Arianne's
"Bunso, nandito na si Joseph!" Sigaw sakin ni Tatay mula sa labas ng kwarto ko. Bakit ang aga naman ata nung lalaking yun?
"Palabas na po, Tay!" Sagot ko sa kanya at saka tinuloy ang pag-aayos ko.
JS Prom ng school at hindi ko alam kung anong trip nina Mam at nirequired kaming umattend lahat. Actually, first time ko lang aattend ng ganung pagtitipon. Hindi ko iyon naranasan noong nag-aaral palang ako at noong nagturo naman ako ay hindi na rin ako umaattend dahil wala naman akong estudyante dun. Okay lang naman daw yun sabi ni Mam Marciana pero noong isang linggo sa meeting namin ay sinabihan nya ang lahat na kailangan naming umattend.
Kinulot lang ni Ate Lea ang may kahabaan kong buhok. Blue green naman ang kulay ng gown ko. Off shoulder iyon at hapit hanggang bewang ko. Suot ko rin ang heels na regalo sakin ni Kuya Alfred. Maganda na kasi ang trabaho ni Kuya dahil natanggap sya company ni Mr Arcilla.
Hindi naman kailangan bongga dahil baka matalbugan ko pa ang mga estudyanteng nandoon. For sure naman ay magbabantay lang kami lalo na sa mga madidilim na part ng venue. Jusko! Mga kabataan ngayon!
"Ang ganda ng Tita ko!" Nakangiting sabi sakin ni Yessa. Namimiss ko tuloy yung mga pamangkin ko kay Ate Alice.
"Mas maganda ka pa rin, baby girl!" Pinangigilan ko ang pisngi nya kaya sya humagikhik.
Lumabas ako ng kwarto at inangat pa ni Yessa ang trail ng gown ko. Medyo mahaba kasi yun tapos may mahabang slit pa kaya kita ang isang hita ko. Ewan ko ba kay Tere. Sya kasi ang pumili nito.
"Ang ganda-ganda naman ng bunso ko" salubong sakin ni Nanay noong makarating ako sa sala. Naroon din si Joseph na nakangiti sakin kaya pabirong inirapan ko sya.
"Bakit ang aga mo? Akala ko sa San Juan ka pa manggagaling?" Umuwi kasi sya kahapon pagkagaling naming school dahil may mahalaga raw syang kukunin.
"Excited ako e" ang gwapo nya sa suit nya tapos bagong tasa este bagong gupit pa sya. Well, lahat naman ata ng suotin nya ay babagay sa kanya.
"Ano ka high school? Magbabantay lang kaya tayo dun. Dapat nga nagpants nalang ako e" sinamaan lang nya ako ng tingin kaya binelatan ko sya. Hindi pa rin talaga nawawala sa amin ang pag-aasaran. Umirap lang sya at bumaling kay Tatay.
"Tay, ito na po yung pinagbibigay ni Papa" inabot nya kay Tatay ang isang envelope pero inabot naman ni Tatay iyon sa akin.
"Para sayo yan, Anak" nakangiting wika nya.
"Ano to? Titulo ng lupa?" Biro ko sa kanila dahil mga seryoso sila. Narito rin sina Kuya Alfred at Ate Lea.
"Buksan kasi" singit naman ni Joseph kaya tinaasan ko sya ng kilay. Napakamot naman sya sa batok nya.
Noong buksan ko iyon ay agad na tumulo ang luha ko. Ang unang tumambad sa akin ay ang birth certificate na may pangalang ARIANNE MENDEZ. Binuklat ko ang iba pang dokumento at narito rin ang mga diploma ko simula elementary hanggang college at ilan pang mahalagang papel na nakapangalan na sa akin. Hindi na Aira Angilyn ang nakasulat dun.
Tumingin ako kay Tatay at lumapit naman sya para punasan ang luha sa mga mata ko.
"Humingi ako ng tulong sa Papa ni Joseph. Marami syang kakilala at koneksyon kaya napadali yan at naging posible. Patawarin mo sana si Tatay, anak ha" niyakap ko si Tatay. Ang saya-saya ko. May sarili na akong katauhan at legal ko na ring magagamit ang totoong pangalan ko.
"Maraming salamat po, Tay"
"Wag ka ng umiyak. Masisira ang make-up. Wag kang magpasalamat sakin dahil ginawa ko lang ang bagay na dapat matagal ko ng ginawa. Sa mga Del Castillo tayo magpasalamat dahil hindi sila nagdalawang isip na tulungan ako" bumitaw ako ng yakap kay Tatay at patakbong pumunta kay Joseph.
BINABASA MO ANG
You'll Be Safe Here
General FictionMinsan, makakahanap tayo ng kapayapaan, kalinga at siguridad sa pinaka hindi natin inaasahang tao. *********** Sakit. Pighati. Kalungkutan. Mga salitang naglalarawan kung gaano kasalimuot ang mundong kinagisnan ni Ailyn. P...