Ailyn's
Naalimpungatan ako at biglang kinabahan noong makita kong hindi pamilyar sa akin ang silid na kinalalagyan ko.
"Pucha! Asan ako?!" Tanong ko sa sarili habang chineck ang damit ko. Okay pa naman. Kumpleto pa naman. Binuksan ko ang lampshade at nagpalinga-linga sa paligid. Nakita kong may nakahigang lalaki sa couch sa bandang paanan ko. Nilapitan ko iyon at inaninag.
Nagbago ito ng pwesto kaya humarap sakin ang mukha. Nakita ko si Joseph na payapang natutulog. Oo nga pala, narito pa ako sa condo nya. Nakatulugan ko na ang pag-iyak. Hinahanap kaya ako samin?
Lumabas ako ng silid at nakita ko ang bag ko na nakapatong sa center table. Nilapitan ko iyon at kinalkal para hanapin ang cellphone ko.
Napangiti ako noong nakita kong may dalawang text mula kay Kuya Alfred. Naalala din ata ako. Binuksan ko iyon at napabuntong hininga nalang sa nabasa.
From: Kuya Alfred
Hoy! Asan ka na? Wala ng gatas ang pamangkin mo. Baka gusto mong umuwi dahil nagugutom na yung anak ko.From: Kuya Alfred
Talagang kalandian pa ang inuuna mo kaysa sa pamangkin mo. Wag kang magpapakita sakin at baka masampiga kita. Inutil ka.Umupo ako sa sofa at tinaas ang mga paa ko. Niyakap ko ang tuhod ko at binaon dito ang mukha ko. Tuluyan na akong umiyak pero tinakpan ko ang bibig ko dahil baka mabulabog si Joseph. Nakakahiya. Asa pa akong hahanapin nila ako!
"Ailyn?" Agad kong pinahid ang luha ko noong marinig ko si Joseph. Binuhay nya ang ilaw at lumapit sakin tapos ay umupo sya sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo dito? Nagugutom ka ba?" Umiling lang ako at iniwas ang mukha ko sa kanya. Tumayo sya at pumunta sa kusina. Pagbalik nya ay may dala syang isang basong tubig at inabot iyon sakin.
"Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan mo at hindi na rin kita pipiliting magkwento kung hindi ka pa handa. Basta tandaan mo, andito lang ako pag hindi mo na kaya. Hindi ko man maiaalis ang lahat ng sakit pero pangako hindi kita iiwan at huhusgahan" yun lang ang sinabi nya at bumalik ng kusina.
Uminom ako ng tubig at kinalma ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at sumunod sa kanya sa kusina. Nakita ko syang nagluluto ng kung ano doon. Umupo ako sa isang stool at tumikhim para kunin ang atensyon nya.
"S-salamat nga pala, Joseph. Pasensya na sa abala" lumingon sya sakin at tumango. Hindi na rin sya nagsalita. Maya-maya pa'y naglapag sya ng hotdog at kanin sa harap ko.
"Kain na. Hindi ako marunong magluto kaya pagtyagaan mo na yang prito"
"Anong hotdog to? Iisang hotdog lang kasi ang kinakain ko" wala sa sariling sambit ko. Nakita ko namang namilog ang mata nya at napaubo sya. Nanlaki rin ang mata ko nang mapagtanto ang sinabi ko.
"I mean, CDO idol cheese dog lang ang brand na kinakain kong hotdog. Wag kang green!" Sigaw ko sa kanya kaya napatakip sya sa tainga nya.
"Okay, okay. Relax. Tender juicy yan. Pagtyagaan mo muna. 2am na wala pang laman ang tiyan mo. Next time yun na ang isstock ko sa ref". Inirapan ko sya at padabog na kumain. Nakakahiya!
"Bat di ko ako ginising? May pasok tayo bukas, paano ako uuwi?" Tanong ko habang ngumunguya. Nakatingin lang sya sakin habang umiinom ng tubig.
"Hahatid nalang kita mamayang 5 am. Bilisan mo na dyan. Inaantok na ko"
Binilisan ko ang pagkain at hinugasan na rin ang pinagkainan ko. Nakakahiya baka isumpa pa ako ni Joseph.Sabay kaming bumalik sa kwarto. Naghahanda na syang mahiga sa couch pero tinawag ko sya.
"Dito ka na kaya sa kama ako na dyan" nakakahiya dahil ang laki nyang tao at alam kong hindi sya komportable doon.
BINABASA MO ANG
You'll Be Safe Here
General FictionMinsan, makakahanap tayo ng kapayapaan, kalinga at siguridad sa pinaka hindi natin inaasahang tao. *********** Sakit. Pighati. Kalungkutan. Mga salitang naglalarawan kung gaano kasalimuot ang mundong kinagisnan ni Ailyn. P...