Ailyn's
"Sismars! Mamimiss kita" naiiyak na sabi ko kay Myka at niyakap sya. Kailangan kasi nyang umalis muna ng trabaho dahil maselan pang pagbubuntis nya. Masaya ako dahil blessing yung baby nila pero mamimiss ko talaga sya.
"Para kang baliw, Ailyn! Pwede naman kayong dumalaw sa bahay namin e" napansin kong naiiyak din sya pero nakangiti parin. Alam ko namang mahal din nya ang pagtuturo pero mas mahalaga parin ang batang nasa sinapupunan nya.
"Basta Ninang kami ha" presinta ni Tere. Nag-group hug naman kami bago siya sinundo ni Mr Arcilla.
"Guys! Mamimiss ko kayong lahat. Dalaw kayo sa bahay pag may time ha" sigaw nya sa buong faculty room kaya nagsitanguan at sagutan naman ang mga naroon. Kumindat pa sya samin ni Tere bago humawak kay Lawrence at saka sila lumabas.
Napabuntong hininga nalang ako noong tuluyang nawala na sila.
"Hoy! Bakit parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa dyan?" Tanong ni Joseph sakin. May klase kasi sya kanina noong nagpaalam si Myka.
"Nagresign na kasi si Myka" nakangusong sabi ko.
"Sus wag kang mag-alala, manganganak lang yun tapos babalik din. Malakas ang backer nun at investor dito tapos Ninang pa nila sa kasal yung mga may-ari nitong school" biro nya at ginulo ang buhok ko.
"Dalawin natin sila minsan ha" pinisil lang nya ang ilong ko at nginitian ako saka tumango.
"Jusko! Respeto naman!" Sigaw samin ni JP pero hindi namin sya pinansin.
"Noon, babaha ng dugo tapos ngayon bumabaha na ng hantik!" Pang-aasar pa ni Tr Caren.
"Pabayaan nyo nga yung dalawa palibhasa JP basted ka pa din kay Tere" ngumuso lang si JP sa sinabi ni Sir Tolits.
"Ninong naman. Manalig ka lang kaya mag-ipon ka na ng pakimkim"
"Mauuna pa ata akong mag Ninong kina Joseph bago sa inyo e" tatawa-tawang sabi naman ni Sir Tolits bago pumunta sa next class nya.
"May klase pa ako sa Grade 9 ikaw?" Tanong nya sakin pero umiling lang ako.
"Tapos na ang klase ko"
"Sana all" isa-isa silang lumabas ng faculty room para pumunta ng kani-kanilang klase. Nagcheck nalang ako ng workbook ng nursery.
Noong hapon ay hinatid nya lang ako sa bahay dahil kailangan nyang dumeretso ng San Juan. May emergency daw sa company nila at kailangan ng papa nya ng tulong. Buti nalang hindi naisipan ng powerpuff girls na magpabible study kahit na Friday ngayon. Baka wala ring important announcement kaya ganun.
"Ingat sa byahe ha. Text mo ko pag nakarating kana dun" humalik lang ako sa pisngi nya pero hinawakan nya ang mukha ko at saka hinalikan ako sa labi. Hinampas ko sya sa balikat bago ako bumaba ng sasakyan nya.
Noong natanaw kong malayo na sya ay saka ako pumasok ng bahay. Agad na nangatog ang tuhod ko noong makasalubong ko si Kuya Sonny na nakangisi sa akin.
"K-kayo po pala Kuya Sonny" Nandun na naman yung kaba ko kaya tumungo nalang ako.
"Hoy! Anong arte mo na naman yan? Walang ginagawa ang Kuya Sonny mo sayo ha! Wag kang aarte ng ganyan sa harap ni Tatay dahil masasapak kita pag pinalayas na naman kami rito nung matanda" tumango lang ako kay Ate Alice at nagtungo sa kwarto ni Nanay. Nakita ko syang natutulog kaya hindi ko na sya inistorbo.
Pumasok ako sa kwarto ko at ni-lock iyon. Nanginginig parin ang mga kamay ko. Huminga ako ng malalim at kinuha ang natitira pang tubig sa bag ko. Uminom ako hanggang sa kumalma ako.
BINABASA MO ANG
You'll Be Safe Here
General FictionMinsan, makakahanap tayo ng kapayapaan, kalinga at siguridad sa pinaka hindi natin inaasahang tao. *********** Sakit. Pighati. Kalungkutan. Mga salitang naglalarawan kung gaano kasalimuot ang mundong kinagisnan ni Ailyn. P...