Arianne's
Takot. Kalungkutan. Kahunghangan at Kadiliman.
Mga bagay na nararamdaman ko sa tuwing imumulat ko ang mga mata ko. Wala akong ibang naririnig sa paligid at hindi ko rin nararamdaman ang katawan ko physically. Para lang akong papel na palutang lutang at hindi alam kung saan mapapapadpad.
Akala ko noon ay maayos na ako. Pero si Ate Alice, sinabi nyang ilalayo nya si Nanay at hindi ko na makikita pa kahit kailan pag hindi ko inurong ang kaso laban sa asawa nya.
Tuwing matutulog ako ay bumabalik sa ala-ala ko ang lahat ng pananakit nya sakin. Sinasabunutan nya ako, sinisipa ang tagiliran kong may sugat at nginungudngod sa inidoro pag walang nakakakita. Hindi ako nagsasabi kina Kuya dahil lalo syang magagalit.
Tuwing gabi ay nakakatanggap ako ng tawag mula kay Kuya Sonny. Hindi ko alam kung paano sya nakakagamit ng telepono sa bilangguan pero lagi nyang sinasabing makakatakas sya dun at papatayin nya ang pamilya ko.
Gusto kong magtago, gusto kong umalis. Dinala ako ng mga paa ko sa industrial room. Tuloy-tuloy lang akong naglakad palapit sa mga matutulis na bagay na naroon. Animo mga bituing kumikinang iyon at tinatawag ako. Nakalapit ako at nahawakan ko ang isang itak na naroon. Ginagamit iyon ng mga bata pag naggagardening sila. Matalas iyon at makinis. Nakita ko ang repleksyon ko doon. Isang babaeng walang silbi sa mundo. Isang babaeng pinilit lang mabuhay kahit inayawan na ng lahat.
Tinapat ko iyon sa aking palapulsuhan at minasdan ang pulang tumutulo mula doon. Hindi ko nararamdaman ang sakit kaya hiniwa ko ulit. Napaupo ako. Nakatitig lang ako doon hanggang sa marinig ko ang boses ng isang taong laging nandyan para sakin pero alam kong hindi na ako karapat dapat sa kanya dahil madumi ako at walang kwenta.
Ayoko ng gumising pa ..
Suko na ako ..
Hindi ko na kaya ..
Pero ayaw talaga akong pakinggan ng nasa itaas. Gusto Nya pa ata akong mahirapan.
Si Ate Alice! Nandito sya! Sasaktan nya ako, kukunin nya si Nanay. Hindi pwedeng mawala si Nanay dahil mahal na mahal ko sya!
Ang mga mata ni Ate Alice ay punong puno ng pagkamuhi sa akin. Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko dahil nabuhay pa ako sa mundong to. Tinakpan ko ang tenga ko dahil hindi ko na kayang marinig pa sya.
Ang dagat! Sakay ako ng isang sasakyan at nakita ko ang dagat! Ang ganda-ganda at ang payapa. Gusto ko dun. Gusto kong pumunta sa dagat!
Noong maramdaman ko ang tubig sa mga paa ko ay binalot ng kakaibang kaligayahan ang puso ko.
Lumingon ako sa paligid at nakita ko roon si Joseph. Hindi nya ako iniiwan. Nagpasalamat ako sa kanya dahil lagi syang nandyan para sa akin. Lumapit sya at yumakap.
"Joseph .. " ang sarap banggitin ng salitang iyon. Parang natural na natural lang na lumabas iyon sa bibig ko. Simula't sapol, payapa ang loob ko pag nandyan sya. Siya lang ang nagsisilbing liwanag sa madilim kong mundo pero karapat dapat pa ba ako sa kanya?
Tuwing gabi ay dinadala nya ako sa simbahan. Nakatitig lang ako sa imahe ng Diyos. Kailan mo ako kukunin? Kailan mo tatanggalin ang lahat ng sakit na nararamdaman ko? Totoo ka ba o talagang kinalimutan mo na ako?
"Love! Look may shooting star!" Narinig kong sabi nya kaya napatitig ako sa kanya. Nakapikit ang mga mata nya at parang taimtim na nananalangin. Ako kaya? Matutupad ang hiling ko pag sumubok ako?
Nagmulat sya ng mata kaya nginitian ko sya. Ang amo-amo ng mukha nya. Pumikit ako para subukang humiling. Kung totoo ka man, sana maranasan ko naman yung kasiyahan. Sana maging karapat dapat ako sa lalaking nasa harapan ko.
BINABASA MO ANG
You'll Be Safe Here
General FictionMinsan, makakahanap tayo ng kapayapaan, kalinga at siguridad sa pinaka hindi natin inaasahang tao. *********** Sakit. Pighati. Kalungkutan. Mga salitang naglalarawan kung gaano kasalimuot ang mundong kinagisnan ni Ailyn. P...