Ailyn's
Bumitaw ako sa yakap kay Joseph at humilig sa kanya. Umakbay naman sya sakin at bumuntong hininga.
"Iyakin ka ba?" Biglang tanong ko kaya inangat nya ang ulo ko at tiningnan ako.
"Bakit?" Tanong nya. Binaon ko ang mukha ko dibdib nya.
"Kasi handa na akong ikwento sayo ang buhay ko. Wala akong ibang pinagsabihin nito kaya pag kumalat to, ipapalapa kita sa mga crocodiles" natatawang sabi ko. Naramdaman ko namang niyakap nya ako.
"It's not my story to tell. At kelan mo pa nabalitaang nakisali ako sa chismisan?" Natawa ako sa sinabi nya. Parang hindi bagay.
Huminga ako ng malalim dahil hindi ko alam kung paano mag-uumpisa.
"Itong mga to ay kwento lang sakin ni Nanay Adel. Kapitbahay namin sila at sila ng asawa nyang si Tatay Rico ang maituturing kong kakampi" paninimula ko.
"Noong una daw ay maayos ang buhay ng pamilya ko. Maganda ang trabaho ni Tatay sa isang kompanya at government employee naman si Nanay. Meron silang tatlong anak. Sina Kuya Alfred, Ate Alice at si .... A-aira Angilyn" nararamdaman kong nangingilid ang luha sa mga mata ko.
"Ikaw?" Narinig kong tanong nya pero umiling ako.
"Pinagbubuntis pa lang daw ako noon. Magkasunod lang daw kasi kaming dalawa. Noong mag-isang taon si Aira Angilyn ay nagkasakit sya at namatay" huminga ako ng malalim.
"Ha? Di kita ma-gets" hindi ko sya pinansin at magpatuloy lang sa pagkukwento.
"Hindi natanggap ng mga magulang ko ang nangyari sa bunso nila lalo na si Nanay. Natulala sya at hindi makausap. Simula noon ay nalulong naman si tatay sa bisyo at sugal"
"Isang araw, nakarinig nalang daw sina Nanay Adel ng sanggol na umiiyak. Nakita raw nila akong nakahiga sa sahig at walang saplot. Nanganak si Nanay ng siya lang"
"Simula daw noong pinanganak ako ay lalong lumala si Nanay. Naging agresibo sya at nananakit. Bihira nalang umuwi si tatay kaya napabayaan din sina Kuya. Kaya alam kong ganun nalang kalaki ang galit nila sakin"
"Awang-awa daw sakin sina Nanay Adel noon dahil kung minsan ay nakikita nalang nila ako sa ilalim ng lamesa at nilalanggam. Kinukuha daw nila ako at dinadala sa bahay nila. Nalaman daw yun ni tatay kaya pinabaranggay sila".
"Buti nga daw at malakas ang resistensya ko noon dahil kung minsan daw ay nakikita nalang nila akong pagapang gapang sa terrace ng bahay namin. Pag wala daw ang mga kapatid ko at si tatay ay saka nila ako pinapaliguan at pinapakain. Ibabalik nalang pag may tao na sa bahay" naramdaman kong himihigpit ang yakap ni Joseph sakin.
"Hanggang sa lumaki ako. Tanda ko noong maliit pa ako, Arianne ang tinatawag sakin ni Tatay. Hanggang sa dumating ang araw na kailangan kong mag-aral. Kinausap daw ni Tatay Rico ang tatay ko para hingin ang mga requirements ko para maenroll ako. Hindi pumayag si tatay kaya nangako si Tatay Rico na sila na ang bahala sakin basta ibigay lang ang mga papel ko. Binigay naman ni tatay pero birth certificate ni Aira Angilyn ang inabot nya. Inamin nyang hindi nila ako pinarehistro".
"Hanggang sa nakapag-aral ako sa tulong nina Tatay Rico at Nanay Adel. Naging Ailyn ang palayaw ko sa school dahil sabi ng teacher ko ay masyadong mahaba ang pangalan ko".
"Nagtataka ako noong mga panahong laging binabanggit ni Nanay ang Aira Angilyn. Tuwang-tuwa akong yumayakap sa kanya dahil akala ko ay paborito nya ako pero tinutulak lang nya ako"
"Noong maghigh school ako ay nagtataka ako dahil kailan man hindi ko narinig tinawag ako sa pangalan ng mga kapatid ko. Laging Hoy, uy, at minsan ay sipol pa ang pantawag nila sakin. Pakiramdam ko aso ako. Minsan nadudulas si tatay at natatawag nya akong Arianne na pinagtataka ko kaya iniisip ko ngayon na iyon ang totoo kong pangalan". Basang basa na ang damit ni Joseph dahil walang patid ang luha ko pero parang wala lang iyon sa kanya. Niyayakap lang nya ako ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
You'll Be Safe Here
General FictionMinsan, makakahanap tayo ng kapayapaan, kalinga at siguridad sa pinaka hindi natin inaasahang tao. *********** Sakit. Pighati. Kalungkutan. Mga salitang naglalarawan kung gaano kasalimuot ang mundong kinagisnan ni Ailyn. P...