Chapter 20

55 4 0
                                    

Arianne's

"Sismars!" Nagulat ako noong pumasok si Myka sa classroom ko. Walang klase ngayon dahil foundation day ng school at may program kami.

"Hala ka! Namiss kita!" Nilapitan ko sya para yakapin. Karga nya rin ang baby nya. Ang cute-cute ng inaanak ko.

Pagkatapos ko syang yakapin ay kinarga ko si Meisha. Ang puti-puti at kamukhang kamukha ng ina.

"Ikaw na babae ka! Marami kang utang na kwento sakin ha. Nagtatampo na ako sayo" nakangusong sabi nya at bahagyang hinatak pa ang dulo ng buhok ko.

"Sorry na kasi, Sismars. Ayaw ko lang na maistress ka. Buti nakadalaw kayo ngayon?"

"Kakanta kasi si Vaughn mamaya. Alam mo naman ang ama nun, di papayag pag di napanood ang panganay nya"

"Kailan ka babalik? Miss ka na namin ni Tere!"

"Baka pag next school year na. Hoy, malapit na ang birthday ni Vaughn. Pumunta kayo dahil kakalbuhin ko kayo pag hindi" nginisihan ko lang sya tapos binalik ang atensyon kay Meisha. Kakaexcite tuloy magkababy. Pero hindi pa naman namin napag-uusapan ni Joseph ang pagkakaroon ng pamilya. Ewan ko dun baka nagdadalawang isip na sa akin.

"Hoy! Magsstart na yung program!" Sigaw ni Tere noong makapasok sya ng room ko. Namilog ang mata noong makita sina Myka.

"Hala! Ako rin pakarga kay Meisha!" Agad naman syang lumapit at inagaw sakin ang bata. Napanguso nalang ako kaya tinawanan ako ni Myka.

"Magsigawa na rin kasi kayo ng inyo para hindi na kayo nag-aagawan"

"Aba Mare, mahirap gumawa pag walang jowa"

"Kung sana sinasagot mo na si JP ngayon ay baka naideretso ka na nun sa simbahan tapos bukas buntis ka na rin" binelatan lang ako ni Tere. Bahala silang dalawa ni JP. Pareho silang magulo.

Pumasok si Mr Arcilla at sya na ang kumarga kay Meisha bago hinawakan ang kamay ni Myka. Sabay-sabay kaming nagpunta ng gym.

Pagdating namin doon ay chineck ko muna kung nasaan na ang mga nursery ko. Hindi naman ako nag-aalala dahil may mga kasama naman silang guardian. Noong nasiguro kong okay lang sila ay umupo ako katabi ng iba pang teachers.

Hindi ko makita kung nasaan si Joseph. Marahil ay busy iyon dahil siya ang coordinator of the month kaya hawak nya ang buong program.

Nagstart ang program at mataman lang akong nanood. Ang cute ng mga minions ko noong sumayaw sila kaya kinunan ko sila ng video. Noong natapos ang presentation ng bawat level ay nagbreak muna. Bumalik nalang daw after 30 mins.

Sa faculty room nalang ako kumain dahil maraming biscuits dun. Ayokong makipagsiksikan sa canteen dahil sobrang daming tao.

After 30 mins ay bumalik ako ng gym. Hindi ko makita sina Tere kaya mag-isa nalang akong nagtungo doon.

Noong nakarating ako doon ay nagtaka ako dahil sobrang tahimik at dilim ng paligid. Napaigtad din ako noong biglang sumara ang pinto sa likod ko.

Nagulat ako noong may humawak sa kamay ko at dinala ako sa taas ng stage. Naaninag kong si Sir Tolits iyon at ngumiti lang sakin. Pinaupo niya lang ako sa upuan doon at saka nagmamadaling umalis din. Anong nangyayari?

Tumapat ang spotlight sa kanang bahagi ng gym --doon sa mga bleachers sa itaas, kaya doon napadako ang tingin ko.

Nakita ko roon ang mga senior high school students na sumasayaw. Noong natapos sila ay nawala ang spotlight at tumapat naman iyon sa kaliwang bahagi ng gym sa itaas parin.

