16Hell

949 33 3
                                    

16Hell

Nero’s POV

Naglalakad na ako.

Uuwi na ako, baka napagod lang ako at nanibago sa pag-ba-byahe. Siguro nga pagod lang ako.

Tumingin ako sa mga paa kong naglalakad. Parang lumalabo ang paningin ko.

“Tignan mo naman ang dinaraanan mo, Nero...”

“Huh?” napataas ang paningin ko sa lalakeng nabangga ko. “V-Vince!” napaatras pa ako.

“Vince?” kulang na lang ay matawa ang lalake sa harapan ko tapos ay umalis na siya. Napasunod ako ng tingin sa kanya. Hindi nga siya si Vince. Pero habang patagal ng patagal ko siyang pinagmamasdan papalayo, lumingon siya...

At ang nakita ko ay ang basag na mukha ni Vince!

Binilisan ko ang paglalakad.

Lumakas ang hangin at animo ay parang uulan. Dumilim na rin ang langit. “Hindi to nangyayari. Maayos na ako,” nilabas ko ang cellphone na nagdudulot ng kamalasan sa akin. Nitong mga nagdaang linggo ay naging maayos na ang cellphone. Nagagamit ko na sa pantawag at pantext kaya hindi ko na naisipang itapon pa.

Naramdaman kong may kamay na dumantay sa balikat ko.

“Pare.”

Boses pa lang, kilala ko na.

Unti-unti ay nakumbinsi ko ang sarili kong lumingon.

“Zoe...” I was stating a fact, not a matter of questioning who he was.

Nahigit ko ang aking hininga at kasabay niyon ay ang tuluyang pagkain sa akin ng dilim.

***

“Lola! Lola! Gising na po siya!”

Naalimpungatan ako sa ingay ng paligid ko tapos mas lalo pa akong naalimpungatan sa matinis na tinig ng batang nasa tabi ko.

May isang matandang babaeng pumasok sa kwarto at mahinang tinapik-tapik ang pisngi ko.

“Hijo...” wika niya.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko.

Matagal ko silang tinitigan at ilang minuto na ang nakalilipas ay naging pamilyar ang mga mukha nila. Sila ang mag-lolang nakasabay ko sa bus kaninang nagpunta ako sa bayan. Sila ang nakatabi ko kanina.

Lumapit ng konti ang bata sa akin at tinaas ang kamay na may hawak sa cellphone na nagdulot ng hindi maipaliwanag na lagim sa buhay ko nitong mga nakaraang buwan at ngayo’y muling nagbabalik. “Ito, ito ang nagdadala ng kamalasan sa iyong buhay at ituro rin ang hihila sa iyo patungong kamatayan.”

Nagulat ako sa sinaad ng bata.

“Apo---“

“Hindi, Lola,” putol ng bata sa sasabihin ng lola niya, “kailangan niyang malaman ang maaaring kapalaran niya. Kailangan niyang malaman ang katotohanan.”

“Anong sinasabi mo?” naguguluhan ako.

Biglang tumalim ang mga mata ng bata at mas lalong naging itim ang mga mata niya. “Hindi totoong tumahimik na sila, ang mga kaluluwang hindi mo nailigtas sa tiyak nilang kamatayan. Madilim ang aura mo dahil malapit ka ng mamatay. Binigyan ka lang nila ng maikling panahon para maranasan ulit nag payapang buhay, ang normal na buhay na noo’y kinuha nila sa iyo. Nasa paligid lang sila,” tumigil siya at tumingin sa paligid namin, “nasa tabi-tabi... nandito.”

Kumunot ang noo ko’t sumabay sa pagtingin niya sa paligid.

“Pero wag kang mag-alala,” patuloy niya, “hindi ka nila magagalaw dito sa loob ng bahay pero hindi ka pa rin makakaligtas kahit mamamalagi ka dito. Hindi ko kayang protektahan ka dahil bata lang ako. nasa sa iyo ang kapalaran mo, iligtas mo ang sarili mo. Sa ngayon, magpahinga ka na muna,” ngumiti siya at binigay sa akin ang cellphone.

“P-pero---“

“Ang sabi ko, mamahinga ka na muna.” Tumayo na silang mag-lola.

Paglabas nila ay tumitig ako sa kisame.

Bahay nila to, nasa bahay nila ako, hindi ko alam kung ano ang papel nila sa buhay ko pero nasisiguro kong malaki ang tulong na binibigay nila sa akin ngayon.

Magpagayunpaman, sana malagpasan ko ang kung anumang pagsubok na haharapin ko sa paglabas ko sa tahanang iyon.

***

Author: si @JustineA_Z ang meh idea nitong chapter na ito, medyo dinagdagan ko lang para maging sapat sa isang chapter, babaita, maraming salamat! Sagarin mo na hanggang sa ending! Hahaha XD Abusada langsss? Profile niya, visit niyo! Sa external link. Tenchuuu.

Incoming call from: HELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon