Chapter 15

45 4 0
                                    

Joseph's

Matapos kong pakainin ng hapunan si Arianne ay dinala ko sya sa kwarto para makapagpahinga na sya. Hindi na sya muling nagsalita matapos nyang banggitin ang pangalan ko kanina pero naririnig ko naman ang mga hagikhik nya habang nagtatampisaw sa tubig at sapat na sakin yun --sa ngayon.

Ang sarap nyang pagmasdan kasabay ng paglubog ng araw. Lumilipad ang buhok nya dala na rin ng malakas na simoy ng hangin pero hindi nya alintana iyon. Kinuhanan ko pa sya ng mga larawan at video dahil sadyang napakaganda nya noong mga sandaling iyon.

Hinalikan ko sya sa kanyang noo at saka lumabas ng kwarto. Kailangan kong tumawag sa amin dahil baka nagtatampo na ang mama. Madamdamin pa naman yun.

"Hello, Ma?" Nag-aalangang bati ko noong sinagot nya ang tawag dahil sigurado akong sisigawan nya ako.

"Rainier Joseph! Bakit hindi ka nagsasabi na may problema dyan?! Kung hindi ko pa pinilit magsabi ang papa mo ay hindi ko malalaman?!" Sigurado akong naglalabasan na ang mga litid sa leeg nya at gigil na gigil na sya.

"Sorry na, Ma. Pangako pag okay na ang lahat magkukuwento ako sa inyo. Andito po kami ngayon sa Lobo tapos sabi ni Ate Ry pupunta sila dito bukas" bumuntong hininga sya.

"Sigurado ka anak? Baka may maitutulong kami ng papa mo sa kalagayan ng girlfriend mo?" Napangiti ako dahil ang lambing na ngayon ng boses nya. Ganito naman si Mama, matalak lang talaga pero napakalambing kaya nga nasanay na rin ako kay Arianne.

"Sige po, Ma tatawag ako dyan pag kailangan ko ng tulong. Pasensya na rin po dahil hindi ako masyadong makakatulong sa kumpanya ha"

"Wag mo ng alalahanin yun. Basta pag okay na si Arianne, dalhin mo dito kundi ipiprito kita! Naiintindihan mo?!" Tuluyan na akong natawa. Masaya ako dahil kahit sa mga kwento ko palang nila nakikilala si Arianne ay nag-aalala na sila para rito.

"Opo Ma. I love you po" saka na nya binaba ang tawag. Hinugasan ko muna ang mga pinggang kinainan namin bago ako bumalik sa kwarto. Dahan-dahang tumabi ako sa kanya at agad naman syang sumiksik sakin.

"Joseph .." banggit nya sa pangalan ko pero noong tingnan ko sya ay mahimbing parin ang tulog nya. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at hinalikan muli sya sa noo.

"Dito lang ako Love. Hindi ako aalis"

Kinabukasan pagbaba ko ng kusina ay naroon na ang nagkakagulong pamilya ni Ate. Binato pa nya ako ng mangga noong makita ako.

"Tito Joseph!" Nagmano sakin sina Reign at Rhianne. Parehong babae ang anak ni Ate pero daig pa ang isang dosenang lalaki sa sobrang lilikot.

"Anong oras kayo dumating, ate?" Tanong ko habang naglalagay sya ng mga groceries sa pantry. Buti nalang dahil hindi pa ako nakakabili ng supply.

"Kanina pang 5:30. Buti nga naitatabi ko pa yung susi nito e" natatawang sabi nya.

"Di ka naman excited?" Biro ko sa kanya kaya binato na naman nya ako ng garapon ng candy.

"Asan na yung hipag ko? walanghiya ka hindi ka man lang marunong magkwento!" Pinanlakihan nya ako ng mata. Naghanda naman sya ng mga lulutuin nya para sa breakfast.

"Natutulog pa ate. Asan si Kuya Mark?"

"Nandun sa kwarto ko. Antok na antok pa dahil marami syang inasikaso kagabi" ang alam ko kasi ay may bagong business silang tinatayong mag-asawa kaya hindi na rin napapraktis ni Kuya ang propesyon nya.

"Matutulungan kaya ni Kuya si Arianne?"

"Baliw ka ba? May takot sa lalaki yung girlfriend mo tapos si Mark ang aasahan mo? Hayaan mong ako ang kumausap" kumindat pa sya sakin. Graduate din kasi si Ate ng Psychology kaya lang hindi sya nagboard exam dahil mas gusto daw nyang mag-asawa nalang at maging butihing may bahay daw.

You'll Be Safe HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon