Arianne's
"Ate Lea ako na po ang magsasampay nyan" nabobored na kasi ako dito sa bahay. Bakasyon namin pero kailangan ulit pumunta ni Joseph sa Canada dahil sa business nila kaya hindi natuloy ang plano naming sa San Juan magbakasyon.
Pinapapunta ako dun ni Mama Rachel at Papa Jaime pero nahihiya naman akong hindi ko kasama si Joseph.
"Sigurado ka? Baka may gagawin pang iba?"
"Ate, bored na bored na ko. Hindi ako sanay ng nakatambay" saka ko inagaw sa kanya ang mga nilabhan nyang kurtina. Nakita ko kasing may mga kumot pa syang nakasalang sa washing machine.
"Yessa, dun na muna kayo maglaro sa may tarangka at baka magdumi ang mga sinampay natin" saway ko sa mga pamangkin ko. Nandito kasi kami sa likod bahay.
"Yessa, ang kapatid mo ha. Wag kayong pupunta sa may mga sasakyan" bilin sa kanila ni Ate Lea.
"Opo, Mama"
Pakanta kanta pa ako habang nagsasampay ng kurtina ng biglang may humablot ng buhok ko. Napaupo ako dahil sa lakas ng hablot nya kaya kinaladkad nya ako.
"Diyos ko! Alice! Bitawan mo si Arianne!" Sigaw ni Ate Lea at pilit na inaalis ang nakadagan saking si Ate Alice. Wala si Kuya Alfred at Tatay ngayon dahil may mga trabaho sila.
"Anong akala mong walanghiya ka, hahayaan nalang kitang maging masaya?" Tinulak nya si Ate Lea at muling hinawakan ang buhok ko. Malaki ang pangangatawan ni Ate kaya nahihirapan akong makaalis sa pwesto ko. Nakadagan sya sakin at hawak nya ang mga kamay ko habang ang isang kamay nya ay sumasabunot at sumasampal sakin.
"Nakiusap ako sa inyo. Nakiusap ako na iurong nyo ang kaso laban sa asawa ko pero hindi nyo ako pinagbigyan. Papatayin kita! Papatayin kitang hayop ka!" Sigaw nya sa mukha ko at patuloy akong pinagsasampal. Nalalasahan ko ang dugo sa bibig ko.
Tinulak syang muli ni Ate Lea kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makatayo.
"Tama na Alice! Tigilan mo na si Arianne!" Niyakap ako ni Ate Lea at pilit sinasalag ang mga kalmot ni Ate.
"Ate tama na po. Hindi po ako lalaban sa inyo" hindi ko kayang labanan ang ate ko. Kapatid ko parin sya.
"Papatayin kita! Ikaw ang salot sa pamilyang to!! Simula noong dumating ka ay nagulo na ang lahat!"
"Hindi ko po kasalanan yun Ate!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Dumating ang ibang kapitbahay namin at hinawakan nila si Ate Alice para hindi na ito makalapit sakin.
"Kasalanan mo lahat ng iyon! At kasalanan mo rin kung bakit nasira ang pamilya ko! Palayain nyo ang asawa ko!" Patuloy syang sumisigaw at kumakawala sa mga may hawak sa kanya.
"Arianne, wag kang makikinig sa kanya ha. Mahal ka namin" sapo sapo ni Ate Lea ang mukha ko. Hindi dapat ako magpatalo sa emosyon ko. Dapat maging matapang ako.
"Ano bang kasalanan ko sayo ate? Bakit galit na galit ka sakin?" Napuno ng hinanakit ang mga mata ni Ate.
"Kasi malas ka. Hindi ka na dapat pinanganak pa. Simula noong ilabas ka ni Nanay, hindi na namin sya lalong nakilala. Lagi nya kaming sinasaktan ni Alfred at walang magawa si Tatay! Hindi nya kami pinag-aral at pinabayaan nya kami!"
"Alam mo bang kaya ako pinakasalan ni Sonny ay dahil sayo! Noong unang nakita ka nya ay gustong-gusto ka na nya. Gusto nyang mapalapit sayo kaya ginamit nya ako! Lahat nalang sayo! Ikaw ang magaling, ikaw ang maganda, ikaw ang matalino, ikaw ang nakapagtapos! Hanga sayo ang lahat pati na ang asawa ko tapos ito pa ang igaganti mo sa kanya. Palayain nyo ang asawa ko! Sana hindi ka nalang nabuhay pa!" Iyak lang ako ng iyak habang tinatanggap ang masasakit na salitang binibitiwan ni Ate.
BINABASA MO ANG
You'll Be Safe Here
General FictionMinsan, makakahanap tayo ng kapayapaan, kalinga at siguridad sa pinaka hindi natin inaasahang tao. *********** Sakit. Pighati. Kalungkutan. Mga salitang naglalarawan kung gaano kasalimuot ang mundong kinagisnan ni Ailyn. P...