Naroon naman ang mga junior high school students at may iba rin silang sayaw.

Muling nawala ang ilaw at tumapat naman iyon sa gitnang bahagi na nasa itaas pa rin. Naroon ang mga batang sa tingin ko ay nasa grade 4-6.

Sa mismong court naman nagkaroon ng ilaw at naroon ang mga maliit na bata. Mula siguro nursery-grade 3. Nakapila sila ng maayos at tulad ng mga nauna ay sumasayaw rin sila.

Muling nawala ang ilaw at nabalot ng katahimikan ang paligid.

Bumukas ang malaking screen at na nasa malapit sa sound system at nakita ko roon ang nakangiting mukha ni Joseph.

"Hi, Love!" Kumindat lang sya at muling nawala. Napalitan iyon ng mga larawan ko mula noong araw na nag-away kami sa field trip, noong sa coffee shop at marami pang iba. Pawang mga stolen shots iyon. Anong trip ng lalaking to?

Muling nagdilim at tumapat ang spotlight kay Joseph na nakatayo sa ibaba ng stage sa harapan ko. Nakangiti sya at sumaludo sa akin. Noong may pumailalim na musika ay sumayaw syang mag-isa. Habang ginagawa nya iyon ay nakatingin lang sya sa mga mata ko. Kumindat sya bago umalis at mawala sa dilim.

Isa-isang nagbukas ang mga ilaw at tumambad sa akin ang lahat ng estudyante namin. Sabay-sabay na silang sumasayaw sa kani-kanilang pwesto. Manghang-mangha ako dahil lahat sila ang halos sabay-sabay. Kailan kaya ito prinaktis?

Humawi ang mga batang maliliit para makadaan si Joseph sa gitna. Tumigil ang musika pero bumibilang at pumapalakpak ang mga bata sa tono ng isang beat.

"1, 2, 3 and 4 .." bawat bilang nila ay sumasayaw si Joseph palapit sa akin.

"5, 6, 7, 8 ... "

"8, 7, 6, 5 .... 4, 3, 2, 1" pagkatapos ng bilang ay saktong nakalapit na sakin si Joseph. Hinawakan nya ako sa kamay at inalalayang tumayo.

"1, You hit me" hinawakan nya ang isang kamay ko at nilagay sa balikat nya.

"2, You cursed me" yung isang kamay ko naman ang nilagay nya sa balikat nya.

"3, You confused me" nilagay nya ang isang kamay nga sa bewang ko.

"4, You made me smile" yung isang kamay naman nya ang nilagay sa bewang ko.

"5, You stole my heart" hinapit nya ako palapit sa kanya.

"6 and 7, You complete me" saka nya ako inikot at noong humarap ako sa kanya ay nakaluhod na sya sa harapan ko.

"8, Will you spend the rest of your life with me and make me the happiest man alive?" Tuluyang tumulo ang luha ko. Hawak nya ang pinakamagandang singsing na nakita ko sa buong buhay ko.

"Please say yes! Please say yes!" Sigaw ng mga bata na nanonood pala sa amin.

Nakita ko rin sa baba ng stage ang mga kasamahan ko sa trabaho, sina Myka pati ang Del Valle sisters. Lahat sila ay nakangiti sa amin. Noong napadako naman ang tingin ko sa likurang bahagi ng gym ay naroon ang pamilya ko at pamilya ni Joseph.

"Love, wag mo akong patayin sa atake sa puso. Mamahalin pa kita" biro nya pero nakangiwi. Pinisil nya ang kamay ko.

Umupo ako para makapantay sa mukha nya. Dinampian ko sya ng mabilis na halik sa noo.

"Yes! Yes! Yes, Love! I am willing to spend the rest of my life with you!" Sinuot nya sa daliri ko ang singsing at walang sabi-sabing binuhat ako at inikot-ikot.

Narinig namin ang palakpakan ng lahat sa paligid. Binaba nya ako at sinapo ang mukha ko. Sa harap ng lahat, inangkin nya ang mga labi ko.

You'll Be Safe HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon