito. Matangkad, moreno at matangos ang ilong. Talentado rin sya dahil magaling syang kumanta at sumayaw. Well, MAPEH teacher sya kaya ata ganun. Noong una ay tahimik lang sya at parang walang pakialam sa mundo maliban nalang pag kaharap nya si Myka. Alam naman ng lahat ang nararamdaman nya para sa kaibigan ko pero sadyang manhid lang yung isang yun.
Napukaw ang atensyon ko noong tumunog ang cellphone ko. Inalis ko ang tingin ko kay Joseph upang kunin ang aparato sa bag ko. Napabuntong hininga nalang ako nang makita kong si Ate Alice ang tumatawag.
"Hello, Ate"
"Nasaan ka ba? Kanina pa ako text ng text sayo hindi ka nagrereply". Sigaw nya mula sa kabilang linya. Napahilot ako ng sintido ko at napansin kong napatingin sakin si Joseph.
"Busy lang ako. Bakit ba?"
"Si tatay nahuli ng pulis. Na-raid yung sabungan. Ikaw na ang bahala" napasabunot nalang ako sa buhok ko at napabuntong hininga.
"Sige" sagot ko nalang at binaba ang tawag. Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Hindi ko na tinapunan ng tingin si Joseph at deretsong lumabas ako ng coffee shop.
"Aira Angilyn! Sandali!" Naramdaman kong humawak sya sa braso ko kaya walang ekspresyon na tumingin ako sa kanya.
"Joseph please. Wag na wag mo na akong tawaging ganyan. Sige na. Kailangan ko nang umalis. Emergency". tatalikod sana ako pero hinawakan muli nya ako.
"Hahatid na kita kung saan ka man pupunta" bago pa ako makatanggi ay nahila na nya ako sa sasakyan nya.
Binuksan nya ang pinto at pinapasok ako. Nilagay pa nya ang kamay nya sa ulo ko para hindi ako mauntog. Inirapan ko lang sya.
"Saan tayo?" Tanong nya noong makasakay din sya.
"Police station" maikling tugon ko at humilig sa bintana ng kotse nya. Blankong blanko ang isip ko.
"Aira --" lumingon ako sa kanya at hindi ko na napigilan ang luha ko. Nataranta naman sya at napamura. Saglit na tinigil nya ang sasakyan at tumingin sakin. Hindi ko na napigilan ang hagulhol ko kaya hinila nya ako para yakapin.
"Shhhh. Sorry na. Tahan na. Bakit ba ayaw mo ng pangalan mo? Ang ganda ganda nga e" hindi ako umimik. Totoo ngang maganda ang pangalang iyon pero alam kong hindi naman ako yon. Paano ako matutuwang gamitin ang magandang pangalang iyon kung alam kong hindi ako ang nagmamay-ari nun?
Sawang-sawa na akong maging anino ng taong matagal ng wala.
Hindi ako sumagot kay Joseph. Patuloy naman nyang hinaplos haplos ang likod ko habang umiiyak ako sa dibdib nya.
"Hush now, babe. Pangako hindi na kita tatawaging ganun. Wag ka ng umiyak" ang lambing ng boses nya kaya kahit sandali ay napayapa ako.
BINABASA MO ANG
You'll Be Safe Here
General FictionMinsan, makakahanap tayo ng kapayapaan, kalinga at siguridad sa pinaka hindi natin inaasahang tao. *********** Sakit. Pighati. Kalungkutan. Mga salitang naglalarawan kung gaano kasalimuot ang mundong kinagisnan ni Ailyn. P...