2Hell

2K 72 39
                                    

Nero's POV


"Hoy, pare, kung may balak kang magpa-late sa klase, wag mo kaming idamay. Mauuna na kami!"


Mga yabag papalayo. Bukas-sara ng pinto ng kuwarto. Sumilip pa ako mula sa pagkakadapa sa kama. Wala na sina Vince at Zoe  na roommates ko sa boarding house. "Ayos," sabi ko bago bumaba sa double deck. Kinuha ko agad yung cellphone na gumagawa ng himala.

Nanood ako ng news kagabi at may naibalitang may isang dalaga na natagpuang patay sa kanyang kuwarto, sunog ang mukha at katawan sanhi ng pagputok ng PC na kaharap niya, 'Christine Neri' ang pangalan niya. Nagulat ako dun kasi kaparehong-kapareho ng vision ko ang nangyari sa babae. Maging pangalan, pareho din. Maging ang larawan na nasa cellphone at ang larawan na pinakita sa TV ay magkahawig din.

Doon ko napagtantong naghi-himala ang cellphone... kung himala nga ba iyon. Psh. Akin na tong cellphone ngayon. Ngumisi pa ako, wala naman kasing naghahanap eh at kung may maghanap man, hinding hindi ako aamin na nasa akin to.

"Ngayon naman, ire-research ko kayo," kausap ko sa mga larawang nasa cellphone. Binuksan ko ang laptop ko at nagsimulang mag-research sa google. "Patricio Miranda," enter. Naghintay ako. "A victim of hit-and-run.. broken limbs..." blah blah blah. Pagkatapos ay may mga larawan dun. Siya yung lasug-lasog ang katawan. Kaya naman pala, na-hit-and-run kasi. Namatay siya ilang buwan pa lang ang nakakalipas.

Isinunod ko ang babaeng may nakatarak na kutsilyo sa noo. "Vicky delos Santos," ilang impormasyon ulit ang nagpakita, "hmmm. 17 years old. Estudyante. Accidentally slipped. Nahila ang lalagyan ng kutsilyo pagkatapos ay naisaksak ang isang di kalakihang kutsilyo sa noo niya which caused her death." Napatangu-tango ako.

"Enteng Makales," si-nearch ko na naman, "nag-drive ng lasing. Nabangga, patay." Kumunot ang noo ko, sa lahat naman ng nakita ko, siya na yata ang pinakagrabe. Buhay pa siya nung maibangga niya ang sasakyan niya pero may mga nakasaksak sa buong mukha niya sa buong mukha niya na mga bubog galing sa mga nabasag na salamin. Sabi pa doon sa artikulong yun, nakalabas pa siya ng kotse pero paglabas niya ay ang pagharurot ng isang BMW na bumangga sa kanya patungong kamatayan.

Napamura ako. Pinasadahan ko ng tingin yung cellphone na umiilaw na naman ngayon. Kinuha ko yun mula sa unan na pinagpatungan ko. Automatically, napunta na naman yun sa gallery kahit di ko naman pinipindot, sa folder na 'soon' yun nagtungo. Ngayon lang nabuksan yun, kagabi kasi, nag-sha-shut down ang phone kapag kini-click ko ang folder na iyon.

Larawan ng di ko malaman kung lalake ba yun o babae dahil sa nakukulapulan ng pinaghalong tubig at dugo yung mukha niya tapos ay nakadapa pa sya sa damuhan na may bakas ng dugo. Petsa: June 15.

"Aba? Eh June 15 ngayon ah?" tanong ko sa sarili ko.

Pagkabasa ng mga detalye ay biglang nag-dial ulit ang cellphone.

"Tangina! Sino ba to?!" bulyaw ng nasa kabilang linya.

Gago pala to eh! Boses lalake, "tangina mo rin! Mamamatay ka sana!" bulyaw ko pabalik. Mali-mali naman ang tinatawagan nitong cellphone eh.

Incoming call from: HELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon