[1Hell]
Nero’s POV
“Cellphone na hindi pwedeng pang-text? Pang-tawag lang? Ano to, lokohan?” tinitigan ko yung cellphone na hawak ko. Naiwan lang yun ng matandang babae na katabi ko kanina sa jeep eh. Sosyal na matanda, touch screen pa.
Sinubukan ko uling mag-type ng message pero ayaw talaga eh. Maya-maya lang ay kusang nag-dial yung cellphone... wala naman akong pinipindot!
“Hello? Hello?” sabi ng nasa kabilang linya. Boses babae.
Ayos ah. Mayaman din pala sa load ang simcard ng cellphone na ito. “Ah, hello?” sagot ko din.
Sa isang iglap ay may pumasok sa utak ko. Isang babaeng nakaharap sa computer, naka-mini shorts, maganda, ‘Christine Neri’ ang pangalan, 18 years old.
“Sino to?” tanong niya.
“Nero, ikaw, anong pangalan mo?” binigay ko na lang ang totoong pangalan ko. Wala naman sigurong masama sa pakikipag-callmate, di ba?
“Christine. ‘Christine Neri’, ahm, teka lang ha? Tawag ka na lang uli mamaya, nag-o-overheat yata ang PC ko eh.”
Christine Neri? San ko nga ba nakasalubong yang pangalang yan? Psh.
“Sige.”
Kusang namatay yung cellphone. Buset naman, oo. Baka isipin pa ni Christine na ang bastos bastos ko dahil ako pa unang pumatay ng cellphone.
Sa isang iglap uli ay may pumasok na naman sa utak ko. Nag-ye-yelong inumin sa tabi ng computer, dumadaloy na tubig mula doon, napunta sa outlet, biglang lumiyab. Sumabog ang PC/
Napapikit ako. Ano ba yun? Parang nahilo pa ako pagmulat ko.
Bigla uling nag-dial yung cellphone, number ulit ni Christine.
“Hello? Di ba, sabi ko nga, mamaya na----aaaahhhhhh!!!----“
Busy tone.
Ano naman kayang nangyari dun? Biglang gumulo ang linya eh.
Pinagwalang bahala ko na lang iyon at hinalungkat ko pa ang nilalaman ng cellphone.
Pumunta ako sa gallery. Walang kalaman laman ang videos pero laking gilalas ko ng makita ang mga nasa images. Maraming folders dun pero isa lang ang kusang bumukas, yung may title na “DONE.”
Mga larawan ng patay ang nandoon. Mayroong babaeng may nakasaksak na kutsilyo sa noo, lalaking punung-puno ng bubog hindi lang mukha kundi katawan at maging matandang nakahandusay na lasug-lasog ang katawan.
Ang pinakamas-nakakatakot doon ay bawat larawan ay may pangalang naka-indicate, may mga petsa na marahil ay kung kelan kinunan ang larawan na iyon at kung anong oras nakunan iyon.
Inagaw ng isang imahe ang pansin ko. “Christine Neri...” basa ko pagkatapos ay tinignan ko mismo ang larawan... babaeng sunog na sunog ang mukha’t katawan.
***
Author: Di ko maiwasang mapatingin sa likuran ko habang tina-type to. Give up na ako. Di ko yata kaya. Wahaha XD Sayang yata EPORT ko eh!
BINABASA MO ANG
Incoming call from: HELL
Horror☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Ni minsan, di ko inisip magkaroon ng ganito. Sa una lang masaya... Hanggang sa maging nakakatakot na... EijeiMeyou®