Ailyn's
"Good morning, Miss Ailyn" ngumiti ako kay Sir Kent noong binati nya ako. Nakasabay ko kasi sya pa pagtatime-in. Hindi ako nasundo ni Joseph dahil tinanghali daw sya ng gising. Tumawag sya kanina bago ako umalis ng bahay.
"Good morning, Sir! Ang formal mo naman po" alanganing ngumiti lang sya at kumamot sa batok nya. Anong meron sa mga lalaki at ang hilig kumamot sa batok nila?
"Tulungan na po kita sa mga dala nyo" may mga dala kasi akong big book at laptop. Gagamitin ko sa lesson ko mamaya.
"Hindi na Sir.. malapit lang naman ang faculty room. Saka wag mo na akong i-po dahil bata pa ako" pabirong sabi ko.
"No, I insist" inagaw nya ang mga dala ko at nauna nang maglakad sakin.
Naiiling na sumunod ako sa kanya. Nakasalubong ko pa ang mga batang nagbe-bless sakin kaya matagal pa ako bago nakasunod.
Pagdating ko ng faculty room ay naroon na ang mga gamit ko. Nakangisi sakin si JP kaya inambangan ko sya ng suntok.
"Ailyn naman, wag mo namang ipagpalit yung pambato ko" pang-aasar nya kaya inirapan ko lang sya.
Nabaling ang tingin ko sa pinto ng faculty room noong pumasok si Joseph. Nakasimangot ito at parang galit sa mundo. Pabagsak din nyang nilapag ang bag nya sa upuan kaya natahimik ang lahat.
"Pare koy, okay ka lang?" Siraulo talaga tong JP na to! Tumango lang yung isa at binuksan ang laptop nya. Nakita kong may pinapanood syang folk dance dun. Baka lesson nya sa PE.
"Mainit ata ang ulo ni Joseph ah. Ano kayang nangyari?" Tanong ni Myka sakin pero nagkibit balikat lang ako.
"Baka nagseselos" sabat naman ni JP kaya binatukan ko na talaga sya. Malapit lang kase ang table nya sakin.
Noong before lunch ay masayang-masaya ako dahil nagpropose na si Mr Arcilla kay Myka. Deserve naman nila ang isa't isa at kitang kita ko yung love sa mga mata nila.
"What's up, People! Congratulations naman! Abay kami ha" sabi ko noong nakarating kami sa room kung saan nagpropose si Mr Arcilla. Kakakilig dahil nagdemo pa sya. Sayang di namin napanood.
"Oo nga, maid of horror ka, gusto mo?" Pang-asar naman ni Joseph sakin at pagtapos ay umirap pa kaya nagulat ako. Ngayon lang nya ako kinausap buong maghapon.
"Mahiya nga kayo, may mga bata!" Saway ni Sir Tolits kaya hindi na ako sumagot. Sasapakin ko tong lalaking to mamaya. Okay pa kami kagabi dahil tumulong pa syang gawin ang big book ko tapos ngayon ang sungit sungit.
"Okay, doon tayo sa faculty, andun na yung mga foods" sabi nalang ni JP para awatin kami. Nagpaiwan kami ni Tere para batiin si Myka.
"Masayang masaya kami para sa iyo, sismars! Finally!" Totoo yun. Masaya ako dahil simula noong dumating ang mag-ama nya ay nagkaroon na ng sigla ang mga mata nya. Nabawasan narin ang pagiging suplada nya dahil lagi na syang nakangiti.
Noong nakarating kami ng faculty room ay may nakahanda ng pagkain sa table ko. Nagpalingon-lingon ako dahil nagtataka ako kung sino ang naglagay nun. Baka may ibang may-ari.
"Kumain ka na. Ako ang naglagay nyan, bakit may iba ka pa bang inaasahan?" Masungit na sabi nya noong dumaan sya sa likuran ko. Umirap lang ako dahil naiinis na ako. Kung may problema sya, wag nya akong pag-initan.
Noong natapos ang klase ko ay tumambay ulit ako sa faculty room. Umupo lang ako sa table ko at tumunganga.
"Ailyn! Yung Tumbler daw ni Joseph" nagulat ako sa sigaw ni Sir Tolits.
BINABASA MO ANG
You'll Be Safe Here
General FictionMinsan, makakahanap tayo ng kapayapaan, kalinga at siguridad sa pinaka hindi natin inaasahang tao. *********** Sakit. Pighati. Kalungkutan. Mga salitang naglalarawan kung gaano kasalimuot ang mundong kinagisnan ni Ailyn. P...