Ailyn's
"O, water" tinanggap ko ang bote ng mineral water na inaabot nya sakin. Katatapos lang naming ipamahagi ang cake sa mga nasa lansangan para may pagkain naman sila ngayong pasko. Nakakapagod pero masaya.
"Okay ka lang?" Tanong nya at sinimulan na ang pagmamaneho. Tumango lang ako.
Maya-maya pa'y nag-ring ang phone nya kaya sinagot nya iyon at ni-loud speaker nalang nya.
"Hello po?" Nakahilig lang ako sa bintana at nakapikit ang mga mata.
"Hello, Kuya. Ikaw po ba yung kasama ni Tita Ailyn?" Nagmulat ako ng mata nang marinig ko ang boses ni Janine.
"Janine? Si Tita to. May nangyari ba dyan?" Biglang nakaramdam ako ng kaba. Nanlalamig ang mga kamay ko.
"Wala po Tita. Pinapatanong lang po ng mamay kung okay kayo. Diba may sakit po kayo noong umalis kayo dito?" Nangingilid ang luha ko. Sa unang pagkakataon ay nag-alala din ata ang tatay ko sakin.
"Okay lang ako. Si Lolo at Lola mo, okay lang ba?"
"Janine sinong kausap mo?" Narinig ko ang boses ni tatay sa background.
"Ang Tita Ailyn po, Mamay" narinig kong may kumuha ng phone kay Janine
"Nasaan ka?" Istrikto ang boses nya kaya napalunok ako.
"Kasama ko lang po Tay yung kaibigan ko. Pasensya na po" Kinakabahan ako.
"Kailan ka uuwi? May sakit ka daw sabi ni Janine?" Iba ang boses ni Tatay. Ngayon ko lang narinig ang ganung tono. Tuluyang tumulo ang luha ko.
"Natatakot ka ba sa Kuya Sonny mo?" Napahagulhol na ako. Hininto ni Joseph ang sasakyan at hinaplos haplos ang likod ko.
"Opo, Tatay .. " napabuntong hininga sya.
"Sinong kasama mo? Kumakain ka ba ng maayos?"
"Opo tatay. Mabait po yung kasama ko. Kaibigan ko po sya" nagpapasalamat ako dahil kahit hikbi ako ng hikbi ay nakakapagsalita ako ng maayos. Hinding-hindi ko palalagpasin ang pagkakataong makausap ko si tatay ng ganito.
"Umuwi ka sana bago magbagong-taon. Mag-iingat ka jan, Arianne" saka nya binaba ang tawag. Iyak lang ako ng iyak habang yakap ni Joseph. Ang sarap sa pakiramdam. Ngayon ko lang narinig kay Tatay ang mga salitang yun.
Lord, salamat sa mga regalo mo. Ang saya-saya ko po!
"Uuwi ka na ba?" Tanong sakin ni Joseph noong tumahan ako. Nakangiting tumango ako sa kanya.
"Sigurado ka?"
"Nag-aalala sakin si Tatay, Joseph. First time. Tapos narinig mo? Tinawag nya akong Arianne!" Parang batang sabi ko sa kanya habang pumapalakpak pa. Napangiti naman sya at napailing.
"Yung Kuya Sonny mo?" Napalingon ako sa kanya at nagkibit balikat.
"Ewan ko ba. Hindi ko alam kung bakit takot na takot ako sa kanya. Kakaiba kasi syang tumingin" napansin kong mahigpit ang kapit nya sa manibela.
"Okay ka lang?" Pilit naman syang ngumiti at tumango. Problema nito?
Naging matagal ang byahe dahil sa traffic pero hindi ko alintana iyon dahil ang saya ng puso ko. Noong nakarating kami sa may kanto namin ay lumingon si Joseph.
"Lagi mong hawakan ang phone mo ha. Tawagan mo ako pag nagkaproblema" natawa lang ako sa kanya dahil seryoso sya.
"Mas malala ka pa sa tatay ko e" inirapan lang nya ako.
BINABASA MO ANG
You'll Be Safe Here
General FictionMinsan, makakahanap tayo ng kapayapaan, kalinga at siguridad sa pinaka hindi natin inaasahang tao. *********** Sakit. Pighati. Kalungkutan. Mga salitang naglalarawan kung gaano kasalimuot ang mundong kinagisnan ni Ailyn. P...