Ailyn's
"JP!"
"Yes?" Nakataas kilay nyang tanong sakin nang tawagin ko ang pangalan nya. Narito kami ngayon sa canteen dahil lunch break na. Lumapit ako sa kanila ni Tere at nilapag ang tray ng pagkain ko sa harap nila.
"Math Major ka diba?"
"Gusto mong makita ang diploma at TOR ko?" Sagot nya habang pinaghihimay ng isda si Tere. Pagbuhulin ko kaya ang dalawang ito!
"Pilosopo! May ipapasolve ako sayo" tumingin sya sakin at hinintay ang sunod kong sasabihin.
"In eleven big k one plus a" tumingala lang sya sa taas na parang nandun ang sagot tapos maya-maya pa'y tumingin sya sakin at ngumisi. Uminom muna sa ng tubig bago nagsalita.
"Sinong nagpapasolve sayo nyan?" Bago pa ako makasagot ay umupo na sa tabi ko si Joseph dala rin ang pagkain nya.
"Itong epal na to!" Turo ko sa katabi ko. Tumawa naman ng tumawa si JP habang nakatingin kay Joseph na parang nang-aasar.
"Ang ligaya mo, pre ah" sabi naman ng katabi ko.
"Tinamaan ka rin pala e" sabi naman nung isa. Nagkatinginan lang kami ni Tere dahil hindi namin alam ang pinag-uusapan nila.
"Sinasabi mo?" Tanong ni Joseph sa kanya.
"Ah, gusto mo ba Ailyn malaman ang sagot sa tanong mo?" Tumango naman ako.
"Kaya nga nagtatanong yung tao, Johann Psalm!" Mataray na sabi ni Tere kaya napakamot sa ulo nya si JP.
"Sorry na, baby!" Binatukan sya ni Tere kaya napailing nalang ako.
"Wait, Aling tanong? Yung kahapon?" Nanlalaki ang matang baling sakin ni Joseph. Tatawa tawa naman si JP. Maya-maya pa'y napa-aray sya hindi ko alam kung bakit. Masama rin ang tingin ni Joseph sa kanya.
"Ano ngang sagot, Sevilla?!" Yamot na sabi ko sa kanya..
"Hindi ko alam. Kamalayan ko saka hindi naman yan Math!" Akala ko alam nya. Tumayo ako at nagpalinga-linga sa paligid. Noong wala akong nakitang nakatinging estudyante ay binatukan ko sya.
"Akala ko alam mo ang sagot! Ang yabang yabang mo! Sismars, wag mong sagutin ang siraulong to ha!" Natatawang napailing naman si Tere.
"Walang ganyanan, Sismars!" Parang tangang sabi sakin ni JP. Inirapan ko sya.
"Kelan pa kita naging sismars?!" Kumamot lang sya sa ulo nya.
"Eat, Ailyn. Wag kang magtanong sa kahit na sino. Ikaw ang magdiscover ng sagot dun" narinig ko pang humagikhik si JP at maya-maya pa'y umaray na naman sya.
"Ang daming langgam sa sahig. Papalinis ko nga to mamaya kay Baldo" biglang sabi nya noong mapansing nakatingin kami sa kanya.
Noong natapos ang lunch ay nagsimula na rin ang klase ko para sa afternoon session. Wala akong napala kay JP. Nakapabaliw talaga nun.
Noong uwian na ay nakita ko na namang kasama ni Joseph yung senior high na estudyante. Ano bang tinatanong ng batang to? Hindi na naubos-ubos?
"Ahm, mars gusot na yung mga hawak mong folders. Ipapasa mo pa ata yan kay Mam" napangiwi ako at napatingin sa narrative report na hawak ko. Required kasi kaming gumawa nun every month.
"Sino bang nangongolekta nito? Magpapasa na ako para makauwi na. Nakakabwisit lang dito" yamot na yamot na sabi ko. Bwisit kasing Joseph to!
"Ideretso mo na kay Mam Roxas kanina pa ako nagpasa" inirapan ko lang si Tere at pumunta ng office. Andun din kasi si Mam Roxas. Kamalasan naman at naroon sa dadaanan mo ang dalawang nagtatawanan pa. Ganun ba pag may tinatanong?
BINABASA MO ANG
You'll Be Safe Here
General FictionMinsan, makakahanap tayo ng kapayapaan, kalinga at siguridad sa pinaka hindi natin inaasahang tao. *********** Sakit. Pighati. Kalungkutan. Mga salitang naglalarawan kung gaano kasalimuot ang mundong kinagisnan ni Ailyn. P...